Chapter 24

12.7K 134 17
                                    

Nang umalis si Dos ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko man kilala kung sino dahil numero lang ay sinagot ko pa rin. Pinunasan ko ang luha ko para maging maayos ang boses ko.

"H-hello?" bungad ko.

"Is this Selene? Are you Francis Daferi's daughter?"

Kinabahan ako. May nangyari bang masama? "O-opo, anong nangyari kay Papa?"

"Nasa emergency room po ang pasyente... hit and run."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinanong kung saang ospital. Nang malaman ko kung saan ay mabilis akong sumakay sa kotse ni Mama at pinaharurot 'yon. Sa sobrang kaba ko ay kahit alam kong may bata sa sinapupunan ko ay walang habas pa rin akong nagmaneho.

Patakbo akong pumunta sa emergency room at awtomatiko akong tumigil nang makita ko si Papa. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya pero agad akong inilayo ng mga nurse dahil inaasikaso pa nila si Papa.

Humagulgol ako habang pinipilit na lumapit kay Papa pero maraming nurse ang nakaharang sa harapan ko.

"Pa! Nandito ako, Pa!" sigaw ko.

Lahat kami ay napatingin sa kamay ni Papa nang itinuro niya ako. Napatigil ako sa pag-iyak at tinulak ang mga nurse na nakaharang sa daan ko.

"P-pa..." tawag ko sa kanya.

Pilit niyang inaabot ang kamay ko kaya kinuha ko 'yon. "Pa, 'wag. 'Wag mo ako iiwan..." pagmamakaawa ko.

Ubos na ako. Tama na.

Parang hinahatak niya ako palapit sa kanya kaya lumapit pa ako lalo. May ibinubulong siya.

"P-pa... 'wag mo po ako iiwan... please..."

"M-mahal... m-mahal k-kita, anak ko..."

Napahagulgol ako at niyakap siya. Ayoko, Lord. 'Wag mong kukunin ang taong 'to. Ayoko.

"M-merry c-christmas, Selene... m-mahal kita..."

Mariin akong napapikit nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Agad akong inilayo ng mga nurse kaya natulala na lang ako. Akmang gagamitan ng defribillator si Papa kaya nagsalita ako ngunit nanatiling nakatulala sa kanya.

"Nagpapahinga na siya..." Pumikit ako nang mariin kaya mas lalong bumagsak ang luha ko. "Huwag niyo nang gisingin..."

"He's still breathing, ma'am!" sigaw ng doktor.

Dumilat ako at tumingin kay Papa. Umiling ako. "Tama na po. Magpapahinga na siya... t-tama na..."

Ubos na ako. Wala nang natira sa akin. Nandyan si Mommy pero may iba na siyang pamilya at mukhang wala siyang balak na tanggapin ako.

This is the hardest goodbye... when you still don't want to let that person go. You need to bid your goodbye even if you still want to be with them. You need to let go of them even if you still want to hold their hands. That's the worst kind of pain.

At ngayon... kanino ako kakapit? Sinong nand'yan para sa akin?

"Time of death... 1:27 am."

Muli akong napapikit. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. Ang sakit. Sa sobrang sakit, nakakamanhid.

"Ma'am..."

Dumilat ako at tumingin sa nurse. May ibinibigay siyang box sa akin na parang regalo. "Nasa kotse po ito ng father niyo... mukhang para sa inyo." Binigay niya sa akin ang box kaya pinagmasdan ko 'yon.

Tinignan ko ang nakasulat sa gilid.

To my daughter,

Ayoko nang makita kang umiiyak, simula ngayon hindi na kita iiwan. I love you, Selene. Merry christmas.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now