Chapter 14

20.2K 464 32
                                    

Hi! I am back with a hugot update! Nageemote talaga ako habang nagtatype nito. With matching tears pa and all. Hahaha. Anyhow, sorry for not updating for more than a month. But here it goes!

Btw, the chapter is dedicated to andi1119. Happy birthday sa 26! Have a blast! Hihi. :)

===============================

Almost. That is the perfect way on how I could describe my so-called relationship with AJ. Wala pa ngang nangyayari, ending na agad. Para ka lang nagbasa ng libro na wala namang climax. I know it may sound stupid but as early as now, ang sakit na pala sa puso ng ganito. To think na hindi pa nga ako ganun ka-invested sa feelings ko para sa kanya pero shet. Bakit ganito kahirap mag-move on?

Hindi ko malaman kung sadyang in denial lang ako sa mga nangyayari. Sabi ng mga tao sa paligid namin, we look good together. May mga pagkakataong napagkakamalan kaming kami pero I shrugged all of them off. Kasi alam naman namin yung totoo. Hindi naman talaga kami. The heck. We’re too far from being kami and then this happens. Ang sakit lang sa puso please.

xxx

I went home with a (still) heavy heart after talking to Nicole. Akala ko kasi kapag may nakausap akong iba tungkol sa nararamdaman kong frustrations at hinanakit sa buhay, magiging okay na ako kahit na papaano. Hindi pa rin pala. Hindi pala sapat yung basta lang mailabas sa sistema mo yung nararamdaman mo. In the end of the day kasi, you’re still going to look for the answers to your questions kahit na alam mong may possibility na mas masaktan ka lang dahil doon.

But I knew otherwise.

Alam kong mas kailangan kong protektahan ang samahan namin ni kuya kaysa yung kung ano mang meron kami ni AJ. He’s just a guy anyway. Wala pa naman kaming attachment sa isa’t isa di ba? Or maybe I’m really just in denial.

“Lauryn Katreena! Saan ka ba nagsususuot ha? Alam mo bang kung saan saan na ako nagpunta para lang hanapin ka? Answer me!” Bungad ni kuya pagpasok na pagpasok ko sa gate ng bahay.

“I’m okay. I’m more than okay. You don’t need to throw a fit kuya.” I answered.

“Hindi mo sinagot yung tanong ko. Saan ka nanggaling?” He asked again. Obvious na galit siya dahil sa nangyari. Alam ko namang magaalala siya dahil sa paglayas ko kanina pero I just had to. I didn’t have a choice naman di ba?

“Nasa school lang ako kanina. I needed to clear my head then I bumped into Enzo. After that, nagkita rin kami ni Nics.” Sagot ko sa kanya. I guess okay lang naman na hindi ko sabihin sa kanya na nakita ko rin si AJ. The heck. Kapag nga sinabi kong sumusuko na ako kay AJ baka magpaparty pa si kuya e. Pero whatever. He doesn’t need to know the details. At least I told him 90% of the truth. Majority wins naman e.

“Teka. Nagkita kayo?!” Biglang tanong ni kuya na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko.

“Who on earth were you referring to? Si Enzo o si Nics?”

 

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now