Chapter 16

4.6K 305 48
                                    

"J-Joke lang naman iyon." sabay irap ko kay Felix.

Napilitan akong sabihin iyon lalo na at nanunuya ang titig niya sa akin. Kinabahan rin ako dahil nasa bahay niya ako.

Kahit maliit ang bahay na ito pero malinis. Masasabi kong masinop siyang lalaki.

"Hmmm." Aniya. sobrang lapit naming dalawa kaya nilagay ko sa kanyang dibdib ang kamay upang itulak siya.

Ngumiwi ako ng maalala ang kahalikan niyang babae sa hideout nila.

"Teka nga! Bakit mo ba ako dinala dito? Doon kana sa kahalikan mo noong kelan! Kadiri ka!"

Nagpatianod siya sa pagtulak ko pero nakangisi.

"Nagseselos kaba?"

Umawang ang aking labi sa sinabi niya. Ang hambog na ito.

"Excuse me Felix huh? Kung anuman ang gawin mo ay wala na ako doon. Di'ba, ikaw naman ang nagyaya sa akin. Baka nakakalimutan mo ang proposal mo?"

Tinikom niya ang bibig at namulsa sa aking harapan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Isang buwan o dalawa lang naman di'ba? Tapos ngayon dinukot mo ako sa school at dinala dito sa bahay mo? Sino ngayon ang mukhang hindi makatulog kung gabi? Ikaw o ako?"

"Shut up." galit niyang ani sa akin. Kinain ng hakbang niya ang distansiya naming dalawa at hinawakan niya ako sa panga. Namilog ang aking mga mata sa pag aakala na baka saktan niya ako.

"Hindi ko alam na hahalikan ako ng babaeng iyon, basta basta niya nalang akong hinalikan."

Taas baba ang aking dibdib sa kaba. Umiwas ako sa mga titig niya. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganito niyang salita. Kailangan ko parin aalahanin ang mga sinabi sa akin ni Karen.

Sa mga nagdaang araw ay sinabi sa akin ni Karen kung anong klaseng tao si Felix. He's a Mondragon.

Sa totoo lang, hindi talaga ako noon naniniwala sa mga mafia, mafia na iyan. Kasi, dito lang naman ako sa probinsiya ng Samar lumaki at namulat. Noong nakita nila ako tatay at nanay sa gubat ay hindi pa ako ganon ka mulat sa mundo.

Kaya kailanman kahit masaya ako sa pagpapalaki sakin nila nanay at tatay ay alam ko sa sarili ko na parang kulang. Isang puwang ang buong pagkatao ko.

Lumayo siya sa akin para tunguhin ang kusina niya. Nakita ko siyang may kinuha sa ref niya at doon ko nalaman na magluluto siya!

Marunong siyang magluto?

Hindi niya ako pinapansin. Kahit na ano ano na ang ginawa ko dito sa sala niya at wala man lang kahit pictures dito.

Nakahalukipkip ako at nakanguso na tinignan siya muli. Mukhang masarap ang niluluto niya.

Ngayon ko lang natanto na ang galing niya magluto. Masinop siya sa kanyang galaw. Wala pa nga talaga akong alam sa kanya talaga. Kung ano lang ang naririnig ko about sa kanya ay iyon lang. Tsaka itong nakikita ko sa kanya bukod sa panghahalik niya sa akin.

Naging advantage iyon kina Karen ang offer niya sakin. Karen is a family. Magkasama na kami noon pa. Si Felix ay marami nang pinaglaruan na babae dito sa amin.

Maraming nababaliw sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Kung pisikal na anyo, mababaliw kang lubos. Wala siyang kasing guwapo at kisig. Pero...manyak lang siya.

Ganon naman siguro siya sa iba niyang napaglaruan noon. Manyak at palahalik.

Ngayon, ako naman ang laruan niya at hindi dapat ako maging isa sa mga baliw na babaeng obssess sa kanya. Isipin ko ang kapakanan ni Karen. Iyon lang dapat.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now