Chapter 22

16.3K 419 21
                                    

Hi! Sorry it's been a month since I posted an update. I was busy editing (and still am) Moving Into the Monster's House. Isingit ko lang talaga yung update today because I can't focus on editing today. Sana magustuhan ninyo yung update kahit maikli. Huhu. Maguupdate ulit ako agad. Promise! Huhu. Enjoy reading! :)

xxx

Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong tumitindi yung kaba na nararamdaman ko. Ilang araw na rin simula nung sinabi niyang maghanda ako sa para sa next date namin. Hindi ako mapakali dahil dito. The heck. Kasalanan na naman ni AJ ang lahat! Bakit ba kasi kailangan pa niyang magbanta ng ganoon?


"Kat, okay ka lang ba? Lutang ka na naman." Sambit ni Nicole habang naglulunch kami somewhere sa campus.


"Yeah, may iniisip lang." Sagot ko naman sa kanya.


"Si AJ na naman? Mahal ka nun, wag kang magalala." Hirit ni Nicole sabay subo ng kinakain niya. Langya. Saan ba napupulot ng babaeng 'to yung mga pinagsasasabi niya?


"Baliw!" Sabi ko sabay bato ng binilog na tissue sa kanya. Kainis naman kasi e. Napapraning na nga ako, ginagatungan pa niya.


Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko nung napansin kong tumahimik bigla si Nicole. Usually, kapag kumakain kaming dalawa, hindi naman tumitigil sa kakadaldal si Nicole. Kahit nga may tumatalsik ng kanin mula sa bibig niya, diretso pa rin siya sa pagdaldal e. Kaya nawirduhan talaga ako nung bigla siyang tumahimik.


"Hoy Nicole, bakit tumahimik ka diyan?" Taning ko sa kanya.


"Ha? Wala lang. Parang natinik yata kasi ako."


"Naka-drugs ka ba ha? Manok 'yang kinakain mo, hindi isda! Anong tinik yung pinagsasasabi mo diyan?" Sermon ko kay Nicole. Medyo napalakas nga lang nang kaunti kaya natawa yung ibang mga kumakain sa resto.


Agad na napasimangot at namula ang mga pisngi ni Nicole dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya na ipahiya siya pero parang ewan lang talaga kasi yung sinabi niya. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin nagsasalita ulit si Nicole. Bigla akong kinabahan dahil doon.


"Uy Nicole, sorry na. Magsalita ka naman diyan o." Pakiusap ko sa kanya sabay yugyog sa kamay niya. Umiling agad siya sa sinabi ko. Kinulit ko pa siya ng ilang beses pero ayaw pa rin talaga niya akong tignan sa mata.


"Sige na. Awayin mo na ako dali. I know, I was wrong. Sorry na talaga Nicole!"


"Ewan ko sa'yo! Sumama ka na nga lang diyan sa manliligaw mo! Kanina pa 'yan nakatayo sa likod mo, hindi mo man lang nararamdaman. Manhid!" Sagot sa akin ni Nicole. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Si AJ, nasa likod ko? Pero paano?


Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. True enough, AJ was there grinning like a fool with a bouquet of flowers in his hands. Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyari. Bakit hindi ko man lang naramdaman yung presensya niya sa likuran ko? Kaya pala may naamoy akong bulaklak kanina pa! Akala ko naman may multo lang or something. Epic fail talaga ako kahit kailan!


"AJ..." Mahina kong sabi. Natawa naman agad si Nicole dahil doon.


Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now