Chapter 3

45.5K 903 54
                                    

1st person na yung POV. Inedit ko simula sa prologue. May mga dinagdag akong details so mas okay kung babasahin niyo from the top. :)

========================================

Pagkagising ko kinabukasan, iba pa rin yung pakiramdam ko. Feeling ko anytime may dadamputin na lang ako na kung ano tapos itatapon ko sa pader dahil sa sobrang kainisan na nararamdaman ko. Sa dami naman kasi na pwede kong malipatan, bakit sa bahay pa ni kuya? Okay lang sana kung siya lang yung nandun kaso hindi e. Kasama niya yung pesteng si AJ! The heck. Ang sarap maging out of school youth bigla! O kaya online na lang ako mag-aaral. Basta hindi ko lang makasama si AJ.

Nakatulala lang ako ng ilang minuto nung bigla may narinig ako na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko kunng anong oras na tapos malapit na palang mag-eight ng umaga. Usually, ganung oras kami kumakain ng breakfast dito sa bahay so feeling ko si mommy na yung kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Pasok po.” Sabi ko pero hindi ko pa rin tinatanggal yung tingin ko sa kisame ng kwarto ko. Tulala lang kung tulala. Ang hirap na kasing mag-isip ng pwedeng gawin e.

“Okay ka lang ba princess?” Tanong ni mommy sa akin tapos umupo na siya sa tabi ko.

“I guess.” Matipid kong sagot sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi alam kung okay nga ba ako o hindi e. Parang ang hirap kasing tanggapin nung suggestion nila sa akin.

“Magiging okay din ang lahat, promise. Kahit tapusin mo lang yung semester na ‘to tapos maghahanap na tayo ng sarili mong place. Come on. Cheer up Kat. Your dad’s waiting for you na. Kumain na tayo ng breakfast tapos may pupuntahan tayong tatlo.” Sabi ni mommy tapos hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko siya tapos ngumiti lang siya sa akin. After that, I just found myself standing up from my bed tapos nakasunod na ako sa paglalakad ni mommy papunta sa dining room.

Pagdating namin ni mommy sa dining room, dumiretso ako kay daddy para batiin siya ng good morning. Nasanay na rin kasi ako na i-hug sila ni mommy tuwing babati ako ng good morning e. Papunta na sana ako sa upuan ko nung napansin kong may isa pang set ng pinggan at utensils sa tabi ng pwesto ko. Ang alam ko hindi naman uuwi si kuya kaya tinignan ko kung sino yung nakaupo sa upuan sa tabi ng pwest ko. At kapag minamalas ka nga naman, si AJ pa.

“Anong ginagawa mo dito?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya. Ang sagot niya sa akin? Isang ubod ng laking ngiti. Peste. Nakakawalang ganang kumain! Ano ba naman ‘to o? Umuwi nga ako para magka-sulusyon yung problema ko pero makakatabi ko pa yung isa ko pang problema. The heck. Ang mala slang talaga.

“Kat.” Sabi ni daddy tapos wala na akong nagawa. Alam ko namang papagalitan lang nila ako kapag nag-react pa ulit ako e. Dahil halata namang talon a ako, umupo na lang ako at hindi na ako nagsalita. Kumuha na lang ako ng kaunting pagkain kahit na favorite ko yung almusal tapos kinain ko agad para makaalis na sana ako sa dining room. Kaso wala e. Napagplanuhan na ata nila ‘to.

“Excuse me po. Akyat lang ako sa kwarto ko.” Patayo pa lang sana ako kaso nagsalita na naman si daddy.

“Kat, bakit hindi mo man lang sinabi na si AJ pala ang naghatid sa’yo dito kahapon? Kung hindi pa nagtanong yung kuya mo kung naihatid ka ba ng buo ni AJ hindi pa namin malalaman.”

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now