Chapter 3

6.6K 468 44
                                    

NAGING lihim iyon naming dalawa ni Karen. Pero simula noon ay parang naging madistansiya na siya sa akin. Siguro baka ayaw na niya akong malagay pa sa peligro.

Naiintindihan ko iyon. Palagay narin ako dahil walang nangyaring masama sa kanya.

Kahapon ay ikat'long araw ko sa klase. Iba ang pakiramdam ko sa skwelahan kasi parang may laging nagmamasid sa akin. Tapos iyong kaklase ko na si Annika ay panay ang irap niya sakin.

“Lyn! Eto na ang baon mo oh!”

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para makapunta kay nanay sa kusina. Ang patahian ni nanay ng damit ay nagsara noong kelan dahil na rin sa kulang na kami sa pera. Ang van naman na pinaparentahan nila tatay ay nabawasan ng dalawa dahil pinambayad nila ng utang. Kaya ako ngayon ay napunta sa Publikong Unibersidad pero wala naman iyon sa akin.

“Nay, di kana sana nag abala pa." kinuha ko ang paperbag na may lamang donut na naman ito. Si nanay kasi mahilig magtinda at gumawa ng donuts.

"Wala naman kasi akong ginagawa anak. Tsaka magbibirthday pala ang tito Julo mo sa beach raw gaganapin bukas ng gabi."

Papa iyon ni Karen.

"Sige nay!"

Inayos ko ang suot na uniporme bago lumabas ng bahay. Hindi ko na nakita pa si papa dahil siguro naghahanap na naman ng bagong mahahanap buhay namin.

Sana nga makapagtapos na ako ng pag aaral para makapunta na ako sa Maynila at makapag aral na.

Dahil nga wala si tatay at hindi ako maihahatid ay nag aantay ako ng jeep na masasakyan. Nang titigan ko ang malaking bahay nila Karen ay wala naman siya doon sa labasan. Hindi na niya talaga ako inaantay.

Nang makarating sa Unibersidad ay napabuntong hininga nalang ako ng makita si Karen na kinakausap si Annika.

"Karen,Hindi mo ako inantay." panimula ko.

Tinitigan nila akong dalawa at ngumingisi naman si Annika. Natahik si Karen at napakamot sa buhok.

"Ang tagal mo kasi. Bakit ba?"

Nangunot ang aking noo. "Uh, wala naman. Kasi dati gusto mong magkasabay tayo lagi. Sige alis na ako."

Hindi ko maiwasang isipin na baka bumalik parin si Karen sa Frat na iyon. Hindi naman magandang ehemplo ang leader nilang iyon! Bastos!

Nang pumasok ako sa room namin ay nakakapagtaka na walang sinuman ang nandito sa loob pero may iilang bag akong nakita sa mga desk. Nang tinitigan ko ang aking relo ay sadya nga talagang maaga ako.

Nilagay ko sa desk ko ang bag at lumapit sa mga paintings na nasa gilid ng room namin. Simula noong unang araw ko pa ito napapansin. Isang malaking mata ang nakaukit na tila ba nagmamasid sa bawat galaw mo. Hinaplos ko iyon kasabay ng pagtindig ng balahibo ko.

Ang biglaang pagsara ng pintuan ay siya sanang paglingon ko at sigaw ngunit may tumakip sa aking bibig mula sa likod.

Ang aking kaba ay hindi ko na mawari. Lahat ng aking mga tanong ay hindi ko magawa dahil sa malaking kamay na nakatakip sa aking bibig!

Hawak niya rin ang aking dalawang kamay!

"Sshhhhh." aniya ng isang pamilyar na boses. Unti unti akong kumalma hindi dahil sa kampante ako sa kanya kundi para sa aking sarili.

Ito yung...leader ng Phantom!

Inamoy niya ang aking leeg na ikinatuod ko. Gusto kong umiyak dahil sa panghahalay na ito ng lalaking ito!

"Hindi kita sasaktan kung...mananahimik kalang." bulong niya ulit. Madilim na ang room dahil sa pagsara niya ng pintuan kanina.

Tumango ako sa kanyang sinabi. Unti unti niyang kinalas ang pagkakatakip niya sa aking bibig. Napansin ko agad ang mabangong amoy niya.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now