Chapter 33

8.3K 76 1
                                    

It's been 1 and a half month.

Sa ospital na ako namamalagi rito sa Manila. It seems like my body is slowly giving up. Ayoko lang tuluyang sumuko. Hirap na hirap na ako. Minsan ay gusto kong magwala dahil gusto ko nang gumaling pero inilalaan ko na lang ang oras ko sa pagpapahinga.

Magpapasko na next week. Sa totoo lang, ayoko nang makaranas ng pasko dahil noong pasko ay nawasak ang buhay ko.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Darating at darating ang araw ng pasko... sana nga lang maabutan ko pa.

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko rito sa ospital. Pakiramdam ko ay wala na sa akin ang katawan ko... parang matagal nang umalis sa akin at ang tanging puso ko na lang ang lumalaban.

Parang lahat ng parte ng katawan ko ay sumuko na at ang natitirang lumalaban ay ang puso ko na lang.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Chance na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. May dala-dala siyang maliit na speaker na kulay itim at tumutugtog ang Paglisan ng Repablikan. Napangiwi ako.

Ayaw niya raw ng ganitong mga kanta pero pumunta siya rito sa ospital habang tumutugtog 'yan? Pakyu, Chance.

"Tigilan mo na kakasad boy mo hindi na babalik 'yon. Niloko mo, eh," sambit ko.

Tulala siyang umupo at napatakip ako sa tainga ko nang mas lalo niyang nilakasan ang volume ng speaker.

🎶 Bakit pa kailangan na
masaktan ang puso kong ito
sa iyong paglisan
hapdi ang siyang naramdaman
hindi na maibabalik
ang lahat ng ating nakaraan
dahil ba sa huli na ang lahat
sa'yo'y paalam🎶

He hugged the speaker he was holding and looked at somewhere. Napailing na lang ako at pinilit tumayo para makalapit sa kanya.

Nang nakalapit ako ay tumabi ako sa kanya at kinuha ang speaker. Inilipat ko 'yon sa Oks Lang ni John Roa.

🎶Saan na 'to patungo
hindi ko na kasi alam
hinahanap ang sagot sa bakit
hindi ko na kasi alam
hindi ka na nakikinig
hindi ka na kinikilig
hindi ka na natutuwa
'pag may pasalubong na isaw—

"Maarte siya, hindi siya kumakain ng isaw," tulalang sambit ni Chance at binawi sa akin ang speaker habang nakatingin sa kawalan.

Napanguso ako. Binalik niya 'yon sa Paglisan at mas lalo pang nilakasan. Tinodo na yata.

"Can't you win her back?" mahinang tanong ko.

Mapait siyang nguniti. "Hindi kita marinig."

Inis ko siyang tinignan at hininaan ang speaker. "Ayaw ka na ba niya patawarin?" tanong ko.

Bumuga siya ng hangin at isinandal ang ulo sa pader saka tumingala. Umalon ang adam's apple niya dahil sa paglunok na ginawa.

"She went abroad. I lost her. I'm such a jerk."

Napailing na lang ako. Hindi naman siya lasing noon pero nagawa niyang magloko. Sabagay, ang manloloko ay manloloko na talaga. Huwag nang hanapan ng dahilan.

"Bakit ka nag-eenglish bigla?" mahinang tanong ko at pinalungkot ang boses.

"Para mas dama ang senti. Sabi kasi ng iba 'pag english daw mas nakakalungkot."

Bumuntong-hininga na lang ako at tinap ang balikat niya saka tumayo at bumalik sa kama ko. Nilakasan na naman niya ang volume kaya napailing na lang ako.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon and there, I saw Dos, he's walking towards me. Bagong gupit siya. Mas lalo tuloy siyang gumwapo.

"How are you feeling?" tanong niya at umupo sa silya na nasa tabi ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang