Chapter 1

17.3K 536 55
                                    


Gate Crasher




"ADDELYN! Halika na!" tinitigan ko si Karen habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Unang araw namin ngayon sa College de Samar at naglalakad lang kami.

"Sandali lang!" tumayo ako at pinagpagan ang aking palda. "Kailangan ko na talagang bumili ng sapatos."

Nang abutan ko si Karen ay nakangisi siya sakin. "Ikaw lang yata 'yung studyante na hindi naka black shoes. Para kang' high school!"

Inirapan ko siya. "Excuse me? Marami kaya nagandahan neto' sa dati kong school. Marami bang laitera dito sa College de Samar?"

Noong first year college kasi sa isang pribado akong Unibersidad pumapasok. Pero nang malugi ang sari sari store nila mama ay naisipan nang' itransfer ako sa isang pampublikong Unibersidad.

Alam ko naman na hindi ako totoong anak. Hindi iyon nilihim sakin ng nakagisnan kong magulang. Hindi rin ako nagtanim ng sama ng loob sa mga tunay kong magulang.

Sana lang. Kapag nagkita na kami ay mayayakap ko sila at mahagkan. Kasi iniisip ko rin minsan kung sino ang kamukha ko sa kanila? May kapatid ba ako?

Kasi hindi ko alam.

"Addelyn!"

Nagulat ako dahil matagal na pala akong nakatulala.

"Oo!"

Nagsiksikan kami sa loob ng jeep. Marami rin kaming nakasabay na studyante.

Nag uusap usap sila ngayong mangyayari sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay nagpapakitaan ng bag nila. Bago rin naman ang bag ko. Ang sapatos ko lang hindi.

Sa unang klase ay nag adjust pa'ko. Hindi kami parehong kurso ni Karen na anak ni tita Korina, ang kapatid ni mama. Itinuring akong tunay na pinsan ni Karen kahit paano.

"Hi! Ikaw pala si Addelyn? Pinsan ka ni Karen di'ba?"

Ngumiti ako sa babaeng kaklase ko. Ang boring dahil walang teacher sa buong subjects. Nagkalat at nag uusapan ang mga iba.

"Oo."

"Mabuti naman. Nirecruit kana rin ba niya?"

"Huh? Sa ano?"

Tinukod niya ang kamay sa desk ko. "Ako si Annika. Three years na akong myembro ng Phantom Fraternity."

Kinagat ko ang labi dahil sikat nga dito sa Samar ang fraternity nila. Kahit mga police dito ay hindi sinasanto.

"Okay. Ngayon?"

"Ngayon tinatanong kita kung nirecruit ka ba ni Karen? Kasi rule iyon sa amin. Ang boss ay ayaw sa pare parehong putahe. Nagsasawa rin si bossing."

"Pasensya na ha. Hindi ko kasi hilig ang mga ganyan. Tsaka nag aaral ako dito. Doon lang ako nakafocus."

Nginuya niya ang bubble gum at ngumisi sakin.

"Bahala ka. Sponsor dito ang boss namin kaya malaking tulong kapag sumali ka samin. Tumutulong rin kasi iyon."

Umiling ako. Hindi talaga ako interesado. Ilang beses ko nang narinig iyang Fraternity nila. Isang high end 'raw na Frat. Ewan.

Lumabas ako ng classroom para maglibot. May nakakausap na ako sa mga kaklase ko kahit paano. Hindi naman ako nahirapan kasi pinapansin nila ako.

Nilabas ko ang aking cellphone para itext si Annika ng may sumagi sa kamay ko.

Nahulog ang cellphone ko! Pinulot ko iyon at handang singhalan ang kung sinuman pero...

Nasa anim sila at 'yung nasa una ang nakasagi ng aking cellphone. Ni hindi siya tumingin sakin na nasagi niya. Tanging likod niya lang ang nakikita ko.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now