Chapter 8

5.4K 110 26
                                    

"Sino ang mas matakaw?"

Agad na tinapat ni Chance sa mukha ko ang shower kaya napapikit ako. "Tinatanong pa ba 'yan? Syempre si Selene!" aniya habang nag-eenjoy sa ginagawa niya.

"Napaka tagal ah! Tama na!" sigaw ko kaya tumatawa siyang inalis ang shower sa mukha ko.

Nag v-vlog kasi siya ngayon at request ng mga viewers niya ay magtatanong sila kung sino ang 'mas' at kung sino 'yon ay sa kanya itututok ang shower.

"Libreng ligo 'to, Selene," natatawang ani Chance.

"Nye nye nye dami mong alam pinagmumukbang mo lang ako ng tubig sa shower, e," sambit ko.

"Okay next!" si Seven habang binabasa ang tanong sa Instagram ni Chance. "Sino ang hindi naliligo?"

Agad na akong napapikit dahil alam kong itututok sa akin ni Chance ang shower. Punyeta talaga. Sabay silang tumawa nang malakas ni Seven nang matapos si Chance sa pagtutok ng shower sa mukha ko. Tamad ko siyang tinignan.

"Guys, kapag usapang kadugyutan si Selene na agad 'yan, okay?" ani Chance.

"Talaga ba? Hindi lang ako naliligo kapag hindi lalabas ng bahay duh! Wala namang aamoy sa'kin sa kwarto!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Talaga? Paamoy nga!" ani Chance.

"Talaga!" Itinaas ko ang kamay ko para ipaamoy ang kili-kili ko sa kanya. "Oh ano? Ang bango ko 'no?" pagmamayabang ko.

"Ay ano deodorant mo?" tanong niya kaya malakas kong pinitik ang noo niya.

"Aray!"

"Next! Sino ang mas maraming crush?" si Seven.

Ako na naman ang tinapatan ni Chance ng shower. "Kung alam niyo lang, napakaraming crush nito. Isang tingin niya lang sa lalaki crush niya na agad," ani Chance habang binabasa ako.

"Oh bakit ikaw? Ilan crush mo?" tanong ko nang tumigil na siya.

"Isa lang syempre!" sagot niya. Ah si Hope. Si Hope na model at perpekto.

"Next question?" tanong ko kay Seven.

"Sino ang walanghiya?"

Pareho naming binasa ni Chance ang isa't-isa. Natatawa pa ako kasi sa wakas ay nakaganti na rin ako sa kanya. "Pero mas walanghiya ka!" sigaw ko nang matapos ang basaan namin.

"Selene, mag-aminan na tayo mas walanghiya ka," ani Chance at muli akong binasa.

"Luh! Papansin!" sigaw ko at binasa ulit siya hanggang sa tumayo na kami at nagpatuloy sa basaan.

"At dito na nga po nagtatapos ang vlog ko dahil papansin ang Selene na 'to mukhang kulang sa pagmamahal, mamahalin ko lang. Bye, guys!" sigaw ni Chance pero sa akin nakatingin habang binabasa ako.

"Excited ka na ba, Laur?" tanong ko nang makita si Lauren na nag reready para sa birthday niya.

"Yup! Organized na lahat, ate," nakangiting sabi niya.

Nginitian ko siya at pumasok na sa kwarto ko. Magkatabi kami matulog pero dahil may ginagawa pa siya ay ako na muna ang mauunang matulog.

Tinanggal ko ang towel sa ulo ko at umupo sa harap nang malaking salamin. Sinaksak ko ang blower at pinatuyo na ang buhok ko.

Naisip ko na naman si Tyler. Ang sinabi niya sa akin na siya ang nagnakaw ng kwintas at inilagay iyon sa bag ko.

"I stole the necklace and put it in your bag. Sinabi ko na sa Dean. Pumasok ka na bukas."

My jaw dropped. Humiga siya sa kama niya at pumikit. "I'm okay. If you don't mind please get o—"

"Bakit? Bakit mo 'yon ginawa? Galit ka ba sa'kin?" seryosong tanong ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن