Chapter 17

4.3K 285 30
                                    

Sa totoo lang parang ayaw kong’ umalis. Simula ng matitigan ko ang mukha ng lalaking nagngangalang Diego ay kumakabog na ang dibdib ko.

"Ilang taon kana?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ni Felix na kausapin ako ni Diego. Nasa tabi ko siya at nag uusap sila ni Marco, ang pinsan niya. Tahimik akong nakikinig ng tanungin ako ni Diego.

"Nineteen po, second year college. H-Huli na kasi ako nakapag aral noon dahil sa pagprocess ni nanay ng papeles ko."

Tumango tango siya sa akin at ngumiti ng tipid. Lumipat ang tingin niya kay Felix na sa amin na nakatingin.

"Samar is a beautiful place." ani Diego at tumingin kay Marco. "Why don't we have fun before leaving?"

Ngumuso si Marco at nangunot ang noo. Kunway tumingin sa akin.

"One day lang ako pwede Diego."

"Anong plano mo Diego?" singit ni Felix, seryoso ang tanong sa lalaking nasa aming harapan.

Napanguso ako. Mabuti pa sila nakakapag enjoy. Mga mayayaman nga naman , anytime pwedeng mag enjoy. Hindi pareho sa aming mahihirap na kailangan pang' mag hirap para makatikim ng ninanais.

“Spend time with the girl beside you Felix. Bakit? May reklamo ka?"

Nanlaki ang aking mga mata na tumingin sa lalaking nasa aking harapan.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya lalo na at ngayon ko lang siya nakilala!

Natahimik naman si Felix at tikom ang bibig. Nakita ko si Marco na nakangiti lang habang may katext. Di ko tuloy matukoy kung matatakot ba sa kanyang anyo o matatawa. Dahil sa hindi bagay ang kanyang ngiti sa kanyang katawan.

"B-Bakit po ako?" nalilito kong' tanong. Hindi ko mabatid kung bakit natutunaw ang puso ko na makita ang malamlam na titig ng lalaking ito.

"Coz you are important-" aniya.

Biglang tumayo naman si Felix at may kinuha sa ref niya.

"Felix.." sabi ni Felix bago uminom ng beee na kakakuha lang niya.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Felix. Humingang malalim si Diego at pumikit.

Parang kumikirot ang ulo ko ng sobra ng makauwi ako sa bahay. Nakaka guilty rin kasi akala nila nanay ay galing akong skwela pero ang totoo ay may kasama akong tatlong lalaki kanina. Hay! Yawa talaga.

Nakita ko si tatay kinagabihan sa kusina at hawak hawak ang ulo niya. Tila ba, problemado siya.

Pinunasan ko ang aking mga kamay ng basahan. Kakatapos ko lang mag linis ng sala at narinig ko kanina ang pagsagutan nilang dalawa ni nanay.

Parati nalang silang nag aaway habang ako ay nananahimik lang at nalulungkot kung bakit wala na bang saya ang pamilyang ito.

"Tay, matulog kana po."

Umiling siya at napahilamos ng mukha gamit ang palad.

"Magbabangayan lang kami ng nanay mo. Pag tulog na siya, tsaka na ako susunod sa kwarto."

"Palagi nalang kayong nag aaway tay. Tungkol parin ba ito kay Melissa?"

Umupo ako sa harapan niya at tinitigan ang amang nagpalaki sa akin. Sa nagdaang taon ay tumanda na ng husto si tatay. Ayoko silang iwan. Kung sakaling magkakatrabaho ako ay isasama ko sila kahit saan man ako.

Namumula ang mga mata ni tatay na tinitigan ako.

"Anak, Addelyn... K-Kung sakaling may mangyari sa akin....gawin mo ang lahat upang maging ligtas kayo ng ina mo. G-Gusto ko mang' humingi ng tulong kay Felix pero..." nagsimulang umiyak si tatay.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now