Chapter 12

4.8K 95 0
                                    

"Paradise." Bumaba siya sa kotse at napatingin ako sa gilid ko nang bumukas ang pinto. Binuksan niya 'yon kaya dahan-dahan akong bumaba.

"Walang tao, sarado yata."

"This was my late grandma's garden. Ako na ang nagpapatakbo ng negosyo na 'to, Selene," aniya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Ah, pagmamaya-ari mo na 'to?" tanong ko kaya tumango siya.

Nauna akong maglakad. Habang naglalakad ay yakap-yakap ko ang sarili. May takot at pangamba pa rin sa dibdib ko dahil pakiramdam ko kahit anong oras ay darating ang lalaki para pagsamantalahan ulit ako.

Maganda rito. Para ngang paraiso. Tahimik at tanging huni lang ng ibon ang naririnig ko. Magaling siya dahil napakalma ng lugar na 'to ang puso ko.

Patuloy akong naglalakad at alam kong nasa likod ko lang siya, nakasunod sa akin. Nakakabusog ang mga nakikita ko dahil puro halaman.

Eli!

Napatigil ako sa paglalakad at agad napahawak sa ulo ko dahil may nakikita na naman ako. Isang babae. Kaboses niya ang babaeng narinig ko na nanghihingi ng tulong kay Eli. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil malabo pero nakakakita ako ng dugo.

"Sele—" Napaatras ako nang hinawakan ako ni Tyler sa balikat.

"Huwag mo sabi akong hawakan!" sigaw ko at mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa tuloy-tuloy na sigaw ng babae.

Eli! Pigilan mo! Pigilan mo siya!

"AHHH! TAMA NA!" malakas kong sigaw at kinabig ang maliit na paso na may halaman. Nabasag 'yon at nagkalat ang mga lupa't halaman.

Mabilis ang paghinga ko. Mariin kong tinakpan ang dalawang tainga ko dahil sumasakit ang ulo ko sa babaeng sumisigaw.

Eli, tulungan mo ako!

Napaupo ako at pinagdikit ang mga tuhod ko. Para akong batang nagtatago sa nanay para hindi mapalo. Nag-umpisa akong humagulgol.

Akin ka ngayong gabi.

Eli, tulong!

Pang ilan ka na ba sa mabibiktima ko?

Tumawa ng demonyo ang lalaki.

Eli!

Sabi ko na... mabango ka.

Eli, hindi kita mapapatawad!

Eli!

ELI!

"TAMA NA! TAMA NA! TAMA NA!" tuloy-tuloy na sigaw ko na parang isang baliw habang takot na takot na tinatakpan ang tainga ko.

"Selene! Calm down!" Niyugyog ni Tyler ang dalawa kong balikat pero umiling ako.

"M-may dugo! 'Yung babae puno ng dugo! Hindi niya raw ako mapapatawad!" sigaw ko at napaatras si Tyler.

"T-tinatawag niya akong Eli! Ako si Eli! Galit siya sa akin! N-nakakatakot siya!" Halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mariing pagkakatakip sa tainga ko.

Hindi ko na narinig ang boses ni Tyler. Nanlilisik ang mga mata kong tinignan siya pero nakatulala lang siya. Agad akong tumayo at malakas siyang sinampal kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"Ikaw! Kasalanan mo ang lahat!" Humagulgol ako sa harapan niya.

"I almost got raped! Hindi ka sumipot kagabi! Binaboy ako! Ito?" Tinanggal ko ang scarf sa leeg ko at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga sugat sa leeg ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now