Chapter 20

19.8K 471 19
                                    

Sabog update. Lol. Haha. Medyo filler ng very very light. Pero may patutunguhan din naman. Haha. Enjoy reading! :)

==================


"Ang selfish ba ng dating kapag sinabi kong isa sa mga dahilan kung bakit ayaw pa kitang ma-in love ay dahil natatakot akong maiwanan na mag-isa?" Tanong ni kuya sa akin paggising na paggising ko kinabukasan. Wala pa ako sa tamang wisyo nung tinanong niya ako. Dahil sa pag-aakalang hindi siya seryoso sa sinabi niya, dahan dahan pa akong nag-unat at nagpa-ikot ikot sa kama.

"Kat, umayos ka nga!" Sigaw ni kuya sa akin. Doon ko na-realize na seryoso nga siya sa sinasabi niya. Umayos agad ako ng upo at sinubukang palakihin ang singkit kong mata.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kuya?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi ineexpect na ganoon ang nararamdaman niya. Akala ko kasi may nagugustuhan naman na siyang babae. Kaya ayaw niya akong magkaboyfriend ngayon kasi baka sukob. Yung mga ganung level ang naisip ko. Hindi ko naman alam na may ganito palang side sa kwento.

Umupo si kuya sa kama ko at saka siya bumuntong hininga. Kung susukatin ang lalim ng hugot ng buntong hininga niya, sa malamang lamang kasinglalim na iyon ng tatlong balon. Well yes, I could be exaggerating pero iba talaga ang pinaghugutan niya e. Sobrang lalim to the point na yun pa nga lang ang ginagawa niya, alam mo ng mabigat ang dinaramdam niya.

"Kat, I know it might sound stupid pero seryoso ako sa sinabi ko."

"Pero bakit? Akala ko ba may gusto kang babae? Ano na ang nangyari sa kanya?" Dire-diretso kong tanong sa kanya.

"Paano kung sinabi ko lang pala 'yon para madistract ka sa mga lalaking umaaligid sa'yo? Hindi mo ba napapansin, maliban kay Enzo wala namang ibang lumalapit na lalaki sa'yo?" Sagot niya sa akin at doon nag-sink in ang lahat. All this time, akala ko may mali sa akin. Na baka sobrang sungit ko o kaya intimidating ako masyado. Pinapaniwala ko rin yung sarili ko na okay lang na wala munang magkagusto sa akin tutal bata pa naman ako. Baka di pa ako prepared sa mga ganitong bagay kaya okay lang na wala akong manliligaw. Pero ngayon na sinabi ni kuya ang totoo, shet lang. What did I do to deserve this kind of treatment?!

"Pero bakit kuya? Bakit mo ginawa yun? Inimbento mo lang ba yung sinabi mo sa akin kaya ayaw mo si AJ para sa akin?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Natatakot akong mawala kayong dalawa sa akin. Nung una, takot ako ma malayo yung kakambal ko sa akin pero nung nalaman ko na gusto ka ni AJ, natakot ako na pati bestfriend ko mawawala sa akin. Siguro hindi mo naiintindihan pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Sorry Kat." He said as he pulled me in for a hug. Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni kuya. All along, akala ko okay lang siya. Na nagpapaka-OA lang siya sa pagiging protective na kuya. Pero mali pala ako.

"Wag ka namang umiyak Kat. I'm trying to be braver for thr three of us. Hindi ko sinasabi na okay na ako kay AJ para sa'yo pero susubukan kong mag-adjust sa magiging sitwasyon natin. Malaking pagbabago 'to para sa akin pero kung boto naman sa kanya sila Mommy, wala naman talaga akong magagawa di ba?" He said and I cheeks started to heat up. Seriously?! May ganoon ba talagang sinabi sila Mommy?!

"Don't be so surprised. They called me up before your trip to Tagaytay. Nagpaalam daw si AJ sa kanila for that date kaya wag ko raw masyadong pahirapan si AJ. Saka mas okay nga raw kung magiging brother-in-law ko na si AJ e. Hitting two birds with one stone daw." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin, as if waiting for an epic reaction from me. Dahil hindi ako nagrereact, ngumiti na agad siya nang nakakaloko and that's when I started to crack up.

"Shut up!" I yelled while trying to supress my laughter. Tumawa lang din nang tumawa si kuya dahil doon. Noong nahimasmasan na kaming dalawa, umayos ako ng upo saka ako nagsalita.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now