Chapter 29

3.2K 255 29
                                    

Pumasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. Gusto kong umiyak sa sabik na nagkasama kami ulit. Ngunit hindi ganoon ang pahiwatig ng kanyang mukha.

Ni hindi siya tumitingin sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko at humigpit ang kapit sa aking mga dala.

"U-Uh...Kamusta ka?" nag aalinlangan kong' tanong. Hindi siya sumagot. Nakita kong pumarada na ang sasakyan niya medyo malayo ng konti sa mansyon.

"Get out. Ayokong may makakita sa ating magkasama." hindi siya nakatingin sakin ng sinabi niya iyon. Tila ba matindi ang galit niya na kapag titigan niya ako ay ibubunton niya lahat ng galit sakin.

Umawang ang labi ko. Kalaunan ay tumango ako at lumabas ng kanyang sasakyan. Agad na umalis iyon sa harapan ko.

Kinagat ko ang labi. Gusto ko siyang yakapin man lang. Ni hindi ko noon nasabi sa kanya na mahal ko siya.

Naging focus ako sa pagtulong sa pinsan  at tita ko kaya ko siya nasaktan. Akala ko mapapaliwanag ko ang lahat sa kanya. Pero sa tingin ko ay naging sarado ang isipan ngayon ni Felix.

Doon ako dumaan sa pintuan ng kusina para naman walang makapansin sa aking pag iyak.

Dumaan ang mga araw na nakikita ko dito si Felix kasama si Bloom. Kamukhang kamukha ni Bloom si Melissa. Speaking of Melissa ay akala ko nandito na siya sa daddy niya pero hindi pa pala. Wala siya dito.

Hindi na ako nakialam pa. Ayaw rin ni kuya na madawit ako. Gusto lang ni kuya na makita akong maayos ay napapanatag na siya.

Isang gabi ay nasa kusina ako. Nakita ko kasi si kuya Diego dito. May kung ano rin sakin na gusto ditong pumunta.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si kuya. Inaantay niya ako ? O si Bloom?

Nasabi lang sakin dati ni kuya na mahal niya si Bloom. Nararamdaman ko naman iyon pero madalas kong makita si Bloom at Felix. Hindi na ako nangealam pa. Parang nasasaktan ako pero pinili ko nalang ang gawin ang aking trabaho dito para narin makabalik ako sa pag aaral.


"Kuya." paos ang aking boses dahil sa gabi na.

"Hey." hinawakan niya ang pisngi ko at hinimas ngumiti ako ng marahan. "Kamusta? I've been busy. I'm sorry." sabi niya at binaon ako sa kanyang dibdib. Niyakap ko si kuya. I feel peace and comfort.

"Ayos lang ako. Ilang araw karing busy."

"Yeah. I am here to give you this." kahit madilim ay nakita ko ang binigay niya sa akin na bagong cellphone.

Umawang ang labi ko. "Kuya, mau cellphone na ako dito. Bagong bili mo rin ito."

"This one have a tracker. Kapag mayroon ka nito alam ko kung nasa panganib ka. I cannot lose you Addelyn. You are my only sister."

Kinagat ko ang labi at tinanggap ko iyon. Hindi nagtagal ay nagulat kami ni kuya na mayroong bumababa sa hagdan. Dahil tahimik ng paligid ay rinig na rinig namin ang yapak ng paa.

"I have to go. It's Bloom." tumango ako at tinago ang cellphone sa aking bulsa. Kinuha ko ang mop at kunwari nag-mop ako ng sahig. Si kuya Diego naman ay simple lang ang lakad at nakalabas agad ng kusina na doon dumaan sa likurang pintuan. Damn! Sanay na sanay si kuya sa ganoong galaw iyong tipong parang hangin lang at walang makakaramdam na nandiyan siya. 

Si Bloom nga! At nakita ko siyang may kinuha sa ref at natigilan ng makita ako.

"Gabi na ah. Bakit hindi kapa natutulog?" tanong niya sakin.

Damn! Oo nga naman madilim at nagma-mop ako dito? Ugh! 

"A-Ah..Ano..m-marami pa kasi akong gagawin."

"Tulog na ang ibang mga katulong e. Puwede ka ng magpahinga. By the way. What's your name?" sabay inom niya sa gatas na kinuha niya.

"Addelyn.."  kinagat ko ang labi.

Tinagilid niya ang ulo  tila sinusuri ako.
Mas binilisan ko na ang pag mop para makaalis na dito.

"Matagal ka na ba dito?"  Nabigla ako sa kanyang tanong! Nakikita niya naman ako ng kailan pero hindi niya ako natandaan? O baka hindi niya lang ako napagtuonan ng pansin.

"M-Mga iilang buwan palang po senyora."

"Okay! Maganda ka. Bakit pa pala dito nagtatrabaho?"

"Kasi po tinulungan ako ni s-sir Diego na makahanap ng trabaho."

Napanguso siya.

"Nag aaral kapa ba?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Mag iipon pa po ako senyora."

"What if...mag aral ka ulit? You know. Dito lang ako mag aaral sa mansyon. Puwede kang makipagsabay sakin. Same year lang yata tayo e. You're eighteen?"

"O-Opo senyora pero nakakahiya po.."

"Hindi iyan. Hahayaan iyan ni Don Cleo. Wala 'yung pakealam at sisiw lang sa kanya ang pera."

Hindi ako makatulog ng gabing iyon lalo na dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mag aral ulit at dahil iyon kay Bloom!

Pagkagising ko sa umaga ay hiningi ng tauhan ng mansyon ang aking papeles para 'raw sa pag aaral ko.

At dumating na nga ang ikinatatakot ko. Si Felix ang kanyang teacher at pinag iinitan ako ni Felix! Kahit na nandiyan si Bloom ay umiinit ang ulo niya sa akin.

"Magsi-Cr lang ako sir." mapanuya ang boses ni Bloom ng sabihin niya iyon kay Felix. Tumango naman si Felix sa kanya at binasa ang exam na binigay niya sa amin!

Oo! Nagpa exam siya agad ng malaman na isa na ako sa mga studyante niya!

Huminga ako ng malalim ng nahirapan ako sa pagsagot. Nang tignan kong' muli si Felix ay inayos niya ang kanyang reading glass at seryoso sa ginagawa.

Wala ba siyang balak na kausapin ako? O tanungin ako sa mga nagawa ko?

Bigla siyang napatingin sakin habang malamlam akong nakatitig sa kanya. Matalim agad ang titig niya.

"Are you doing your exam Addelyn?"

Napakurap kurap ako. "O-Oo s-sir."

"Stop looking at me."

Umiwas ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at wala ngayon si Bloom.

"Felix p-puwede ba tayong mag usap? Uh... T-Tungkol noon iyong sa atin."

Nilapag niya ang mga papel at humalukipkip na tinitigan ako. Hindi ako malayo sa kanya kaya naiintimida ako sa titig niya.

"Sa atin? Di'ba ako na ang nag alok sayo to be my fuck body? At tapos na iyon Ad. Wala na sakin iyon." ngumisi siya habang titig na titig sa akin.

Napalunok ako dahil hindi siya ganito sakin noon. Ngayon parang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya dati iyong Felix na malambing sakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na sa sinabi niyang ito.

"F-Felix...I... I love you-"

Saktong bumukas ang pintuan at dumating na si Bloom. Nakita niya ang pagtaranta ko sa pagpunas ng aking luha habang nakatitig sakin si Felix ,halatang nabigla.




Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now