Chapter 34

2.7K 254 52
                                    

Ang alam ko ay hindi lang iyon doon natapos. Kahit sugatan na si kuya ay pinilit niya paring lumaban at tapusin ang kahuli-hulihang tao ni Cleo. Nang mga oras na iyon ay nanghihina na ako para pigilan si kuya. 

Nawalan ako ng malay ng mg araw na iyon. Ang masakit na parte ay ang pagkawala ni kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. 

Nasa puder ako ni Felix , pinapagamot ako sa isang pribadong doktor . Hindi ko man lang naramdaman na may tama ako ng baril ng araw na iyon? Mas lamang ang sakit ng damdamin ko kaysa sa pisikal na sakit na natamo.

Anim na  buwan na akong nag-aalala kay kuya. Wala rin akong balita sa kanya. Bihira ko rin na kinakausap si Felix. Ni hindi ko pa magawang makapagsalita hanggang ngayon. Ayoko sa maraming tao at gusto kong mapag isa. 

Bumalik kami sa Samar. Naging payapa kami dito sa kanyang mansyon.Malawak at malapit sa dagat. May mga nagbago rin dito pero hindi ako umabot sa punto na lumabas. 

Pakiramdam ko, kung lalabas ako ay makikita ko kung paano ako pinag kaitan ng kasiyahan sa mundo. Makikita ko ang agwat at layo ko sa ibang tao na simpleng namumuhay. 

Hinawakan ko ang aking braso na kakahilom lang galing sa tama ng bala. Sa tuwing napapalakas ang galaw ko ay sumasakit iyon.

"Lets get inside. Umaabon na." Narinig ko ang boses ni Felix sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatitig sa mabagsik na dagat.

"Gusto ko nang mamuhay ng mag isa." mahinang sabi ko. Pumikit ako ng mariin at pinangarap ang tahimik na pamumuhay. Gusto kong balikan ang bahay namin dito sa Samar at mamuhay ng tahimik. "Alam ko na babalikan ako ni kuya." 

Kahit anong sabi ng imbestigador na wala silang nalakap na impormasyon tungkol kay kuya. O baka raw totoong patay na siya ay hindi ako naniniwala. 

Nang dahil sakin ay nagawa niya ang lahat na iyon. Nang dahil sa...

"Hindi ka pa magaling ng lubosan-"

Nilingon ko siya. Nanginginig ang aking labi sa pagpipigil na maiyak. Hindi ko narin alam kung kailan ako huling tumawa. O naging masaya.

"Stop doing this." Umiwas ako at binalik ang tingin sa dagat. Somehow, it ease the pain I felt.

Hindi siya nagsalita. Alam ko na hindi siya papayag. Ngunit, walang makakapigil sa gusto ko. Kung hindi lang ako sugatan at emosyonal na mahina noong kailan ay matagal na akong umalis dito.

Binalikan ko siya ng tingin. Umawang ang aking labi na makitang nakayuko siya. Madilim ang tanging nakikita kong ekspresyon sa kanya ngunit malamlam.

"Kung naguilty ka sa nangyari-" Napaisip ako dahil ng nangyari iyon ay nandoon siya. Bakit siya nandoon? Para iligtas si Bloom? Ngunit... si Bloom ay mahal na mahal si kuya. Kaya ba nandito sakin ngayon si Felix?

"-Huwag kang mag alala dahil wala kang kasalanan. Kung tutuusin ay dapat malaki ang pagpasasalamat ko saiyo dahil...." bumara ang aking lalamunan dahil sa hudyat na luha. "Dahil sa kabila ng nagawa ko ay pinili mong tulungan at kupkupin ako."

Ang mahaba kong buhok ay nilipad ng hangin. Ang ulan ay nanatiling ambon. Sumusunod sa aking buhok ang aking puting bestida na suot.

Gusto kong ngumiti at panatagin siya ng tingnan niya ako ng pagsusumamo. Gusto kong padama na ayos lang ako. Huwag akong kaawaan pero bakit parang hindi ko magawa?

"Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo noon. S-Siguro nga ang sama sama ko kaya ito n-nangyari sakin-"

Napasinghap ako ng malakas ng hilahin niya ang baywang ko. His chest welcomed me. His embrace feels like ... neverending peace.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now