Chapter 19

4.7K 72 18
                                    

"Sinabi nang sa akin 'yan!"

Hinablot ko ang isang box ng pizza na dineliver sa bahay ni Dos. Pumunta kami rito ni Chance pero wala siya at naabutan namin na may nag deliver ng isang box ng pizza.

"Kaibigan ako! Akin 'yan!" Nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya ulit 'yon sa akin.

Hindi ako makapaniwalang natawa dahil sa galit. "Girlfriend ako! Ako ang kakain niyan!" malakas kong sigaw at binawi sa kanya ang pizza.

"Patay gutom! Girlfriend ka lang, kaibigan ako!" sigaw niya at akmang hahawakan ang pizza kaya inilayo ko 'yon pero natanggal niya ang tali.

"Gago ka talaga! Sa akin nga 'to!" sigaw ko at niyakap ang isang box ng pizza para hindi tumilapon.

"Akin 'yan! 'Wag kang sugapa hati tayo!"

"Ayoko! Sa akin 'to lahat!" sigaw ko.

Kinuha niya sa akin ang pizza pero hindi ako nagpatalo hanggang sa pareho kaming natulala sa box ng pizza nang tumilapon 'yon sa lupa. Naramdaman ko ang agad na pag-init ng ulo ko nang makitang nasayang ang lahat ng pizza.

Kumuyom ang kamao ko at agad sinabunutan si Chance pero hindi siya nagpatalo at hinawakan din ang buhok.

"Ahh! Aray! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko.

"Dahil sa'yo natapon 'yung pizza! Sinayang mo madamot ka kasi!" sigaw niya at mas hinigpitan ang pagsabunot sa akin.

"Hindi naman 'yon sa'yo! Sa boyfriend ko 'yon! Bitawan mo sabi ako!" Humigpit ang pagkakasabunot ko sa kanya kaya napasigaw siya.

"ARAAAAY! Bitawan mo 'ko!"

"Ikaw muna! Bitawan mo 'ko, bibitawan kita!" sigaw ko, namimilipit sa sakit nang sabunot ng lalaking 'to.

"Ayoko! Ikaw muna! Bita–aray! Tangina!" sigaw niya habang nagsasabunutan kami.

"Susumbong kita kay Dos!"

"Wala 'kong pake! Bitaw na ah! Masakit na!" sigaw niya pero mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot sa kanya.

"Selene! Chance!" sigaw ni Dos kaya napatingin kami sa kanya. Gulat na gulat siya dahil sa ginagawa namin.

Mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot kay Chance. "Araaaaaay!" malakas na sigaw niya.

"Stop!" si Dos.

"Masakit din! Bitawan mo 'ko!"

"Ikaw mun—"

"I SAID STOP!"

Natigilan kaming dalawa ni Chance dahil sa malakas na sigaw ni Dos pero hindi namin binitawan ang buhok ng isa't-isa. Nakatingin kami sa kanya at mariin siyang nakapikit. Nang dumilat siya ay napabuntong-hininga siya.

He walked towards us. Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa buhok ni Chance kaya tinanggal na rin ni Chance ang kamay niya sa buhok ko.

"What happened?" mahinahong tanong ni Dos.

Napanguso ako. "Eh kasi 'to si Chance! Kinukuha sa'kin 'yung pizza! Wala ka kasi at ako ang girlfriend mo kaya dapat sa akin 'yon," pagsusumbong ko.

"Oh bakit?! Bestfriend ako!" sigaw ni Chance.

"Enough," si Dos. Bumuntong-hininga siya.

"Dos, dumating na ba 'yung pizza?"

Napatingin ako sa likuran ni Dos. It was Haven. Nakangiti siya.

"Huh? Para sa'yo ba 'yung pizza?" tanong ni Chance sa kanya.

"Oo–wait don't tell me... natapon niyo 'yung pizza na in-order ni Dos para sa akin?" Kumunot ang noo niya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now