Chapter 27

3.1K 232 11
                                    

Halos hindi ako makakain simula ng marinig ko iyon kay Armando. Hindi ako makapaniwala. May kokonti konting sakit ang ulo ko dahil sa mga konklusyon ko. Kung paanong ganon' ang nangyari. Si Armando ang aking fiance noon, itatakda akong ikasal sa kanya kapag nag eighteen na ako. Pero dahil sa paglipas ng panahon at sa trahedya ay nagka amnesia ako.

Damn! Kaya pala parang’ may kakaiba kay Armando.

“Where's Felix right now?" tanong ko kay Armando. Nakatingin siya sakin ng madiin at umiwas. Tila ba iba ang naiisip niya habang nakatingin sa akin.

He sipped on his glass before looking at me. "Back in Manila. Nagta-trabaho bilang teacher."

Kumirot ang puso ko. Alam ko kung bakit kinuha niyang kurso iyon noon. It's because he loves her mom so much. He loves this place so much. The school and Samar. Pero lahat ng iyon ay binasag ko.

Tumango ako kay Felix at dahil sa sobrang curious ko ay hindi ko mapigilan ang magtanong.

“Armando kasi. . .” umiwas ako. “ Nabigla ako sa mga sinabi mo sakin. Gusto ko lang talaga itanong sayo kung naging tayo ba o naging kami ni Felix noon? At ilang taon ako nun?" nag aalinlangan kong' tanong.

“Naging kayo ni Felix.” iyong mga mata ni Armando habang sinasabi iyon ay punong puno ng sakit at pait. “I really like you kaya pumayag ako na ipagkasundo sayo despite our age gap. But you're inlove with Felix. Pero medyo lumabo tayo ng namatay ang parents mo. Ang kasunduan ay parang nawala na. Until nag bakasyon kayo ng tita mo sa Samar. You are fifteen years old back then."

Crap! Napainom ako sa tubig. Hindi ko iyon inaakala!

Halo halo ang aking nararamdaman. Marami kaming pinag usapan ni Armando. He's so gentlemen. Parang gusto kong' sisihin ang sarili ko kung bakit nasaktan ko pa siya noon.

"Paano kung sasabihin ko na m-mahal ko si Felix? Mahal mo pa kaya ako?" mahinang tanong ko kay Felix. Hinawakan niya ang pisngi ko. Napapitlag ako sa kanyang ginawa. Kalaunan ay hinayaan siya.

Bumaba ang haplos niya sa aking labi. Pumikit ako at hinayaan siyang haplusin iyon. He touch it like a soft flowers.

“I'm still in love with you."

Kumalabog ang dibdib ko. Napamulat ako at umiwas. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at alintana ko na ang gabi.

“I'm sorry.” namutawi ko. He smiled slightly.

Gabi na ng ihatid niya ako sa bahay. Kinalas ko ang seatbelt at tinitigan siya.

“Salamat sa paghatid uh. . ." nakaramdam ako ng hiya lalo na alam ko na kung ano kami noon.

"Any time." Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan. Nang buksan niya ay lumabas na ako. Makitid ang espasyong binigay niya sa akin kaya nalalanghap ko ang mabango niyang hininga.

Ngumiti ako ng tipid tsaka pumasok na sa bahay. Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa pagod na nararamdaman ko ay gusto ko na agad matulog.

Pagkabukas ko ng pintuan ay si tatay ang tumambad sakin.

"T-Tay!!" halos manlamig ako at tinakbo siya para iangat ang kanyang katawan mula sa pagkakabigti.

"Tay!! Hindi!" hindi ko alam ang gagawin. Sa gitna ng dilim ay kitang kita ko ang katawan niyang nakabitay. Hindi ako makapaniwala!

"Tay!" dumaloy ang aking luha at narinig ko ang kalabog ng pinto at nakita ko si Armando. May hawak na siyang baril tila ba handang protektaha ako.

"A-Armando tu-tulong!" nag angat ako ng tingin sa katawan ni tatay at pumikit ng mariin. Parang ayokong tanggapin ang katotohanan na patay na siya.

Ang bilis ng pangyayari. Tulala ako habang inaantay nalang na maayusan si tatay. May mga pumunta sa bahay sa tulong ni Armando. Nandito rin ang iilang kapatid ni nanay kanina pero ang nagpahuli ay si tita Korina at Karen.

