Chapter 7

31.4K 652 64
                                    

Nung lumayo kami sa isa’t isa, ramdam na ramdam na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa ni AJ. Sinong matinong tao nga ba ang hindi makakaramdam ng awkwardness pagkatapos niyong magkahalikan dahil sa isang maling move? Hindi naman kayo tapos bigla na lang naglapat yung mga labi niyo. Kung may pagnanasa ka sa taong ‘yon, sa malamang lamang nagtatatalon ka na dahil sa tuwa pero hindi naman ganoon yung sitwasyon namin ni AJ. Hindi nga kami makatagal sa ugalit ng isa’t isa di ba?

Jusko. End of the world na ba? Kung sa ganitong paraan din lang matatapos ang mundo sana ako na ang kumitil sa buhay ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay na walang first kiss kaysa si AJ yung naging first kiss ko! Ang sakit sa puso shet. Hindi ko matanggap!

“Uhh. Nandiyan na yung pagkain. Tara na?” Sabi ni AJ na halatang hindi rin sigurado sa mga sasabihin niya. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Isinara ko na lang yung pinto ng kwarto ko tapos naglakad na ako papunta sa dining room. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin pero hindi na lang kami nag-usap.

Pagdating namin sa dining room, tinignan kaming dalawa ni kuya. It’s as if halatang may nangyari na hindi kanais-nais sa pagitan naming dalawa ni AJ. Well, totoo naman na may nangyaring hindi kanais-nais at totoo namang ang obvious naming dalawa kasi hindi man lang kami nag-aaway pagdating namin sa dining room.

Pero kapag napunta naman ang isang tao sa isang awkward na situation, di ba mawawala ka rin sa katinuan for a while? Yung tipong kahit anong pilit mo sa sarili mo na magpanggap na okay ang lahat, hindi mo pa rin magawa kasi alam mo sa sarili mo na may nagbago sa pakikitungo mo sa mga tao sa paligid mo. Instinct naman na yata talaga yun ng mga tao e. Kung hindi man instinct, siguro defense mechanism na rin natin ang hindi na lang pagsasalita o pag-react sa mga bagay bagay. Kasi kapag may ginawa o sinabi pa tayo, baka mas lumala lang yung sitwasyon.

“Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo nagsasalita?” Tanong ni kuya sa aming dalawa ni AJ pero hindi kami sumagot sa tanong niya. Umupo na lang kaming dalawa tapos inilabas na namin yung pagkain namin.

“Kat, okay ka lang ba?” Tanong ulit ni kuya sa akin. Imbis na magsalita, tumango na lang ako bilang sagot. Mahirap na e. Baka kung ano pa yung masabi ko. Ayaw ko naman ng palakin yung nangyari. Ang gusto ko na lang ay makalimutan yun at maka-move on na.

“AJ, ano bang nangyari sa inyo ni Kat kanina? Okay naman kayo kanina bago dumating yung pagkain ah?” Tanong naman ni kuya kay AJ. Tuloy tuloy pa rin ako sa pagkain ko at hindi ko na lang sila pinansin. Ang gusto ko na lang talagang mangyari ay matapos ang pagkain ko tapos magkukulong na ulit ako sa kwarto ko. Ayaw ko na munang makita si AJ. Alam kong awkward na ang lahat ng pagkakataon na makakasama ko siya. Hangga’t kaya ko, iiwas ako. Madali lang namang gawin yun di ba?

“H-ha? Wala naman. Baka may nakita ‘yan na multo o kung ano.” Sagot ni AJ. Ewan ko ba kung bakit pero nabwisit ako sa sagot niya. Obvious na hindi totoo. Gagawa na nga lang ng alibi, palpak pa. As if naman paniniwalaan siya ni kuya di ba?

“Pinaglololoko mo ba ako ha?” Tanong ni kuya tapos bago pa makasagot si AJ, nagsalita na ako.

“Tapos na akong kumain. Balik na ako sa kwarto ko.” Akmang tatayo pa lang sana ako nung nagsalita ulit si kuya.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now