Chapter 11

5.9K 402 37
                                    

Nakabayad ng kuryente at iilang utang si tatay. Hindi niya sinabi kay nanay kung saan niya kinuha. Ang sabi niya lang ay inutang niya.

Alam ko na galing kay Melissa ang pera na iyon. Simula nang pinagbabaril kami ni tatay ay nagkaroon na yata ako ng trauma. Sa tuwing bumabalik kami doon sa mansyon na pinagtataguan ni Melissa ay balisa ako.

Malaki ang utang na loob ni tatay kay Melissa. Alam ko rin na pinaghahanap siya at maaaring mapahamak si tatay anumang' oras.

Ramdam ko rin na hindi masyadong maayos sila nanay at tatay.

Huminga ako ng malalim at  tinitigan ang cellphone ko. I mean, iyong cellphone na binigay ni Felix.

Nagdadalawang isip na ako sa aking mga ginagawa. This is not me. Bakit ba ako nagpapagalaw? Hay! Gusto ko na lang umatras.

Nilapag ko ang hose at pinatay. Nagbibinyag ako ng mga halaman ng mapagpasyahan na puntahan si Karen sa bahay nila.

Hindi na ako nag ayos dahil sobrang lapit lang naman.

Nakita ko siyang nagcecellphone at umangat agad ang tingin niya sakin.

"Karen."

"Oh?"

Umupo ako sa katabi niyang upuan at bumuga ng hangin.

"Itigil na natin ito. Nakokonsensya ako."

Umirap siya sa ere. "Konting tiis nalang Addelyn! Ngayon kapa talaga nag iinarte? Sabi mo tutulungan mo ako? Addelyn!"  hinawakan niya ang kamay ko. Kinagat ko ang aking labi.

"Sabi mo tutulungan mo ako? Kami! Ikaw lang ang paraan para mabigyan ako ng hustisya."

Mas lalong gumulo ang aking utak. Parang gusto ko nalang huwag pansinin ang lahat. Sana ay maging maayos nalang ang lahat.

I'll just pretend. That's all I can do.

~~~~

Araw na ng klase. Para sa iba ay pang karaniwang araw lamang ito pero sa akin hindi na. Simula nang makilala ko si Felix ay nagbago na ang lahat.

Papunta palang ng eskwelahan ay sobra na ang kabog ng dibdib ko. Everytime I imagined his handsome face and well built body ay hindi ko natatanggap na nahahawakan ako at nahahalikan ng katulad niya. Kahit na alam ko na isa lamang ako sa kanyang flavor of the month.

Siya mismo ang nagsabi nun kaya hindi dapat ako mag e-expect ng sobra. Hay. Ewan. It just all happened so fast.

"Addelyn! Paturo naman nito." tanong ng kaklase kong' lalaki. Marami nga namang hindi nakaintindi sa explainations ng teacher kanina pero buti nalang may naintindihan ako kahit konti. Tuloy tuloy naman kasi mag letions walang preno o paintindi samin.

"Ganito lang yan..." halos tumagal si Ryan sa tabi ko. Kung hindi lang siya siniko ng isang kaklase naming' lalaki at hinila ay hindi pa siya umalis.

"Mga galawan mo ah!"

Nagtawanan sila kaya napairap ako. Mabuti nalang rin at hindi na ako tinatarayan lagi ni Annika. Minsanan ko rin na nakikita silang dalawa ni Karen.

Nag aayos ako para mag lunch ng tumunog ang aking cellphone. Ito yung cellphone na binigay ni Felix. Ang hightech nga naman ng cellphone niya.



"Hello?" kumakalabog ang dibdib ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"May inaayos lang ako ngayon. I paid the restaurant for your food. Dadalhin na diyan."

"Huh? As in dito sa classroom?"

"Yes."

Umirap ako at tumango nalang.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now