Chapter 15

5.3K 80 1
                                    

May makapal at malambot na puting bedsheet na nakalagay sa likod ng raptor niya. May mga puting unan din at sa pinto ng likod ng raptor niya ay may mga beer at pagkain. Gabi na at puno ng bituin sa kalangitan. Mayroon na ring kalahating buwan. Mahangin kaya hindi malamok at masasabi kong perpekto ang gabing ito.

"Matagal mo na pala akong kilala?" mahinang tanong ko. Nakahiga kami dito sa likod ng raptor niya at ang unan ko ay ang bisig niya.

"I've known you for so many years, Selene."

"Ah... so bata pa lang tayo magkakilala na tayo?" tanong ko. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil pinagmamasdan ko ang kalangitan pero alam kong sa akin siya nakatingin.

"Yes," aniya.

"Bakit hindi sinabi sa akin ni Chance na kilala ka niya?"

"I told him. Ayokong alalahanin mo ako. Wala naman akong pakialam kung maalala mo pa ang mga pinagsamahan natin noon. Ang mahalaga, sa akin ka ngayon at habang buhay."

Napangiti ako. Habang buhay.

Sana nga habang buhay.

"Kilala mo na pala ako, bakit mo nilagay ang kwintas sa bag ko?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot at mukhang wala siyang balak sagutin. "Hayaan mo na. Past na 'yan. Wala na akong pakialam." Bumangon ako at binuksan ang isang can beer. Ibinigay ko 'yon sa kanya at tinanggap niya naman.

"Promise, hindi ko pipiliting maalala ka. Hahayaan ko ang sarili kong maalala ka, Tyler," sambit ko.

Tumango siya at nilagok ang beer.

Hindi ko alam kung bakit half moon ang tawag niya sa akin. Mas maganda sana kung moon lang, e. Bakit kailangan kalahati pa? Pero ayokong itanong 'yon sa kanya. Gusto kong hanapin ang sagot sa sarili ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bakit hindi ko maalala na ako si Eli pero alam kong balang araw, babalik din ang alaala ko. Ayoko nang itanong sila Mama. Ayoko nang pumasok sila sa problema ko dahil hindi nila ako naiintindihan.

"Tyler," tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

Sa tingin ko... pumatay ako ng tao.

Base sa mga naririnig at nakikita ko sa isip ko, sinabi ng duguang babae na hindi niya ako mapapatawad.

"W-wala... nevermind. Nasaan pala ang Papa at Mama mo?" tanong ko.

Saglit siyang natigilan. Umigting ang panga niya. Napalunok ako at biglang napaisip. Ano kaya ang painful past na sinasabi ni Tyler na mayroon kaming dalawa?

"I grew up without my father. He's with his second family and my mother died when I was young."

Natigil ako sa paglagok ng beer nang marinig ang sinabi niya. H-he grew up without his parents?

P-paano niya nakaya 'yon?

Napahawak ako sa puso ko. Pakiramdam ko ay may tumusok doon.

"Ayos ka lang?" agad na tanong niya pero hindi niya ako hinawakan.

"A-ayos lang..."

Fuck. I feel bad for him. Iniisip ko pa lang na lumaki siyang mag-isa ay parang sinasaksak na ang puso ko. Paano na lang noong mga araw na may sakit siya, sinong nag-aalaga sa kanya? Ang sakit.

"B-bakit nawala ang Mama mo?"

Napahilamos siya sa mukha gamit ang dalawang palad at sumandal sa gilid ng raptor. Magkaharap na kaming dalawa ngayon at parehong nakasandal.

Mapait siyang ngumiti. "She was murdered."

My jaw dropped. Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ang sagot niya. Sa puntong ito... may napagtatanto ako.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now