Chapter 16

21.8K 501 48
                                    

Spoiler: I used a line from the movie You're My Boss. I cannot contain the feels. Hahahaha.


Anyhow, enjoy the chapter! Teehee.


===============================================


Just shut up and be mine.


Teka. Tama ba yung pagkakarinig ko kanina sa sinabi niya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba siya? Napapailing na lang ako kapag naaalala ko ang nangyari. Pagkatapos ng sandamukal na hugot at effort ko na lumayo sa kanya, ito bigla ang sasabihin niya? The heck. So ano yan? Kapag trip niyang gumawa ng move, aabante siya tapos kapag humarang na naman sa eksena yung kapatid ko, aatras na siya?


Ang labo. Ang labo labo mo Achilles Jeremy! Bakit ka ba ganyan?!



xxx



Flashback


Umuwi ako na may dalang isang tub ng ice cream. Pagpasok ko ng bahay, papalapit agad si kuya sa akin. Ang sama ng tingin niya tapos mukhang ang init ng ulo niya kaya medyo napaatras ako. Pero nung napunta yung tingin niya sa ice cream na dala ko, biglang nag-iba yung aura niya. Nagniningning yung mga mata niya at mukha siyang bata na ngayon lang nakakita ng ice cream.


"Hep! Huwag mo ng subukan na lumapit at manghingi ng ice cream na dala ko. Para sa akin lang 'to." Pangunguna ko sa kanya. Alam na alam ko na ang mga style nitong si kuya e. Lahat ng issues niya sa akin, nawawala kapag may dala akong ice cream pero sorry na lang siya kasi this time, I'm not willing to share.


"Ang damot mo!" Reklamo ni kuya kaya napangiti ako lalo. Ang dali talagang mapikon nito pagdating sa ice cream.


"Maganda naman." Palokong sagot ko sa kanya.


"Pero ubod ng takaw." Dugtong niya. Pero bilang sanay na sanay na ako sa mga ganitong klase ng pag-uusap namin ni kuya, may naisagot pa rin ako sa kanya.


"Sexy naman. Hep! Period, no erase. Na-lock ko na tapos naitapon ko na yung susi sa Ilog Pasig! Bigyan na lang kita kapag may natira." Sabi ko sabay belat sa kanya. Dahil alam ni kuya na wala na siyang laban sa sinabi ko, naipiling na lang siya at pinabayaan na niya akong pumunta sa kwarto ko.


Dumaan ako saglit sa kusina para kumuha ng kutsara at isang bote ng tubig. Papunta na talaga sana ako sa kwarto ko nung napansin kong papaalis si kuya. Parang nagmamadali siya na ewan. Tatanungin ko pa lang sana kung saan siya pupunta pero kumaripas na siya palabas ng bahay. Nagkibit-balikat na lang ako at nag-isip kung anong movie ang magandang i-partner sa pagkain ng ice cream. Papasok na sana ako sa kwarto ko nung biglang humarang sa daraanan ko si AJ.


Ilang segundo rin kaming nagtitigan sa labas ng kwarto. Doon ko napansin na malinis na ulit yung itsura ni AJ. Well, nandoon pa rin yung pinagpuyatan niyang eye bags pero wala na siyang beard, bagong gupit na siya at maayos na ulit ang damit niya. I mentally slapped myself dahil mas inuna ko pang pansinin ang changes sa kanya imbis na iwasan siya. Pero ewan ko ba. Parang namamagnet na naman ako sa kanya. Yung tipong kahit walang umiimik sa aming dalawa at para bang takot na takot kaming mabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin ngayon, okay lang. Pero all things must come to an end. He broke the silence and he started talking.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now