Chapter 22

3.4K 232 26
                                    

Bakit nakokonsensiya ako? Hinayaan niya akong pumasok na kanina ngunit nanatili siya sa bistro. Kumuha siya ng sarili niyang pwesto at umorder ng isang case ng beer. Gusto ko siyang pauwiin!

May kumakanta sa mini-stage. Hindi ko alam ang pangalan kasi may schedule ang pagkanta nila dito. Hindi pare-parehong singer gabi gabi. Malamyos ang kantang kinakanta habang ako ay pa naka-nakang nakatingin kay Felix.

Wala pang masyadong tao dito sa bistro at naiinis ako kasi ang kumakanta ay sa kanya tumitingin!

"Beh, ka ano ano mo iyang lalaking pogi at guwapo? Magkasama kayo niyan di'ba?" tanong sakin ng isang kasama ko na nagseserve dito sa bistro.

"Huh? Uh. . ano." ano bang sasagutin ko?! Ang hirap pag walang label!
"-Kuya ko!" dugtong ko at halos mapangiwi ako!

"Ah, kaya naman pala ang guwapo at ganda mo! May number ka ng kuya mo? Pahingi naman!"

"Naku, wala yang ka hilig hilig sa cellphone si k-kuya. Masasaktan ka lang!"

Ngumiwi si Ronda sa sinabi ko. "Hay, basta ang guwapo niya! Tipo ko talaga ang katulad niya! Parang siga!"

Hm? Siga talaga yan.

Dalawang oras na akong nagseserve at may tumawag sakin na lalaki. Nag-iisa lang siya.

"Dalawang beer miss ganda."

"Ah sige po, sir! Wait lang, pasensiya na kayo at busy ang sa counter ako na po ang bahala."

"Sige miss ganda. Salamat!"

Inatupag ko ang mga order. Nakita kong' titig na titig sa mga galaw ko si Felix. Naka de kwatro siya at nakahalukipkip na nakatitig sa akin.

Pumikit ako ng mariin. Ang awkward naman nito!

"Miss Ganda! Halika dito!"

Napaangat ang tingin ko sa kanina pang' order ng order sakin na lalaki.

"Po? May gusto papo ba kayo?" sabi ko ng makalapit.

Nagbigay siya sakin ng 1500 bilang tip! Ang laki! May ipang dagdag na ako sa maintenance ni nanay!

"Wow! Thank you sir-" may biglang humablot ng kamay ko! Shit! Si Felix!

"Uuwi na tayo." mariin ang boses niya at matalim na tinitigan ang lalaki. Ang lalaki naman ay tila nalilito sa nakita at wala namang' intensyon na mali.

Sabi ko na kasi umuwi siya! Ayaw niya e!

"Felix! Ano ba! Nagtatrabaho ako e."

"Yeah, and your time is up."

Napatingin ako sa relo ko at nakitang oras na nga ng pag uwi. Nagpaalam ako ng maayos sa amo ko at binigay sakin ang sahod. Nagpasensiya narin ako sa nangyari. Mabuti nalang at mabait si Madam Joan.

Nakabusangot ako ng papasok sa kotse ni Felix. Bukod doon ay kinakabahan rin ako.

"Stop working there. Hindi ka nababagay doon."

Napatawa ako. " Felix mahirap lang kami. Kailangan kong' magtrabaho para kay nanay."

"And I am here, helping you. Ayokong nakikita kang nakikipag usap sa mga lalaki."

Habang sinasabi niya iyon ay lumandas ang titig ko sa kanya. Ang kisig niya sa suot na kulay itim na t shirt. Hindi ko maiwasang hindi mamula.

"Ang bait mo namang' ka fubu kung ganon."

Natahimik siya. Tila ayaw sa narinig mula sa akin. Biglang sumakit ang ulo ko kaya nasapo ko iyon. Dumadalas na naman ang pag sakit ng ulo ko.

Pinaandar niya ang sasakyan, handa na para ihatid ako.

"Bukas huwag na muna tayong magkita. Kailangan kong' mag focus sa pag aaral at kay nanay."

Hindi siya sumagot. Kumikirot ang puso ko lalo. Ayokong mahulog ng husto sa kanya lalo na at alam ko na walang patutunguhan ito.


"You always pushing me away." bigla niyang nasabi. Lumiko na siya sa kanto  na medyo malayo layo sa bahay namin. Wala kasing masyadong kabahayan sa lugar namin at kung meron man ay malayo pa. Ang ibang poste ay wala ring ilaw. Dito sa kanto na ito ako minsan nagpapahatid kay Felix kung ihahatid niya ako.

Hay, nakakainis. Baka makita pa kami!

Huminga ako ng malalim.

"Bakit naman kasi hindi? Hindi naman kita gusto. Basta maayos lang ang pinsan ko ay sapat na iyon."

"I have no intention to hurt your cousin. Basic na parusa iyon sa grupo. Nothing else. Normal iyon lalo na at nagtraidor siya but because of you hindi ko tinuloy."

