Chapter 9

24.9K 652 42
                                    

Omaygahd. I'm back! Sorry for the super duper long wait. Sana may nagbabasa pa nito. Huhuhu. Pero I'm still alive and kicking! Sana makapag-update na rin ako ng mas madalas. Will try but no promises. Tell me what you think okay? :)

Enjoy reading! :)

===================================================

The moment na dumating ako sa bahay, nakatayo na agad sa may gate si kuya na para bang inaabangan ang pagdating ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinabahan ako dahil doon. Wala naman akong dapat ikakaba pero bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba sa naging text niya? O dahil ba sa sinabi ni AJ? Siguro, pareho.

“Kuya, bakit nandito ka sa labas?” I asked him as calm as I could. Sinusubukan kong pamukhain na okay lang ako. Na hindi ako kinakabahan pero takte. Sobrang lakas talaga ng pagtibok ng puso ko na para bang pakiramdam ko ay pwede na ‘yong tumalon palabas ng katawan ko.

“Hinihintay ka.” Matipid niyang sagot sa akin. Hindi man lang siya ngumiti o nagpakita ng concern. Usually naman kapag mag-isa akong umuuwi, pinapagalitan ako ni kuya pero ngayon, wala. Kahit pagtaas man lang ng tono ng pananalita, walang mababakas sa kanya. Lalo tuloy akong kinabahan dahil doon.

“Bakit naman? You could have waited for me inside.” Sagot ko naman sa kanya. Kung tutuusin, may idea naman na ako kung bakit dito niya ako hinihintay sa labas e. Kapag sa loob kasi siya ng bahay naghintay, may possibility na marinig ni AJ yung pag-uusapan naming dalawa.

“We need to talk.”

 

“We are talking right now.” Pamimilosopo ko sa kanya. Ayan tuloy, nabatukan pa ako ni kuya.

“Umayos ka nga Lauryn Katreena. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin kanina.” Seryosong sagot ni kuya. Dahil doon, napa-buntong hininga na lang ako. What’s the use in trying to avoid the subject at hand kung ang kausap mo naman ay doon at doon pinapapunta ang usapan?

“Alin ba kasi doon ang gusto mong pag-usapan?” Tanong ko sa kanya sabay salampak sa may sidewalk. Hindi agad sumagot si kuya pero naramdaman kong tumabi siya sa kinauupuan ko.

“Bakit sinabi ni AJ na gusto ka niyang kasama sa lakad namin?” Diretsong tanong niya sa akin. Takte. Iba pa rin pala ang epekto kahit na alam ko na yung itatanong niya sa akin.

“M-malay ko. Baka naman gusto lang niyang may mapagtripan?” Sagot ko kay kuya. Sa totoo lang, wala naman talaga kasi akong idea kung bakit ‘yon biglang sinabi ni AJ kay kuya.

Tumango lang si kuya bilang sagot. Akala ko marami pa siyang follow up questions pero mukhang wala naman na pala. Nasayang tuloy yung kaba ko. Pero okay na rin siguro yung ganito. Baka kasi kapag may itinanong pa siya, baka kung ano pa ang masabi ko. Mahirap na. Ako nga naguguluhan na sa nangyayari. Baka lalo lang gumulo kapag nasali pa si kuya.

Nanatili kaming tahimik ni kuya ng ilang minuto. Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanya pero I chose to remain silent. Minsan lang din kasi kaming ganito. At times like this, the silence makes me feel content. The fact that I could feel his presence beside me is enough to make me feel safe. Iba pa rin pala talaga kapag kasama mo palagi ang kuya mo. Para bang wala ng makakabasag sa barrier naming dalawa until he came.

Moving Into My Brother's HouseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum