Chapter 18

4.7K 74 6
                                    

"Eli... patawarin mo ako..."

I was stunned. I was just looking at the ceiling. She brought me to the hospital. Blanko ang utak ko. I don't know what to do.

"M-mama... pinatay mo ang Mama ni Dos..."

"Patawarin mo ako pero kailangan kong gawin 'to..."

Ilang segundo lang ay nakatulog na ako dahil sa itinurok niya sa akin. Nang magising ako ay nakita ko si Mama at Papa sa gilid ko.

"Ma? Pa?" tanong ko.

"S-Selene..." sambit ni Mama.

"Selene? Kailan mo pa tinawag si Eli—"

"Sinabi niya sa'kin. Selene raw ang gusto niyang pangalan kaya simula ngayon... Selene na ang itatawag natin sa kanya. Ayaw niya ng Eli."

Napakunot ang noo ko. Wala akong maalala na may sinabi akong ganoon.

"Bakit po ako nandito? Nasa ospital po ba ako?" tanong ko.

"Oo, anak. Pinuntahan kita rito dahil sabi ng Mama mo ay nabagok ang ulo mo," si Papa.

Napakunot ang noo ko. "Po? Nabagok?" tanong ko.

"Oo, anak. Dinala kita sa ospital. Hindi mo na ba naaalala?" tanong ni Mama kaya umiling ako.

Nagkatinginan silang dalawa ni Papa. "Bakit hindi niya maalala?"

"M-may amnesia ba siya?" tanong ni Mama.

"Nasaan na po ba si Chance? Ang naalala ko ay naglalaro kaming dalawa at kumain ng ice cream. Pagkatapos no'n ay hindi ko na maalala,"

"Dinala kita sa M—" putol ni Papa.

"Nabagok siya! Nakita kong inuntog ni E-Elisha ang ulo niya sa sahig." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama.

"May nag-untog sa akin? S-sino po si Elisha?" tanong ko kaya nanlaki ang mga mata ni Papa.

"Hindi mo ba makilala ang Mo—"

"Tama na, Francis! Sinasaktan mo lang ang anak natin! Huwag mo nang ipaalala sa kanya ang nanakit sa kanya!" sigaw ni Mama.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Alam kong nag-aalala si Papa sa akin pero tinanggap niya rin sa huli na may temporary amnesia ako. Pero bakit sila naaalala ko?

Pag-uwi sa bahay ay nalaman kong namatay ang kaibigan nila Mama at Papa na Fatima raw. Hindi ko naman 'yon kilala.

"Eli—"

"Sabi ni Mama, Selene na raw ang itawag sa akin," sambit ko kay Chance.

"Oh? Edi Selene. Pero... kawawa si Dos. Puntahan natin. Iniwan siya ng Papa niya at sumama sa ibang babae. Si Tita Fatima naman... patay na."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Chance. "Sino si Dos? At sino ba si Fatima?"

Siya naman ang napakunot ang noo. "Huh? 'Di mo kilala?"

"Naaksidente siya, Chance. Hindi niya maalala ang ilang bagay." Biglang sumulpot si Mama.

Nagulat si Chance pero iba na ang nasa isip ko. Sino ba si Dos at Fatima? Bakit hindi ko sila maalala? Bakit hindi ko maalala na may nag-untog sa ulo ko? Bakit hindi ko maalala ang nangyari pagkatapos naming kumain ng ice cream ni Chance?

Pagkatapos mailibing nang tinatawag nilang Fatima ay simula no'n hindi ko na narinig ang pangalan na Dos at Fatima.

Lumabas ako ng bahay at pupunta sana sa playground pero may humigit sa braso ko.

"Nakita ko... nanahimik ka lang... nakita ko hindi mo pinagtanggol si Mama sa Mama mo..."

Napakunot ang noo ko at inis na tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Sino ka ba?!" sigaw ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now