Chapter 28

3.9K 270 46
                                    

I miss Felix so much. Walang nagawa si kuya sa desisyon ko. May mga bagay siyang hindi sinasabi sakin. Ramdam ko iyon.

Napapayag ko siya pero may kundisyon. Hindi pwedeng malaman ng lahat doon na magkapatid kami ni Diego.

Si Don Cleo ay kaaway. Isa siyang kaaway at nangyaring siya ang ama ng babaeng gusto ni kuya. Si Mystique. ay anak ni Don Cleo. Inampon ni Don Cleo si kuya dahil sa abilidad ni kuya mag-manage. Hanggang doon nalang ang naikwento ni kuya sakin.

Hindi narin ako nagtanong pa. Ang gusto ko lang kung bakit ko pinilit si kuya ay ang kagustuhan na makita si Felix.

Pakiramdam ko ang laki laki na ng kasalanan ko sa kanya. Kaya ba hindi niya sinabi sakin na kilala niya ako at magkakilala kami noon ay dahil may amnesia ako? Kasi hindi iyon pwede sa aking kalusugan. Maaring hindi ko na maalala ang aking nakaraan ng tuluyan kapag tuloy tuloy na sumasakit ang ulo ko.

I'm not totally heal.

"Dapat hindi ako pumayag ng ganito." aniya ni Diego. "Dapat pinag aaral muna kita. That's my plan.-"

"Mag aaral ako kuya. Don't worry. Just...." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. Tumango siya na tila ba alam niya ang pinapahiwatig ko.

Mabilis ang pangyayari. Magaling magdrama si kuya. Sakto rin at nasa ibang bansa si Cleo Maxima. Pero natawagan na ito ni Diego.

Wala naman itong pakealam at tila ba nagtitiwala siya ng husto kay Diego.

Nilibot ko ang tingin sa napakalaking mansyon. Grabe! Ang laki!

Naalala ko ang sinabi sakin ni Diego na ipapasyal niya ako sa aming mansyon kapag mabakante siya.

"Mayordoma, she' s Addelyn. Nakita ko siya sa daan at kailangan niya ng trabaho. I already backround checked her and she's clean. Pakitunguhan siya ng maayos. May marinig akong pinagmamalupitan siya ay malalagot sakin." ani Diego. Nakahanay ang lahat ng katulong at nakarehistro sa kanilang mukha ang takot at pag galang.

Nagkatitigan kaming dalawa. Umiwas ako at gusto kong magmura. Grabe naman si kuya! Halos lahat ng kasambahay dito ay natatakot sa kanya.

Hindi naman naging mahirap ang mga trabaho dito. Lumipas ang iilang araw at hindi ko gaano nakikita si kuya. Pero tuwing gabi ay binibisita niya ako ng palihim. Nakabalik na rin si Cleo galing ibang bansa at tatlong beses ko lang siyang nakita.

Bukod doon ay iniisip ko kung kelan ko kaya makikita si Felix? Narinig ko na siya daw ang teacher ni Bloom o Mystique kaya nagbabakasakali ako na makita siya.

"Day off ko ngayon kuya." Sabi ko kay kuya Diego ng nakatyempo kaming dalawa.

Mukhang problema si kuya. Naikwento niya rin sakin na kaya siya nasa Samar noon dahil nagkahinala si Bloom sa kanya. 

Nagpapasalamat rin ako dahil mukhang busy ang lahat ng tao dito kaya hindi kami nagkikita. Seryoso rin ako sa pagiging katulong ko dito at nag eenjoy naman ako kahit na hindi ako pinapansin ng mga kasamahan ko.

Ang dami kong' nalaman. Pero alam ko na may nililihim sakin si kuya.

Nakabihis na ako at may gusto akong puntahan.

"Saan ka pupunta?" aniya. Nakakunot ang noo ng marinig akong nagpapaalam.

Nagkibit-balikat ako. "Kahit saan. Bibili rin ako ng vitamins ko. Nakakapagod pala kasi linisin ang buong mansyon."

"Wait, bakit di mo sinabi sakin?" inayos niya ang sarili at tumayo. Umirap ako sa kanya. "At di ko sinabing linisin mo ang buong mansyon Addelyn."

"I got bored kaya naglinis ako. Okay?"

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now