Chapter 9

5.6K 401 44
                                    

Because of what happened.. tatay and Felix met. Neither mama nor Karen did'nt knew about what happened. We didn’t say anything about what happened. All mama and Karen knew was that papa and I had an accident.

Wala namang' sinabi si tatay kay Felix. Kinabahan tuloy ako ng nag usap sila. Katulad ng dati ay hindi ako masyadong nakipag usap kina Karen. Alam ko kasi na aapurahin niya lang ako. Kahit si tatay ay alam kong' walang plano na sabihin kahit kanino ang nangyari.

Isang araw bago ako umalis patungong eskwelahan ay nag aaway na naman sila nanay at tatay.

"Boyet! Ano ba?! Hindi ako makatulog kakaisip kung ano iyang nililihim mo sakin! Saan ka kumukuha ng pera?-"

"Puwede ba Alena?!" Isang hampas sa kung anong bagay ang aking narinig. "Wala nga akong babae! Saan mo naman nakuha ang mga iyan?!"

"Wala?! Sigurado kang' wala?!"



Pumikit ako ng mariin at lumabas nalang ng bahay. Hawak hawak ko pa ang pandesal na may cheese bilang aking breakfast. Ayokong makinig sa pag aaway nila nanay at tatay. Malaki ang insekyuridad ni nanay dahil hindi siya kailanman nagkaanak. Ang unang subok nilang lalaking anak noon ay namatay kaya nang makita nila ako sa gubat ng ako'y bata pa ay hindi na sila nag dalawang isip.

Minsan gusto kong sumbatan ang Diyos kung bakit pinagkaitan ako ng magulang? Kung bakit sa gubat ako napulot? Anong ginagawa ko doon? Bakit kahit ang tumayong magulang ko  ay hindi rin alam  kung bakit ako nandoon? Nakahiga ako doon at nakabestidang puti lamang. Minsan tuwing gabi ay napapaginipan ko ang mga kaganapan doon sa gubat ngunit kung nakagising na ang  lahat ng iyon ay naglaho at di na maalala.



Nasa gate na ako ng makita ko na nakasakay na si Karen sa isang jeep. Huminto iyon kaya sumakay narin ako. Kinuha niya ang hawak ko na  pandesal at inubos iyon.

"Ano na ang ganap niyo? Gawin mo ng maayos Ad ha. Ikaw lang inaasahan ko. Tsaka ' malapit na rin umaksyon si Mr. Chang."

"Huh? Sinong Mr. Chang?"

Mahina kaming nag uusap ni Karen para hindi marinig ng katabi naming' mga studyante.

Umirap siya sakin. Tumalim ang titig ko sa kanya dahil wala sa usapan ang Mr. Chang na iyan. At ano ang gagawin niya?

"Hay..gawin mo nalang kasi Ad. I wont say anything anymore. Basta...gawin mo nalang."

Kumalabog ang puso ko. Labag ito sa kalooban ko. Oo noong una gusto ko na gawin pero habang tumatagal ay ayoko na.

Hindi na ako umimik pa at hindi narin ako kinausap ni Karen. Alam ko na nagbago siya. Sobrang gusto niya si Felix pero hindi naman siya gusto nito.



Nasanay na ako na parang kinatatakutan ako sa eskwelahan. My teachers respect me all the time at hindi ako nasasanay doon.

Huminga ako ng malalim ng oras na ng dismissal para sa lunch break. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko lalo na't alam ko na anumang oras ay nandito na naman siya.

Nilagay ko ang notebooks at ballpen sa loob ng bag ko at tinitigan ang pintuan pero wala akong nakitang Felix na nakahilig o nakapamulsa doon.

He's not here.

Napalunok ako at tumayo na para tingnan ang labas ng room pero wala e. Wala akong nakitang Felix. 

Why should I expect? What for? Bakit ka nakakaramdam ng panghihinyang Addelyn? Hindi dapat ganyan!

Halos kutusan ko ang sarili dahil sa nadarama.

Tinatak ko sa isipan na hindi dapat pa na makaramdam ng panghihinayang kung bakit hindi siya nagpakita o sumipot. Simula at sapol ay alam mong pang isahang buwan kalang Ad! At huwag na huwag kang bibigay!

Halos lutang ako ng klase namin sa hapon. Hinanap ko rin si Karen para utangan kasi nakalimutan ko na ang wallet ko ay nasa kuwarto ko pala. Bigla nalang kasi akong umalis kanina. Buti nalang ang pinambayad ko sa canteen kanina ay ang barya sa aking bag.

Halos gutom na talaga ako ng maghapon. Kaya ng magdismiss na sa hapon ay hinabol ko na si Karen para utangan. Kahit juice man lang sana bago ako umuwi....at! Wala akong pamasahe!

Milagro nalang 'yung pagsundo sakin ni tatay dito sa school..Milagro talaga e basag basag pa yung salamin ng Van namin.


"Karen!!" hinabol ko si Karen pero isang tingin lang ang binigay niya sakin.

"Karen! Pasabay ako!"

Huli na ang lahat dahil sumakay na siya ng tuluyan sa jeep kasama ang mga barkada niya. Ni hindi niya ako inantay at umalis na siya!


"Kainis naman!" sabay sabunot ko sa aking buhok.



Ang malas ko naman ngayong araw kasi sumabay pa ang pag ambon ng ulan. Napamura ako at tumakbo sa pinakamalapit na waiting shed ng paaralan! Bale tatlo ang shed dito. Sa dulo ako sumilong sa hindi punuan.


Ang kaninang maaliwalas na langit ay naging makulimlim at ang ambon ay unti unting lumakas. I shivered because of the cold wind. Humahampas ang malakas na hangin na may kasamang ulan kaya umatras ako upang hindi mabasa.






Niyakap ko ang sariling bag dahil bahagya nang nababasa ang blouse ko ng biglang may tumayo sa aking gilid. Malakas akong napasinghap at nasapo ang aking dibdib.



Nanlaki ang mata ko ng makita na isang lalaki pala ang nasa gilid ko. Naka itim siya lahat at may hawak na cellphone. He stand beside me and his hand disappered in his pocket.



Umiwas ako at niyakap ng maigi ang aking bag na lang ng hubarin niya ang coat na itim at nakita ko na naka T-Shirt na lang siya na kulay puti.


"Use this.."

His voice... parang katulad ng kay Felix but I know much more about Felix.


Umatras ako at umiling. "S-Salamat pero...h-hindi ako tumatanggap ng kung ano sa mga..mga hindi ko kilala."



Matangos ang kanyang iloy. May kokonting balbas sa panga. Ang kilay niya ay makapal at nakaarkong pasuplado. Ang labi niya ay kulay mansanas na- Teka nga bakit ko ba siya tinititigan?

Umangat ang gilid ng labi niya. "I mean no harm lady. Here..take it and I am going." aniya. Hindi nagtagal ay may limo na tumigil sa aming harapan kaya napamulagat ako.


Shit! Ang yaman niya.


"Here..." aniya ulit kaya tinitigan ko ang trench coat niya. Unti unti ko iyong kinuha at ngumiti ako sa kanya.


"You have a beautiful smile Addelyn." aniya at pumasok na sa magarang Limo at napawi ang aking ngiti kung bakit niya ako kilala!!!


"Sir-"


Umalis na sa aking harapan ang sasakyan kaya tinitigan ko ang coat. Bakit kilala niya ako? Damn!


But a name written on his coat caught my attention.

Armando Montediajo - Ceo of Russia Mafia Org


Huh??




Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now