Chapter 4

37.5K 758 51
                                    

Dahil sa hirit ni AJ, kung saan saan na lang napunta yung usapan namin.  Obvious naman na payag siya na sa bahay na lang ako ni kuya makitira kahit for the mean time lang e. Ang rason lang na naiisip ko ay dahil meron na siyang maaasar araw araw at gabi gabi. In short, maya’t maya. Siya lang ang masaya sa scenario na ‘to. Ako hindi. Never akong matutuwa dito. Baka ito pa yung ikamatay ko e!

“Ako na pong bahalang magsabi kay Liam nung paglipat ni Kat sa bahay. Isasabay ko naman din po siya pauwi sa Monday e.” Sabi ni AJ kaya mas lalong natuwa si daddy. Ewan ko ba pero feeling ko pinagkakaisahan talaga ako ng lahat ng element sa mundo. Sobra sobra na yung kamalasan na natatanggap ko at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Nagpakabait naman ako ah? Bakit ganito yung nangyayari sa akin ngayon?

“Yun lang po ba yung pag-uusapan natin?” Tanong ko para maiba na sana yung usapan namin. Hindi ko na rin kasi kinakaya yung mga pinagsasasabi nina AJ at daddy e. Masyado silang nagkakasundo. Pakiramdam ko nga ipinagkakasundo na niya ako kay AJ e!

“I think so princess. Gusto mo na bang umalis?” Sagot ni mommy sa akin.

“Kung pwede po sana.” Sagot ko naman sa kanya. Akala ko dahil dun, paalisin na nila sa AJ kaso mali ako. Maling mali ako to the point na sana umakyat na lang ako papunta sa kwarto ko at nagkulong na lang ako dun.

“AJ, sumama ka na sa amin.” Yaya ni daddy kay AJ. Tinignan ko ng masama si AJ para bigyan sana siya ng hint na ayaw ko siyang sumama sa amin pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Obviously, talo na naman ako. Bakit ba siya ganito?

“Sige po tito. Pero paano po pala yung sasakyan ko? Iiwan ko na lang po ba dito?” Tanong ni AJ kay daddy.

“Pwede rin naman kaso baka mahirapan ka kapag sa backseat ka nakaupo. Mas maliit yung leg room dun. Dalhin mo na lang din yung sasakyan mo. Kat, kay AJ ka na lang sumabay tapos sumunod na lang kayo sa amin ng mommy mo.” Sagot ni daddy na siyang ikinabwisit ko nang bonggang bongga. Halatang sinadya ni AJ na ipasok sa usapan yung sasakyan niya para ang ending sa kanya ako sasabay!

Okay fine. Siguro ang feelingera ko kasi ayun agad yung naisip ko. Hindi ko man lang inisip yung kapakanan ni AJ dahil sa pesteng leg room na ‘yan pero kanis naman talaga kasi e! Nakikita ko na yung posibleng mangyari sa sasakyan ni AJ e. One, walang usapan na magaganap katulad nung biyahe namin nung inihatid niya ako. Two, mag-aaway lang kami nang mag-aaway. Three, a little bit of everything.

Sa totoo lang, kapag ang sitwasyon ng isang babae at ng isang lalaki ay mala-aso’t pusa, ang naiisip ng ibang tao ay “diyan nagsisimula ‘yan”. Pero come to think of it. Hindi naman sa lahat ng panahon ganoon yung nangyayari. Tatlo kasi yung pwedeng mangyari sa ganoong sitwasyon e. Una, made-develop sila sa isa’t isa following the “diyan nagsisimula ‘yan” principle tapos mababawasan na yung pagtatalo nila. Pangalawa, made-develop pa rin sila sa isa’t isa and it still follows the “diyan nagsisimula ‘yan” principle pero ipagpapatuloy nila yung pagiging aso’t pusa. Siyempre ang panghuli ay ang mala-worst case scenario. Yung hindi na nga na-develop tapos hindi pa rin tumigil sa bangayan.

Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pang mapunta kami ni AJ sa worst case scenario. Ewan ko pero hindi ko kasi makita yung sarili ko na kasama siya at magiging sweet kami sa isa’t isa. Oo, kung tutuusin pwede kaming sumubok sa pangalawang case pero ano nga ba ang mapapala ko sa ganoong sitwasyon? Sabi ng iba isang malaking sugal daw ang pag-ibig pero kung susugal naman ako siyempre gugustuhin ko naman na dun sa hindi ako dehado.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now