Chapter 25

2.8K 213 18
                                    

Naalala ko ang aking nakaraan. Parang natutulala nalang ako sa mga nalaman ko. He's my crush back then. Hindi ko alam kung kumpleto o kulang ang aking mga alaala. May mga oras na sobrang sakit na naman ng ulo ko at pinipili kong’ mahiga nalang at matulog sa sobrang sakit.

"Addelyn!" tawag sakin ni tita Korina, ang mama ni Karen. Simula nang malaman ko na ang yaman nila ay nagmula sa iba at hindi maganda ay medyo lumayo ang loob ko sa pamilyang ito. Lalo na kay tatay.

"Po?" alam kong namumugto ang aking mga mata. Isang linggo na ang nangyaring iyon at biglang namatay si nanay. Ngayon parang ayokong kausapin si Tatay at Karen. Napabayaan ko na rin ang sarili ko.

"Maraming tao sa labas. Tulungan mo muna si Karen doon!" sabi niya sa akin na nakadungaw sa pintuan ng aking kwarto.

"Opo."

Nailibing na kanina si nanay. Minadali. Dahil sa kahit kape ay wala na kaming maibili para sa mga nagpupuyat. Ewan ko. Simula nang magka leche leche kami, simula nang sumali sali si tatay sa kung anong hindi makatarungang trabaho ay tila ba ka'y ilap ng pera sa amin. Hanggang sa nangyari na nga ang lahat.

Bumaba ako at nakita ko si tatay ,nasa sofa at nakahiga. Si Karen naman ay namimigay ng tinapay at juice sa mga kasama namin kanina sa paglibing kay nanay.

“Pakihugasan mo na iyong mga pinggan ninyo. Masyado nang' marumi ang bahay niyo. Babae ka pa naman. And look, ang baho na dito." pangmamaktol ni Karen sakin.

Mas lalong sumakit ang ulo ko na tila ba pumipintig ito sa bawat sakit.

"Mada drop kana rin sa School kapag di kapa bumalik sa pag aaral. Wala karing' excuse letter-"

"Masaya kana ba?" mahinang tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata pero agad niya ring tinago iyon.

"O-Oo naman! Bakit naman hindi?" natatawa niyang sagot.

Maikli akong ngumiti. "Talaga? Nasisiyahan ka na namatay si nanay dahil sa mga nangyari? Hindi ako makafocus sa pag aaral dahil sa mga nararamdaman ko!"

"Bakit ako pa ang may kasalanan?!" sigaw niya sa akin. Hindi niya pansin ang mga napapatingin na sa amin.

"Pumayag ka! Umo-oo ka sakin! Ginawa mo!"

"Tama na yan!" sigaw ni tita Korina at pumagitna sa amin. Pumikit siya ng mariin, tila ba problemado siya.

"Hija, Addelyn. Pasensiya na sa anak ko. Pero kailangan niya ng tulong mo that time. Nabigo siya sa pag ibig at nakagawa ng masama pero pinsan mo parin siya. Pamilya mo kami. Add, the Choi's and Chao's threatening us. Papatayin nila tayong lahat kung isa pa sa atin ay makitang nakikipaglapit sa mga Mondragon. Hindi pa tapos ang gulo nila."

Napalunok ako. Masama ang tingin sakin ni Karen ngunit may luha sa kanyang mga mata.

Yes, I helped her. Hindi ko alam na ganito kalaking gulo ang magiging bunga. Na ganito pala ang plano niya. I thought that it would be simple revenge but it turns out like this.

Tumalikod ako at aambang aalis ng pigilan ako sa braso ni tita Korina.

"A-Addelyn, please. Huwag ka nang makipag usap kay Felix! Paglalapit pa sa kanya ang isa sa pamilya natin. . . mamamatay kami, tayo! Mortal siyang kaawag ng mga hapon! At kung makita ka na kasama mo siya ay madadamay ka!"

Mapait akong ngumiti at tumango. Hinawi ko ang kamay niya sa braso.

"Tita hindi na ako nun gusto. H-Hindi na iyon babalik sakin. Kinasusuklaman na ako ngayon ni Felix."

