Chapter 21

16.1K 441 27
                                    

Liam's POV

"Dito ka na lang please." Mahinang sabi ni Kat sa akin habang ibinababa ko siya sa kama niya. Napatingin agad ako kay AJ dahil dito. Bakas sa mukha niya na katulad ko, hindi niya rin alam kung bakit nagkakaganito si Kat. Sa tagal namin na magkasama sa bahay, ngayon lang hiniling sa akin ni Kat 'to kaya hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin.

"Kat, matulog ka na ulit." Sagot ko sa kanya.

"Dito ka na lang kuya." Sagot niya sa akin sabay hatak sa t-shirt ko.

"Sige na. Minsan lang maging ganyan si Lauryn. Pagbigyan mo na. Mauna na ako." Pagpapaalam sa akin ni AJ pero pinigilan ko siya.

"Sa kabilang kwarto ko na matulog. Anong oras na rin o."

"Sigurado ka?" Tanong sa akin ni AJ. Halatang nagdududa siya sa sinabi ko. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pagkatapos ba naman ng lahat ng sinabi ko sa kanya noon para layuan niya si Kat, hindi talaga Malabo na magtaka siya sa bigla kong pagpapatulog sa kanya ditto sa bahay.

"Oo. Matulog ka na nga lang!" Sagot ko sa kanya. Natawa na lang siya dahil sa sinabi ko. Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng kwarto ni Kat.

Tinignan kong maigi si Kat. Mahimbing na ang pagtulog niya pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya hinihiling sa akin na dito na lang ako sa kwarto niya ngayon. Umupo ako sa gilid ng kama niya at inayos ko ang pagkakahiga niya. Patayo na sana ako nung hawakan niya bigla ang kamay ko.

"Kahit ngayon lang kuya. Dito ka na lang please?" Napailing ako dahil sa sinabi niya.

Kat, what am I going to do with you?

Kat's POV

"Kung hindi lang kita mahal e." Mahinang sagot sa akin ni kuya. Hindi pa naman talaga ganoon kalalim ang tulog ko e. Hindi ko rin ma-explain kung bakit pero gusto ko talagang magstay dito si kuya. Siguro ito yung naisip kong way para ipakita kay kuya na okay kami. Na nandito pa rin ako sa kanya. Na hindi ko siya iiwan at ipagpapalit sa kung sinong lalaki kahit na yung lalaki na yun ay ang bestfriend niya. I know he is not used to seeing me like this but right now, I couldn't think of any other way to show him that I'm still here and that I'm still me.

A few moments have passed at naramdaman kong umupo si kuya sa tabi ng kama ko. I'm really not sure kung nagtatanggal lang ba siya ng mabaho niyang sapatos or what pero after that, humiga na rin siya sa tabi ko. At that instant, I cuddled right next to him and he let his left arm be my pillow for the night. For this first time in a very long time, I slept in a smile on face.

When I woke up, I was expecting na umalis na si kuya sa kama ko. Pero I was surprised to see him beside me, still sleeping and his arm is still wrapped around me. Napangiti ako dahil doon pero it's about time that I wake him up so I did what I do best – tickle him.

"Stop! Lauryn Katreena you better stop right now or else-"

"Or else what kuya?" I challenged him. Hindi na siya sumagot pero nabaligtad niya agad ang sitwasyon. Ako na ngayon ang kinikiliti niya. Langya. Dapat pala hindi ko na lang siya kiniliti.

"Shet ka kuya! Ayoko na!" Pagmamakaawa ko sa kanya with matching tears pa pero hindi niya ako pinakikinggan. Napatigil lang kami nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto.

"Ang ingay niyo naman e." Sabi ni AJ kaya napatingin kami sa kanya ni kuya. Tinakpan agad ni kuya yung mga mata ko gamit yung kaliwang kamay niya tapos naramdaman kong kumuha naman siya ng unan gamit yung kanang kamay niya.

"Langya. Masakit yun ah!" Reklamo ni AJ. Mukhang binato siya ni kuya ng unan.

"Magbihis ka muna bago ka magreklamo! Ang aga aga, ang halay mo." Sagot sa kanya ni kuya which made me laugh out loud. Narinig ko na lang ang pagtakbo ni AJ palabas ng kwarto ko then that's the time na tinanggal ni kuya yung kaliwang kamay niya mula sa mata ko.

"Good morning kuya!" Bati ko sa kanya with all smiles. Imbis na batiin ako pabalik ni kuya, piningot niya pa ako sa ilong.

"Kuya, masakit!"