Nagtraidor? What?

Tinikom ko ang bibig at ayokong magsalita na tungkol sa pinsan ko. Ayokong dagdagan ang problema niya.

"Bakit? Bakit hindi mo tinuloy dahil sakin?" hamon ko sa kanya.

Nakatitig siya sakin ng punong puno ng emosyon sa kanyang mga mata. Fuck. Bakit pamilyar ang mga titig niya? Naguguluhan ako.

"Kung sasabihin ko ba. . .itutuloy natin 'to? Huh?"

Kumalabog ang puso ko. Hindi maaari.

"Addelyn. . I am in-"

"Tama na Felix, papasok na ako."

Uminit ang mga mata ko ng makalabas sa sasakyan niya. Sinapo ko ang dibdib at dinama iyon. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko siya pwedeng mahalin. Hindi ko pwedeng pakinggan ang sasabihin niya. Hindi.

Inisip ko ang mga babae niya noon. Tama. Kailangan kong' magalit sa kanya. May kasunduan kami ni Karen.

Kumalabog ang pintuan ng kotse niya hudyat na lumabas siya. Nanginginig ang kamay ko.

"Y-Yawa naman oh!"

Isang yakap ang naramdaman ko sa aking likod. Natuod ako.

"S-Sige, ano ba ang gusto mo? Hindi kita pipilitin. Basta manatili muna tayong ganito. I don't know about your plans but I . . . fuck!" hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin.

Nanginig ang labi ko at dumaloy na ang aking luha. Madilim ang paligid. Walang dumadaan at malamig na ang simoy ng hangin. Naka white T-shirt na ako at pants, uniform ko sa bistro.

Ano ang pipiliin ko? Ang pabor ng pinsan ko o pabor ni Felix?

Pinahirap niya ako sa kanya at nakita niya ang mga luha ko.

Lahat ng ito bakit ang pamilyar sakin? Tinitigan ko siya na titig na titig sa aking labi.

"I don't want to trigger anything. I won't force anything kahit na. . . nasasaktan na rin ako." bulong niya. "I tried to pretend to be alright , to pretend anything."

Huh?

"Anong ibig mong sabihin?" dumaloy ulit ang luha ko. Hinalikan niya iyon.

Ngumiti lamang siya ng mapait at dinilaan ang labi.

"I won't get tired waiting for you. Just. . . let me."

Bakit parang may alam siya na hindi ko alam? Bakit parang may clue na nakaantay at tinutulak niya akong matagpuan iyon?

Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang aking baba. He kissed me deeply in my lips na ikinapikit ko ng matindi.

Nasa gitna na kami ng mapusok na halikan ng makarinig ako ng makarinig kami ng putok!

Napaigik si Felix at napapikit ang mga mata. Umawang ang labi ko ng maintindihan ang nangyari. Nakarinig ulit ako ng isa. . . dalawa. . at naging apat na putok at bumulagta si Felix sa sahig.

"F-Felix!!"

"Good job, Addelyn. Goodjob." narinig ko ang palakpak ni Karen at nakita ko si tatay sa tabi niya! Hindi lang iyon dahil may iba pa siyang kasama na nagmula sa kung saan!

"K-Karen. " nanginginig ang kalamnan ko ng makita ang duguan na katawan ni Felix.

"A-Addelyn. . r-run." kahit na maraming sugat si Felix ay nakuha niyang tumayo. Alam kong wala siyang laban dahil wala siyang baril!

Umiling ako at nasapo ang labi. Bakit ngayon? Walang sinasabi saking ganito si Karen!

"K-Karen! Hindi ganito ang kasunduan natin!" sigaw ko. Nakita kong nanlaban si Felix ngunit tinadyakan siya at pinadapa sa damuhan. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko!

"Tsk, Addelyn. . .sinasabi ko naman sayo na target siya ni Mr. Chao diba? May kasunduan tayo na ipapatay si Felix matapos mo siyang pikutin!"

Umawang ang labi ko ng makita si Felix na pinatayo at maraming duho sa likod at mukha.

"Oh, ano ngayon Felix?! Asan ang mga galamay mo?! Matapang ka? Bagay iyan sayo! Ginawa mo akong katawa tawa! Binilog kalang ng pinsan ko! Hindi ka niyan mahal dahil lahat ng iyon ay utos ko! Ulol!"

Narinig kong tumawa si Hannika at yumuko si tatay. All this time. . .ganito pala ang plano nila?

Habang sinasabi iyon ni Karen ay nakatitig sakin si Felix at tumutulo ang dugo mula sa kanyang labi.

Umiyak ako at umiling. Gusto kong mag explain pero ang daming nangyayari! May  van na dumating at tingin ko'y doon ipapasok si Felix! Kumalabog ang puso ko!

"Karen! H-Hindi ganito!"

Matalim akong tinitigan ni Karen. Hinang hina na si Felix!

"K-kill me ,spare Addelyn." sabi ni Felix at hinila siya papasok sa sasakyan.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now