Tahimik si Karen at hindi makatingin sa akin.

Titig na titig sila kanina kay Armando at hindi ko sila pinapansin. Sa sobrang dami kong' nararamdaman ay gusto ko nalang manahimik.

Sa totoo lang, kung wala si Armando ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin.

"Your brother Diego uuwi galing Germany. Kukunin ka niya." seryoso aniya ni Armando sakin. May mga tauhan siyang naglapag pa raw kanina sakay sakay ang isang chopper.

Hindi ako makabigay ng reaksyon kung ano ang sasabihin ko.

Kahit na ilang araw pa bago ako umalis sa Samar dahil pinalibing muna namin si tatay.

Dumating naman agad si Diego kinabukasan ng mangyari iyon. Ang yakap niya ay nagbigay sakin ng katahimikan.

“I'm sorry...Matagal na gusto kitang kunin. May mga inayos lang ako para makuha ka."

Si kuya na gulo gulo ang buhok. Matikas ang katawan niya at nakikita ko ang pagkapareha ng aming mga mata pero sa kanyang anyo ay nagmumukha siyang mabagsik at sakin naman ay namumungay. Hindi parin ako makapaniwala na magkapatid kami.

“Saan ka nakatira?" tanong ko at binalim ang tingin sa naglalakihang building ng Maynila.

Nagdesisyon ako na sumama sa kanya. Hindi ko na yata matatapos ang pag aaral ko sa kokehiyo. Pero kapag dito makapagtrabaho ako ay mag aaral ako.

Umiwas siya ng tanungin ko sa kanya iyon.

“Hindi kita maaring dalhin sa tinitirhan ko Addelyn." sabay himas niya sa buhok ko. May nakita akong poot sa mga mata niya ngunit pilit niyang winawala.

Lulan kami ng sasakyan niya at huminto kami sa isang building.

“Maxima Family adopt me Addelyn. They are ruthless. Mahirap lalo kapag nandoon ka."

"Kaya gagastusan mo ako? Kuya , ayoko maging pabigat. Pwedi naman na mamasukan akong katulong doon-"

“We are rich Addelyn, we have mansion and hotels-"

Umiling ako. Parang ayokong mamuhay sa isang marangyang buhay. Gusto ko iyong pinaghirapan ko.

“Bakit? May pinamana ba satin ang mga magulang natin? Di'ba sayo iyon lahat? I want to be independent! I want to work with my own!" I insist.

Umawang ang labi niya tila namamangha sa sinabi ko.

“Do you remember something now?"

Suminghap ako. "Oo, k-konti."

Mukhang hindi parin kumbinsido si Kuya. Ayaw niya paring magtrabaho ako muna para makapag aral ako.

Pumasok kami sa isang suite. Napakalaki niyon.

"Sino ang nakatira dito?" tanong ko ng nilapag niya ang dalawang bag ko.

"Ikaw ." sagot niya sakin at humalukipkip.

Tinaasan ko siya ng kilay at namaywang ako.

"Ayoko. Napakalaki nito para sa akin! Nag iisa lang ako. Kuya, namatay ang kinikilala kong' magulang at hahayaan mo akong magmukmok dito? Doon naman kasama kita-"

"Nandoon si Felix. He's with Bloom!" nagmura siya ng mahina. "You can't be there alright? Kumplikado."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Mas lalong nanaig sakin ang desisyon ko. Paninindigan ko.

"Who's Bloom? B-Bakit magkasama sila ni Felix?" naguguluhan kong' tanong.

"M-My sister. A Maxima."

Nanlaki ang mga mata ko. Wait. What?

Nasapo ko ang noo. Nakakagulo nga.

"Kuya isama mo ako doon. I- I want to talk to him."

Nagkatitigan kaming dalawa. Lumamlam ang titig niya sakin kalaunan at hinila niya ako para sa isang yakap.

In that moment. I feel his sadness and longing.

"Kuya, o-okay kalang?" mataas siya kaya napapatingkayad ako para haplusin ang kanyang likod.

Kumikirot ang puso ko. Pumikit ako at dumaloy ang aking luha sa nararamdaman ko ngayon.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now