Epilogue

14.3K 177 54
                                    

"I'm going to my friend's house, Dos. Pumunta ka muna sa Papa mo. Hindi ka pwedeng sumama sa akin, okay?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ako sumasagot. "Be a good boy, okay? Ihahatid kita sa opisina niya." Tamad kong tinanggal ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Ma, ayoko ro'n. Sama na lang kasi ako sa'yo..." pagpupumilit ko pero umiling lang siya.

Napabuga ako ng hangin nang isinakay niya na ako sa kotse niya. Nanahimik lang ako. Mas mahalaga pa ba 'yang pupuntahan niya kesa sa'kin?

"Ihahatid na kita sa opis-"

"'Di na, Ma. Alam ko naman kung saang floor 'yon," sabi ko para makatakas sa kanya.

"Are you sure? Okay then." Hinawakan niya ang pisngi ko para halikan ang noo ko.

Pagbaba ko sa kotse ay kumaway siya kaya kumaway din ako. Pangiti-ngiti pa 'tong nanay ko, mamaya lang alam ko na kung sinong kaibigan ba ang pinupuntahan niya.

Pumara ako ng taxi at pumasok sa passenger seat. Tinignan  ako ng driver. "May pang bayad ka ba?"

"Mukha ba akong pulubi?" inis na tanong ko.

"Patingin kung may pang bayad ka," sabi niya kaya umikot ang mga mata ko sa inis.

Ipinakita ko sa kanya ang wallet ko kaya napatango siya. "'Yung kulay pulang sasakyan pakisundan... mama ko 'yon, e," sabi ko.

"Bakit mo susundan ang mama mo? Mukhang pitong taong gulang ka lang ah?"

"Mag kwentuhan na lang kaya tayo rito para makalayo na si mama?" inis na tanong ko kaya tumawa siya at napailing bago pinaandar ang sasakyan.

Nang tumigil ang kotse ni Mama ay nagbayad na ako sa taxi at bumaba. "Kaninong bahay 'to?" tanong ko sa sarili at nagtago para hindi niya ako makita.

Hindi muna ako pumasok. Basta ang alam ko lang dito nagpupunta si Mama. Sinong kaibigan kaya ang pinupuntahan niya?

Makalipas ang kalahating oras ay pumasok na ako pero nakakapagtakang madilim dito. "Wala bang kuryente 'tong kaibigan ni Mama?" bulong ko sa sarili.

"E-eli, tulong!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Mama. I'm sure it was her voice. Pero... Eli? Nandito rin si Eli?

"Eli, hindi mo alam!" napakunot ang noo ko nang makarinig pa ng ibang boses.

"M-mommy..."

"Eli, wala kang alam!"

"E-eli, tulungan mo ako!"

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nagtago ako nang maramdamang lalabas na si Eli. Nang makitang nakalabas na sila ay naglakad ako para hanapin at buksan ang ilaw at napahinto ako nang makita ko si Mama na duguan at nakapikit na.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "M-ma!" sigaw ko pero hindi na siya dumidilat pa.

Nakatingin ako sa kanya mula sa malayo. Bakit ngayon umaarte siyang hindi niya kami kilala pagkatapos patayin ng Mama niya ang Mama ko?

Eli... bakit?

"Ayoko na... ayoko nang maging kaibigan ka... ayoko nang maging parte ng buhay mo..." malamig na sabi ko sa kanya pagkatapos kong hatakin ang kwintas na binigay ko sa kanya.

Galit siyang tumakbo. Tumulo ang luha ko kasi mamimiss ko siya. Pero pinatay ng Mama niya ang Mama ko kaya hindi ko sila mapapatawad. Hindi niya tinulungan si Mama.

Tumalikod na ako at maglalakad pa sana pero napapadyak ako sa inis at inis na binalikan ang kwintas na tinapon ko.

"Are you still mad at her?" tanong ni Haven pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora