Chapter 5

37.7K 725 54
                                    

Pagkatapos kong makahanap ng mga bibilhing libro, na umabot sa lima, nag-text na ako kay mommy kung saan ko ba dapat sila i-meet. Nung nag-reply na si mommy, magpapaalam na sana ako kay Enzo kaso nagpumilit siya na ihatid na ako dun sa meeting place namin nila mommy. Naglalakad pa lang kami ni Enzo papalit sa meeting place namin nila mommy, nakita kong nakasimangot si AJ. Ano bang problema nung isang ‘yon? Ang sarap na talaga dagukan ah.

Dahil sanay na akong hindi pansinin ang mga bagay na maaaring makasakit lang sa akin, hindi ko na lang din masyadong pinansin si AJ. Nung kaharap na namin si mommy, tinignan niyang maigi si Enzo. Ganoon din naman yung ginawa ni daddy. Hindi ko alam kung jinujudge na ba nila si Enzo gamit yung mga tingin nila o kung balak ba nilang kainin ng buhay si Enzo e.

“Uhh. Mommy, daddy, siya po si Enzo. Remember him?” Sabi ko to break the tension sabay ngiti nang pilit with matching panlalaki pa ng mata kina mommy at daddy. Grabe naman kasi e. Nakakatakot na talaga yung itsura nilang dalawa.

“How could I forget him? Hindi ba siya yung nanligaw sa’yo before princess?” Tanong ni mommy sa akin which made the situation more, I dunno. Awkward, I guess?

“Ako nga po yun tita. Sayang lang at na-basted ako dati pero kung bibigyan naman po ako ng chance ni Katreena ngayon gagawin ko ang lahat para mapasagot ko siya.” Confident na sagot ni Enzo kaya napalingon agad ako sa direksyon niya. Hindi ko ineexpect yung sinabi niya at hindi ko alam kung paano nga ba dapat mag-react sa ganoon.

“Huy. Anong pinagsasasabi mo diyan?” Hindi ko na napigilan yung sarili ko at tinanong ko na talaga si Enzo.

“Tito, tita, kung ayos lang po sa inyo, pwede ko po bang ligawan ulit si Katreena?” Tanong ni Enzo na siyang nagpalaki sa singkit kong mga mata.

“Wag ka ngang mag-joke Enzo! Ngayon na lang ulit tayo nagkita pero hindi ko naman alam na naging palabiro ka na pala.” Sabi ko sabay tawa nang pilit. Tinitignan na ako nang maigi ni mommy tapos yumuko na lang ako kasi hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin.

“Mukha ba akong nagbibiro Katreena? Tito, tita, seryoso po ako sa panliligaw ko kay Katreena. Sana po bigyan niyo ako ng isa pang chance.”

 

“Enzo, hindi naman kami ang makakasagot sa tanong mo e. Si Kat lang ang makakasagot diyan.” Sagot ni mommy which made me crazier than ever. Jusko naman! Hindi ko alam kung anong dapat isagot.

Kahit na nakayuko ako, naramdaman kong nakatingin na sa akin sina mommy, daddy, Enzo at AJ. Alam na alam kong hinihintay nila yung magiging sagot ko. Pero paano nga ba ako makakalusot sa sitwasyon na ‘to? Kapag tumakbo ba ako palayo, end of discussion na? Siyempre alam ko naman na hindi yun madadaan sa ganoon. Kahit na anong problema naman hindi madadaan sa pagtakbo palayo o pagtakas e. Siguro sa simula maiisip natin na na-solusyunan natin yung problema dahil lumayo tayo sa mismong source ng problema pero kung iisipin, at the end of the day nandoon pa rin naman yung problema. Siguro nakalimutan lang natin saglit yun pero hindi ‘yon mawawala hangga’t hindi natin hinaharap.

Dahil doon, naisip kong magpakatotoo na lang sa sarili ko. Wala rin naman akong mapapala kung lolokohin ko yung sarili ko di ba? Saka kapag ginawa ko iyon, hindi ba parang sinaktan ko na rin yung sarili ko at yung mga tao sa paligid ko? Pagkatapos kong mag-isip, huminga ako nang malalim at saka ko sinagot yung tanong ni Enzo.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now