Chapter 5

6K 113 2
                                    

"So walang third party?"

"We're just friends, Selene," sagot ni Tyler.

Hinatak ni Travis si Haven papunta sa kanya kaya natawa ang girlfriend niya. Pinaliwanag na kasi nilang dalawa na matagal na silang magkaibigan at magkaharap lang ang bahay nila kaya tinulungan ni Haven na maglinis ng kotse si Tyler.

"Kilala na nga ni Tyler si Travis, e. Kinukwento ko kasi sa kanya," mahinhing sambit ni Haven.

Napangiti ako dahil ang ganda ganda niya. "Anong skincare mo?" nakangiting tanong ko.

"Inggit ka na naman, Selene!" ani Chance kaya siniko ko siya.

"Nag-uumpisa na naman siya manakit oh!" sigaw niya.

"Hindi ko 'yan kilala," nakangiting sambit ko kay Haven, tinutukoy si Chance.

"Wow ha!" sigaw niya.

Tumawa si Haven at umiling na lang. "Gusto niyo bang pumasok muna sa bahay?" tanong niya.

"Yes, may pagkain?" excited na tanong ni Chance.

"Oo nga? Meron bang pagkain, Ate Haven?" tanong ng kapatid ko.

Haynako. Napaghahalataang mga patay gutom. Parang hindi pinapakain sa mga pamamahay nila, e. Napailing na lang ako dahil sa mga ka-walanghiyaan nila at hinawakan ang isang kamay ni Haven.

"Masarap ka magluto? Wala pa kaming almusal, e," nakangiting tanong ko.

Muli siyang natawa. "Sige, pasok na kayo," aniya kaya nag-unahan kaming tatlo nila Chance at Seven na makapasok sa bahay niya.

"Behave yourselves!" sigaw ni Travis pero hindi namin siya pinansin.

Nang makapasok kami sa bahay niya ay napakatahimik. "Wala ka bang kasama? Where's your parents?" I asked while wandering.

"Uh, nasa States sila," sagot niya habang naglalagay ng apron sa katawan.

"Ahh... buti kaya mong mabuhay mag-isa?" tanong ni Chance.

"Hmm... Travis is here. Hindi na ako mag-isa." Ngumiti siya kay Travis kaya nahampas ko sa balikat si Chance dahil sa kilig.

"Omg when kaya magkakajowa!" tili ko habang hinahampas si Chance.

"Tuwang-tuwa ah, tuwang-tuwa," aniya at marahas na tinanggal ang kamay ko sa braso niya kaya inis ko siyang tinignan pero ngumiti rin nang tumingin ako kay Travis at Haven.

Mukhang nagbabagong buhay na ang pinsan ko ah? Ngayon lang kasi siya pumasok sa relasyon, e.

Hinaplos ko ang ulo ni Sash. "When ka kaya magkaka-daddy?"

"Hoy ako daddy niyan!" sigaw ni Chance.

Palagi na lang ba siya naka-sigaw? Rinding-rindi na ako sa boses niya, e.

"Babaan mo nga 'yang boses mo, salaksakin ko ng balahibo ni Sash 'yang bibig mo, e." Tinulak ko ang noo niya gamit ang isang daliri.

"Basta ako daddy niyan. Walang iba!" pag protesta niya.

"Kwento mo sa mama mo," sambit ko at tinalikuran na siya.

"Ikaw lang kinukwento ko kay mama, e." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya.

Tangina ang cringe!

Nilingon ko siya at dumila lang siya kaya wala akong nagawa kundi samaan na lang siya ng tingin.

Ibinaba ko muna si Sash para makagala siya rito sa loob ng bahay ni Haven. Busy na sa pagluluto si Haven habang si Travis ay pinagmamasdan lang siya. Tumingin-tingin na lang ako sa mga pictures na nakasabit. Ang iba ay picture ni Haven with her parents at ang iba ay magkasama sila ni Tyler. Close na close siguro sila.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن