Chapter 6

5.8K 476 42
                                    

"Iyang si boss Felix-" humingang malalim si Karen. "May nakasagupa noon na Mafia ng Japan. Mas matindi sa mga kasamahan niya. Kinatatakutan iyon ng lahat pero sadyang hambog si boss at pinatulan niya. Basta...mahabang storya. Doon kami lumapit. May nag mamanman sa kanya dito sa Samar." ngumisi si Karen.

Kinabahan ako at umiwas. Pakiramdam ko naiipit ako sa sitwasyon. Hindi ko man lubos na kilala si Felix- na siyang leader pala ng Phantom ay alam kong' hindi siya ganon ka sama.

Si Karen na muntikan narin noon dumaan sa isang buwang pag ibig kuno kay Felix. Hindi iyon natuloy.

He likes to play games. Sadya nga palang playboy siya. Naging marami ang naririnig ko tungkol sa kanya dahil sa mga kaklase o schoolmates na sadyang pinaparinig sakin na mas wild raw si Felix sa Manila sabi ng ate nila.

Bakit parang kasalanan ko?

Nag ayos na kami para makauwi. Sila nanay ay maagang nagising para magligpit. Napaka aga rin ng magkape si Karen at nag usap kami habang nakatunghay sa mga tanawin ng resort.

"Lyn! Ayusin mo na nga ang mukha mo! Ang gulo ng buhok mo!" si nanay na inaayos ang mga damit ko. Nakaupo lamang ako at tinitigan ang paa ko na kulang sa tsinelas.

"Nay, nakita mo ba ang tsinelas ko na isa?"

"Bakit ako tatanungin mo e tsinelas mo iyon? Hanapin mo doon sa labas! Sa Pool! Baka naiwan mo doon."

Tumayo ako na nakapaa. Hindi ko na sinuot ang isa. Nakaputing sando at shorts lang ako. Umihip agad ang hangin na malamig ng buksan ko ang pintuan. Gusto ko talagang maglakad na walang tao tulad ngayon, tulog pa ata ang mga guests.

Nasa ikalawang palapag ang kuwarto ni Felix kaya hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Dadaan pa kasi ako doon dahil nasa ika'tlong palapag kami. Hindi ko ito sinabi kay Karen at wala akong plano!

Kagat labi kong tinitigan ang pasilyo ng ikalawang palapag. Parang walang ka tao tao ah. Ewan ko sa sarili ko pero parang gusto kong lapitan ang puwesto namin kagabi. 'Yung nasa harapan ng pintuan ng kwarto niya.

Nilapitan ko iyon. Kulay green ang buong building ng resort. Pate ang pintuan ay green. 

"Nandito pa kaya si-"

Unti unting umawang ang aking labi ng unti unti ring' bumukas ang pintuan at bumungad sa mga mata ko si Felix.

Gusto ko talagang magmura ng ilang daan. Hindi ko talaga mahanap ang mga salita na gusto kong sabihin lalo na nang hagurin niya ako ng tingin.

Hubad-baro siya at nasa bingit ng kamatayan ang luwang ng sweat shorts niya. Parang pinagpapawisan ako ng sobra. His eye are brown at parang naging kulay orange kapag naaarawan.

There's an Arabic numbers written on his biceps o tattoo. Napalunok ako.

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay.

"Uh..tiningnan ko lang k-kung andiyan kapa."

Tumaas ang dalawang kilay niya. His lips rose a bit with amusement. Mas lalong namula ang aking pisngi.

"S-Sige, nandiyan ka ngang' talaga. Uhm, uuwi na kami."

Halos mapapikit ako sa utal ng boses ko. I smiled a bit at tatalikod na sana pero hinigit niya ang aking baywang papasok sa kanyang kwarto.

Padarag niya akong dinikit sa dingding ng kwarto at lumagapak agad ang pintuan.

Nag hehisterya na ako ng husto. Halos lumabas ang aking mata na nakatitig sa katawan niya.

Tinakip ko ang mga kamay sa mata. "Diyos ko..ang mga mata ko."

Humalakhak siya at pilit tinatanggal ang palad ko sa aking mukha.

Huminga ako ng malalim at tinanggal ang kamay sa mga mata. Kinagat ko ang labi ng hinawakan niya ang baba ko at pinagtagpo ang aming titig.

"You look good in the morning." paos niyang aniya.

Tinikom ko ang bibig dahil walang good sa mukha ko! May muta pa yata ako!

"H-Hinahanap ko ang tsinelas ko k-kaya ako lumabas."

"Hmm.. Nandito sakin. You left it last night. Bigla ka nalang tumakbo."

Shit. Napapikit ako.

"A-Akin na please. Inaantay na kasi ako nila nanay. Uuwi na kami."

Ngumuso siya at inangat ulit ang baba ko.

"Uuwi kalang na hindi ako nakikita o nakakausap man lang?" mapaglaro niyang aniya. Sinimangutan ko siya dahil sa tono niyang mapaglaro.

"Bitawan mo na nga ako. Hindi ako laruan para paglaruan mo no."

"Shhh.." bahagya niya akong inalog, hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Tsaka yung tsinelas ko."

He nodded. Titig na titig parin sakin. Inayos niya ang aking buhok. Ang titig niya, kung hindi ko lang alam na mapaglaro siya sa mga babae e aakalain ko na seryoso siya sa akin.

Iba ang titig niya sakin.

Isang gigil na himas niya sa aking baywang at agad na tumaas ang kanyang hawak sa aking leeg at hinalikan ako.

Parang nakalutang ako ng makita ko siyang nakapikit ng seryoso at inanggulo ang ulo para mahalikan ako lalo. Nakakadala ang bawat galaw ng kanyang labi. Parang mabubuwal ako. Tila ba'y naramdaman niya iyon kaya kanya akong binuhat at nilapag sa kama habang hinahalikan parin.

"Uhmm~" ungol ko at gusto kong umiwas. Parang nauubusan ako ng hangin at hindi ako marunong humalik!

He parted my legs with his at naramdaman ko siya sa aking gitna. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.


Tinulak ko siya ng buong lakas kaya bahagya siyang napalayo. Tinukod niya ang dalawang kamay sa aking gilid at nahahapo ko siyang tinitigan ng masama.

"M-Manyak ka talaga!" I hissed. Dinilaan niya ang labi at ang dibdib niya ay taas baba. Pawisan ang kanyang dibdib kaya parang kumalat ang kung anong init sa aking katawan.

Out of the blue, I touch his chest. Basa iyon ng pawis at sinundan ng mata niya ang aking kamay.

Hinawakan niya ang aking kamay, bilang protesta.

"You must go now." he warned. Napatango ako ng maramdaman ang bukol sa gitna ng aking hita. It made me nervous!

Hinila niya ako para makaupo, makaupo sa kanyang hita at hinawakan ang aking baywang.

"You're so thin." bulong niya na ikinasimangot ko. Tumaba na nga ako ngayon e. Ang arte ng tao na ito. Ang daming napupuna.

"A-Ang tsinelas ko k-kasi!"

Kinakabahan na talaga ako lalo na nasa aking dibdib na ang titig niya.

Yawa!!

"Same room tomorrow. I'll be waiting."

Napalunok ako at tumango.

"Good girl."

Ngumiti ako ng bahagya at tinitigan ang labi niya. Akala ko talaga nung una ay pangit siya kasi ayaw niyang pakita ang kanyang mukha. Arte niya talaga.

Hindi ko na yata makakalimutan ang mukha niya. Kung paano niya ako halikan at kung paano niya ako hawakan.

Siya lang ang lalaking humawak sakin ng ganon. Kinagat ko ang labi at kinakabahan sa naisip.

Isa lang naman.

Hinawakan ko ang panga niya at hinalikan siya ng isang beses. Inilayo ko agad ang labi sa kanya at nakitang gulat siya at nakaawang ang labi.

Ngumisi ako ng gigil niya hinawakan ang baywang ko.

Binaon niya ang mukha sa aking leeg.

"Damn girl, don't make me fall for you." he moaned.
"Oh damn." he frustratedly cursed under his breath.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now