Chapter 7

6.1K 420 32
                                    






Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Kinuha ko ang malaking suklay at sinuklay ang aking buhok.

I was amaze by my natural brown hair. Talaga ngang' ampon ako. Ang buhok nila nanay at tatay ay natural na itim, kabaliktaran ng sakin.

"Lyn! Hahatid kana lang raw ni tatay mo sa eskwelahan!  Magmadali!"

Napakislot ako at inayos ang aking buhok at uniporme. Bawat apak ko sa sahig naming' yari sa malapad na kahoy na bulok na sa kalawang ay lumalagitnit ito.

"Opo nay!"

Bumaba ako sa hagdan at nilapitan si nanay. Umupo muna ako para makakain ng mabilisan.

"Anong oras ka na ba natulog kagabi at malilate ka ngayon?" si nanay ng bigyan ako ng gatas. Kinuha ko iyon at uminom.

"Wala nay, hindi lang ako makatulog."

Ang totoo talaga ay hindi ako makatulog kakaisip kay Felix. Halos iuntog ko kagabi ang  aking ulo dahil hindi mawaglit kung paano niya ako halikan.

Yawa!

Sumakay ako sa iisang van namin. Ito nalang ang pinapasada ni tatay lalo na sa mga turista na nagbabakasyon dito. Ang ibang van namin ay naibenta na.

"Tay.."

Tinitigan ako ng pagilid ni tatay. Huminga ako ng malalim. Malapit na kami sa eskwelahan. Kung kasama ko si Karen baka naglalakad na naman kami sa daan para makipag kwentuhan ng kung ano ano.

"Kamusta na si Melissa?"

Hirap na bumuntong hininga si tatay.

"Maayos naman siya anak. Hirap nga talaga ngayon at may mga naghahanap sa kanya. At si nanay mo kasi nagdududa na."

Kinabahan ako. Long time ago, bata pa ako nun ng pinagdudahan ko si tatay. Nang matuklasan ko ang lahat lahat naliwanagan ako. We have to keep it a secret kahit kay nanay.

Napasubo talaga si tatay at wala nang magawa pa. Si Melissa ay matanda  sa akin ng ilang taon.


"T-Tay.. paano po kung ang rason ng pagkalugi ng negosyo niyo dahil sa m-mga naghahanap kay Melissa? T-Tay baka nasa panganib tayo."

Bumalatay ang takot sa mukha ni tatay. Napalunok ako at umiwas. Kaya malaking pera ang nilalabas palagi ni tatay dahil sa pag babayad ng katulong na magbabantay kay Melissa sa malaking bahay. Ilang oras lang ang layo nito sa lugar namin dito at minsan, pumupunta ako doon. Kahit si Karen o magulang ni Karen ay hindi ito alam.


Marami nang studyante ng iparada ni tatay ang van sa harapan ng gate. Ngumiti ako ng malungkot kay tatay.

"Hindi mo na ginagamit ang cellphone mo ah." si tatay habang nakababa ang salamin ng van , ako naman ay nakatayo na sa labas.

Ngumuso ako. "Wala na kasi iyon tay. Medyo pagod na kaya di na magamit. Bibili ako ng bago kung makaraket ako."

Umiling si tatay at may binigay sa akin na maraming pera. Napamulagat ako at napalinga linga.

"Tay!" tanggi ko. "Bigay nyo nalang kay nanay kasi mapuputulan na tayo ng tubig at kurente!"

Tumango kalaunan si tatay. "Maraming pera si Melissa anak. Makakaahon na tayo sa hirap. Buti nalang nakalabas siya nung kelan at naka withdraw ng pera sa bangko niya."

Shit. Di kaya mas ikakapahamak namin iyon?

"Pasok na ho ako tay."


At ito na naman ang nararamdaman ko. Sa tuwing nandito ako sa skwelahan pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin lagi. Alam ko naman kung sino iyon. Bawat madaanan ko ay nagsisihawian para mabigyan ako ng daan.

Walang salita kundi katahimikan bawat grupong madaanan ko.

Pakiramdam ko hindi na ako ordinaryo tuloy.


Pumasok ako sa room at nakitang nag uumpisa na ang klase. Si Annika naman ay himalang hindi ako inirapan. Si sir Mendoza ay tahimik na minasdan ako at mukhang takot. Hindi na tulad ng una na pinapagalitan ako.



Lunch break ng sumakit ang ulo ko sa mahabang test na binigay sa amin. Hindi ko nga nasagutan ng maayos.

Lumabas na ang iilan sa amin ng ako ay makapag desisyon na lumabas narin. Sa totoo lang gutom na gutom na talaga ako. Nag aayos ako ng gamit ng may tilian sa labas. Isang anino ang nakita ko sa sahig at ng sundan ko iyon ay nakita ko si Felix na nakahilig sa hamba ng pintuan ng room.

Umawang ang labi ko at napalunok. Sa dati kong school sanay ako bilang simpleng studyante lang. Yung walang masyadong kaibigan.



Bawat pag galaw ko ay pakiramdam ko ay mahihimatay ako lalo na at nakatitig siya. Tila ba naiinip siya sa pag antay sakin kaya nilapitan na niya ako at tinukod ang kamay sa aking desk.

"Let's have lunch together." anunsyo niya.

Napatingala ako sa kanya habang titig na titig siya sa akin.

"O-Okay. Saan?" ang mga studyante ay kanya kanyang silip sa bintana o di kaya ay sa pintuan.


Hindi na siya sumagot pa kundi yumuko para maabot niya ang aking labi upang mapatakan ng halik. Naghuhumerintado na ng husto ang puso ko. Nakaputing t shirt siya at pantalon. Nakasabit sa kanyang leeg ang letrang M na may dragon.

Parang gusto ko na ring iuwi ang bango niya. Goodness Addelyn. Don't fall for him!

He licked his lower lip habang nakatitig parin sakin.

"Hide out."

Doon pala sa mga hideout nila dito na sa likod lamang ng eskwelahan.


Nakalabas na kami ng eskwelahan at nagiging awkward lalo. Hindi niya ako hinawakan o ano kundi pinauna niya akong pinalakad. Nakapamulsa siya habang nakasunod sa akin. Humigpit ang hawak ko sa mga librong hawak.




"Why your skirt is too short?"

Napalingon ako sa tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh, kasi nga skirt di'ba? May skirt bang  pants?"


Malamig niya akong tinitigan at tila ba naghahamon. Napakurap kurap ako at itinigil nalang ang pagtataray sa kanya.


Hindi tulad noon na napaka dilim at baraghal ang hideout nila. Ngayon maayos na ang pagkakapinta at mabango. May nakita akong alak sa kung saan.




Mamahalin ang sofa na mahaba at ang mesa sa harapan nito. May biglang dumating at nakita kong sila Borge iyon at may dalang pizza, milkteas , at chicken joy. Napamulagat ako sa dami! Tahimik na nilapag nila iyon at tahimik rin na umalis.

"A-Ang dami." komento ko.


May kinuha siya sa fridge nila at nakita kong alak iyon.


"Sorry... I'll let you choose your food tomorrow."

Huh? Next tomorrow?

"Bukas?"

"Everyday. I mean.."


What the heck. Napalunok ako at may kung ano sa aking puso na makita siyang inayos ang aming pagkain.

Nasa gitna parin ako. Panibugho sa mga babaeng sinakta at ginamit niya at siya, na ramdam kong may kabaitan rin kahit paano. I closed my eyes and memorize what Karen told me. Doon ko dapat ifocus ang lahat.

Don't fall for him Addelyn.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now