Chapter 33

2.9K 242 54
                                    

Paano ako makakaalis kung alam ko na nasa piitan nila si daddy? Tatlong araw na ako halos hindi makatulog. Ginugol ko nalang ang mga oras ko dito sa mansyon. Sabi ni kuya gumagawa siya ng paraan para makuha niya si daddy.

Alam ko na nahihirapan na rin si kuya.

"Addelyn... Ako na lang ang magdadala ng mga ito sa kuwarto ni Don Cleo." sabi ng mayordoma sakin. Para siyang kabado na hindi ko alam. May awa sa kanyang mga mata.

"H-Ho?" tinitigan ko ang pagkain na nasa tray. Hawak niya iyon.

Tumingin siya sa paligid maging ako ay ginaya siya. Napalunok ako dahil sa simple niyang galaw ay alam ko na agad.

"Umalis kana dito Addelyn." bulong niya sakin. "Naaawa ako sayo. I-Iyong apo ko ay umalis dito dahil pinagsamantalahan raw ng Don."

Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin?

"I-Ibig mo bang sabihin na baka gawin niya sakin? B-Bakit mo ho ito nasasabi sakin? Anong nakita o narinig mo?"

Naramdaman ko ang pangangatal ng katawan niya. "Si Don , Addelyn ay pinagpapantasyahan ka. Hindi iyon titigil. Ako na ang nakikiusap sayo na umalis kana dito."

Napalunok ako. Nag usap kami ng Mayordoma bago niya binigay ang pagkain ni Don Cleo.

Nang alam ko na wala si Rowena sa kwarto ay pumasok ako doon at tinawagan si kuya.

"Kuya!" sabi ko ng sumagot siya agad.

"Addelyn, doon ka likod dumaan. Doon kita aantayin. Umalis kana diyan ngayon na."

Tumango ako at napapikit.

 Alam ko na makakalabas ako dito. Kung hindi ako magpapahalata ay makakalabas ako. 

Nangangatal ang aking buong katawan sa kaba. Napalunok ako at inayos ang sarili. I'll bring my phone with me. Alam ko na kung saan ako ay malalaman ni kuya dahil dito. Isang pindot ko lang ay makakahingi ako ng tulong kahit paano. 

Lumabas ako ng kwarto at nakitang abala ang mga katulong. Alam mo talaga ang isang lugar na hindi safe para sayo dahil unti unti itong nagiging estranghero. 

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig ng makita na abala sila sa pagluluto ay umalis ako agad doon at doon dumaan sa harapan na gate. Hindi pwedeng sa likod dahil maghihinala sila. 



Si Felix lang ang dahilan kung bakit ginusto ko na dito manatili pero ngayong alam ko na wala na akong puwang sa puso niya ay aalis na ako kahit ano man ang mangyari. 



Naniniwala ako na maililigtas ni kuya si papa.

Palabas na ako ng mansyon ng harangan ako ng dalawang tauhan ni Don Cleo. Napalunok ako. 

Tinitigan ko sila. "Bakit po? May bibilhin ako." simpleng sabi ko at napalunok ng makitang patuloy sila sa pag abante sakin.

"Pasensiya na. Hindi ka puwedeng lumabas . Napag utusan lang."

Bawat abante nila ay ummatrs akopara iwasan sila. 

"Ano? Bakit akopagbabawalan?"

Nakita kong' may hawak ng panyo ang isa sa kanila at nanlaki ang mga mata ko. 

Hindi!

Nilukob ako ng kaba ng ambang tatakpan niya ang ilong ko ng panyo. Tumakbo ako at pinindot ang aking cellphone. Siya ang paghila ng aking buhok ng lalaki at napatili ako ng napadapa ako sa lupa.

"K-kuya!" sigaw ko  at naramdaman ang pagtalbog ng cellphone ko sa kung saan. Sa aking pagtili ang siyang paglanghap ko ng amoy sa panyo. My vision became blurry . Bago pumikit ng sapilitan ang aking mga mata ay nakita ko ang dalawang pares ng sapatos. 



"Oh dear Addelyn. "

--------



Hindi ako makagalaw ng maalimpungatan ako. Masakit ang aking buong katawan at namalayan ko nalang na nakahubad na ang aking pang itaas na damit ko. Napabalikwas agad ako ng upo at sumiksik sa dulo ng tingin ko ay kulungan? Nandito ako sa underground ng mansyon ni Don Cleo!

"T-tulong!!" namamaos kong sigaw ng maramdaman ang  sakit sa aking gitnang hita. Halos magimbalako dahil sa nakikita ko na nagkakagulo.

 Pilit kong tinatabunan ang aking hubad na pang itaas na katawan. Akam kong' magulo sa labas at ngayon ko lang nalaman dahil ngayon lang ako nagising at hindi ko alam ang nangyari!



Unti unti kong tinitigan ang aking katawan. Marami akong pasa. Maraming sugat ang aking katawan at parang hindi ako makakilos ng maayos.



Nang lumabas ako ng kulungan , nakita ko at narinig ang iilang sigawan at barilan. Narinig ko ang tilian ng kung sinuman. Parang isang pelikulang nasa gyera. Nanginginig ang aking kalamnan ng makita si kuya. 

He save me. He save me pero hindi ang aking ama. Nakita kong walang buhay ang aming ama sa harapan ni kuya. Marami siyang sugat at nanghihina niya akong tinitigan. 



"I'm sorry. Sorry mahal kong kapatid. Huli na ako."

Sa likod ni kuya ay dumako doon ang aking tingin at nakita si Felix na sugatan. Napalunok ako .

Ang dungeon na punong puno ng dugo at mga katawan na sa tingin ko'y nakakulong dito ang nagkalat. Nangilid ang aking luha at napaluhod. 

Bakit sa isang higlap ay nagkaganito ang lahat? Kung may malay ba ako ay makakaya ko ang lahat? Makakaya ko ba ang mga nakita ko? 

Pagod na napaupo sa sahig si Felix. Sinabunutan niya ang kanyang sariling buhok. Nnag titigan ko si kuya ay hindi ko na siya mamukhaan sa dugo na nasa kanyang mukha. Bakit nagawa ni Cleo ang mga ito? 

"Today is the end.." mahinang sambit ni kuya at nakita kong' dumaloy ang luha niya. Kalaunan ay naramdaman ko ang pagsakit ng aking pagkababae. Nagimbal ako. Nangatal ang aking pagkatao. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Pighati. Pagkasuklam. Awa. 

Naramdaman ko ang pagyakap ni Felix sakin ng mahigpit. Sa sobrang luha ko ay hindi ko iyon namalayan.



"I'm sorry. I'm sorry." patuloy niyang sambit. Mas lalo akong umiyak. 



"Hindi sapat ang buhay nila sa kanilang ginawa. Patawarin mo ako kapatid ko. P-patawarin mo ako." napahilamos si kuya ng mukha at umawang ang labi ko.



"A-anong nangyari s-sakin?" nahihirapan kong tanong at bumaba ang tingin sa kamay ni Felix na maraming dugo. Mas lumakas ang aking iyak.



"I'm sorry.." si Felix at humigpit ang hawak sakin. "Hindi sapat ang buhay nila. Hindi sapat na sila lang ang namatay." banta ni Felix. 

SILA?



Gusto kong sumigaw ngunit isang mahabang iyak ang nagawa. Hindi ko alam kung bakit ako humantong sa ganito.

Binaboy nila ako. 













Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now