Tinikom niya ang bibig at napaatras. Umalis agad ako doon. Simula nang nangyari iyon ay wala akong narinig tungkol kay Felix. Alam ko rin na hindi na siya nagpupunta sa skul. Si Borge muna pansamantala ang nandoon bilang lider ng grupo.

Pumara ako ng traysikel.

"Manong! Sa T-Talampas ho ako."

"Ha? Aba, malayo iyon ineng-"

"Magpapamasahe ho ako ng 150 sige napo."

Tila nag dalawang isip pa si manong ngunit tumango kalaunan. Halos isang oras at kalahati rin papunta doon.

Mabato ang daan ng bumaba ako ng traysikel.

"Salamat po!"

"Ineng baka gabihin ka. Madalang ang masasakyan dito."

Malangkot akong ngumiti. "Salamat po, pero ayos lang."

"Sige!"

Umalis na ang driver at nilingon ko ang mababaw na bulubundukin. Halos hapong hapo ako ng akin iyong bagtasin.

Ito iyon. Ang lugar kung saan kami tumalon ni Felix dito sa Samar. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako. Kung bakit alam na alam ko.

Dinala ako ng kusa ng sarili ko. Ng puso ko.

Nang nasa itaas na ako ay narinig ko agad ang mabagsik na ingay ng mga alon. Marahas na nilipad ang aking buhok. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita si Felix na nakapamaywang at nakaharap sa dagat.

Fuck.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko! Gusto ko siyang sigawan kung bakit nandito pa siya! Dapat siyang umalis at magtago!

Unti unti akong lumapit sa kanya. "F-Felix."

Hindi niya ako nilingon. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. Kamusta na kaya siya? Ang mga tama ng bala sa kanya. Ni hindi siya nagmumumkhang nasasaktan sa mga tama niya noon kundi nagmukha siyang blangko. Wala siyang reaksyon na binibigay sakin.

"Why are you here?" tanong niya kalaunan. Umiwas ako at tinitigan ang malawak na dagat ng Samar. Nakita ko ang iilang barko sa malayo.

"Uhm. " I cleared my throat. "H-Hindi ko alam?"

"Totoo bang, niloko mo ako para sa pinsan mo?"

Hindi ako makasagot.

"Lahat ba nang ginawa mo sakin panloloko lang?"

Fuck.

Nilingon niya ako. Namumula ang mga mata niya.

"I thought you've change." umiwas siya and he nodded slowly. "I had the feeling pero hindi ko pinansin. Isinantabi ko dahil akala ko seryoso na tayo."

Mala bato akong napalunok habang kumikirot ang puso ko.

I don't remember all my past yet. Niloko ko siya ng ilang beses? Really? Am I that bad?!

"Felix. . . I'm sorry." uminit ang gilid ng aking mata.

"Do you remember now? Ano? Niloko mo lang ba ako?" may hinanakit sa boses niya.

Kaya nandito siya sa Samar dahil sa hindi niya maiwan iwan ang alaala ng kanyang ina dito. Ang eskwelahan na kung saan dati nagtuturo ang ina niya.

Unti unti akong tumango. Sa ika'tlong pagkakataon ay niloko ko na naman siya ulit. Hindi dahil para sa sarili ko kundi para sa lahat. Ayokong may masaktan pa ng dahil sakin. Ayoko.

Umiwas siya habang nakita ko ang pagkagulat niya.

"Alright." unti unti siyang tumango. "I hope you're happy now. I hope your safety here. I don't want to see you again , Add. I regret everything." parang sumpa niyang binitawan sakin. Halos madurog ako ng sabihin niya iyon.

Umalis siya agad at halos hindi ko siya malingon. Dumaloy ng husto ang aking mga luha at napaluhod ako sa lupa.

Atleast, I am sure everyone is safe now. Kahit na ikinadurog ng husto ng puso ko ang pakawalan ang taong mahal ko.

I don't know how it all happened. Hindi ko alam kung kaylan ako makakabangon. Kung paano ko matutulungan ang sarili ko na maalala lahat. Paano haharapin ang mga bukas na nararamdaman ko pang tumitibok ang puso ko kasi ngayon palang hindi ko na iyon maramdaman.



Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now