"Tch. Masyado kang masaya." Sabi niya sabay irap.

"Ewan ko sa'yo. KJ mo masyado. Magluto na nga lang kayo ni AJ ng almusal!" Utos ko sa kanya habang itinutulak ko siya palabas ng kwarto ko. Pinilit niya akong pahintuin sa pagtulak ko sa kanya. Nung tumama na siya sa pinto ng kwarto, humarap siya sa akin at niyakap niya ako bigla.

"I may not be showy but I hope you know that I love you. Cliché as it may seem but for me, you're the best sister in the world and I wouldn't trade you for anyone else." He said as he kissed me on the forehead. That was the moment when I hugged him back.

"I know and you're stuck with me for life. Thank you kuya for everything."

"Tara na. Sunugin na natin ang kusina." He joked and I immediately punched him in the arm.

"What was that for?!" He asked.

"Tinatanong mo pa ba talaga 'yan ha? Saktan ulit kita e!" Pagbabanta ko sa kanya tapos pinagtawanan niya lang ako. After that, hinatak na niya ako papuntang kusina kung saan naming nakitang nagluluto nang tahimik si AJ. Tinulungan naman agad siya ni kuya. Tinignan ko silang dalawa at napaisip ako bigla. Isa talaga 'to sa mga pagkakataon na hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng kakambal na baliw at kung bakit siya nagkaroon ng bestfriend na mas baliw. Matanong na nga lang kina mommy at daddy!

xxx

"Umuwi ka na nga." Pagpupumulit ko kay AJ habang itinutulak ko siya palabas ng bahay.

"What did I do this time?" Tanong niya sa akin pero hindi ko sinagot yung tanong niya. Itinulak ko lang siya nang itinulak papunta sa sasakyan niya.

"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan na talaga kita." Pagbabanta naman niya sa akin. Kung inaakala niya na matatakot ako sa banta niya, pwes, nagkakamali siya! Pagkatapos niyang bawiin yung first kiss ko noon, ngayon pa ba ako matatakot?! Wala na sa akin 'yan! Or not. Bigla kasing bumilis yung pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. The heck. Masama na 'to.

"Lalalala. Wala akong naririnig. Alis, dali!" Sagot ko sa kanya. Napailing si AJ dahil sa pinaggagagawa ko pero wala akong pakialam. Bahala siya.

"Lauryn, if it's about this morning..."

"Lalala. Wala akong naririnig."

"Teka nga. May nakita ka ba?!" Tanong niya sa akin kaya napabitaw ako sa kanya.

"May dapat ba akong makita?" I challenged him. Napabuntong hininga na lang si AJ saka niya ako tinignang maigi.

"Pasalamat ka gusto kita. Kung hindi, lagot ka talaga."

"Okay. Thank you, bye!" Sagot ko sa kanya. Napailing si AJ dahil sa naging sagot ko. Pero tama naman ako e. Sabi niya pasalamat ako sa kanya e. I just did my part.

"I guess I don't have a choice then?" Mahina siyang sabi then he took a step closer to me. I took a step backward then he took another step forward. Paulit-ulit lang kami doon hanggang sa mauntog na ako sa pader. Shet naman. Why am I feeling so awkward and why is my heart beating so fast?

"A-anong binabalak mo ha? Umuwi ka na nga!" Sabi ko sa kanya, trying my best not to show him na kinakabahan ako sa posibleng mangyari.

"Admit it. Kinakabahan ka, tama ba?"

"Nope. Not now, not ever!" Sagot ko sa kanya. Napingiti siya dahil sa sagot ko. Hindi ko alam kung dahil halatang nagsisinungaling ako o dahil natutuwa siya sa nagiging reaksyon ko.

"Talaga lang ha?" Sabi niya as he placed his left hand on the wall para macorner ako sa isang side. Papalapit na sana sa mukha ko yung mukha niya nung biglang lumabas si kuya sa kwarto niya.

"Hoy AJ kaninang umaga ka pa ah! Ayusin mo 'yang buhay mo kung gusto mo pang makita yung kapatid ko." Pagbabanta ni kuya kaya lumayo agad sa akin si AJ. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nabunutan ng tinik dahil sa nangyari.

"Get ready for our next date. I'll make sure that you won't forget that day, ever." Sabi niya sa akin then he looked at kuya.

"Una na ako. Kita na lang tayo sa school bukas. Bye Lauryn. Wag ka masyadong cute okay?" Sabi niya tapos kinurot niya ako sa pisngi.

The heck. Mababaliw na talaga ako!

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now