Chapter 2

8.1K 153 23
                                    

"Ate! Ate, late ka na!"

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa sunod-sunod na sigaw ni Seven. Tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 9 am na.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?! Letche ka talaga!" Napakunot ang noo ko dahil paos ang boses ko.

Hindi pa ako nakakamove-on sa boses ko ay bumahing na ako. Omg, may sakit ba ako?

Sunod-sunod ang pagbahing na ginawa ko. Mabigat ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay may lagnat ako. Pambihira, napasama pa yata ang pagligo na ginawa namin ni Chance kagabi sa ulan.

I was about to get up but my head hurts. Bumuntong-hininga ako at muling bumahing.

"Yuck, virus."

Agad akong kumuha ng unan at ibinato 'yon kay Seven. "'Wag mo 'kong umpisahan, Syete."

"Tsk." Nanlaki ang mga mata ko nang binuksan niya ang drawer ko at kinuha ang isang balot ng cream-o na hindi ko pa nabubuksan. "Ate, pahingi ah?"

"Fuck you! Kung kailan nahawakan mo na saka ka nagpaalam! Lumabas ka at alisin mo 'yang pagmumukha mo sa harap ko baka maging murderer ako!" Muli ko siyang binato kaya dumila siya at tumakbo palabas.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa headboard ng kama. "Wala 'to! Malayo sa bituka!" Pinilig ko ang ulo ko at tumayo.

I took a bath and did my morning routines. Nagsimula na akong ubuhin kaya sunod-sunod ang pabuntong-hininga na ginawa ko. Hindi ko na binilisan ang pagkilos dahil late naman na ako ng dalawang oras. Wala 'yan, two hours lang 'yan.

Tinawagan ko si Chance sa skype gamit ang laptop pero hindi siya sumasagot. Letche naman 'to. Ngayon niya lang ako hindi sinabay sa pagpasok, ah?

Paglabas ko ng Citta Italia ay binilisan ko na ang paglalakad para makasakay ng jeep. Pagbaba ko sa Jomaica ay sumakay ako ng tricycle para makapunta sa Daang Hari Road.

Naka surgical mask ako dahil nakakahiya naman sa makakatabi ko. Bakit kasi ngayon pa ako nagkasakit? Pwede naman sa next life na.

Nang makarating ako sa Daang Hari road ay naghintay ako ng cab. Ang hassle talaga ng buhay namin ni Chance sa umaga dahil bumabyahe kami. Sa gabi ay sinusundo kami ng kotse nila pero dahil nasa bakasyon ang Papa niya ay hindi kami nasundo kagabi.

Bumaba ako sa District Mall at dito na sumakay ng bus. Sana lang ay hindi ako makatulog. Pakiramdam ko kasi ay mataas ang lagnat ko.

"T-teka..." Napakunot ang noo ko nang may napansin.

Dahan-dahan akong tumingin sa langit at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang madilim na langit. Agad akong tumingin sa wrist watch ko. "Bwakanangina ka, Seven!" malakas kong sigaw nang makitang alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Napansin ko ang tinginan ng mga tao kaya agad kong itinikom ang bibig ko at nag peace sign sa kanila. Tumingin ulit ako sa relo ko at halos durugin ko ito sa inis.

Hindi ko man lang napansin ang langit kanina! Humanda talaga siya sa'kin pag-uwi ko. Magtutuos kami. Wala munang kapatid-kapatid.

Lantang-gulay akong bumaba sa bus nang nasa harap na ako ng L.P.U. 5 am na at 7 am pa ang pasok. Legit na ako talaga ang pinaka unang dumating ngayon.

Nasaan na ba ang guard? Nasa kanya kasi ang bag ko. Masyado pang maaga. Ibinaba ko ang surgical mask at naglakad patungo sa classroom. Sana naman bukas 'to dahil kung hindi, papaslangin ko na talaga si Seven.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα