Chapter 6

33.3K 670 60
                                    

Kat, Liam and AJ sa gilid ------>

======================================

Hindi pa rin ako nakaka-move on mula sa naging reaksyon ni kuya sa sinabi ni AJ nung bigla kong narinig yung pagtawa ni AJ. Muli kaming napalingon ni kuya sa kanya dahil sobrang weird lang nung mga kinikilos niya. Una, ang bait niya sa akin kanina. Ni hindi niya nga ako inaway nung nasa biyahe kami pauwi e. Pangalawa, yung bigla niyang sagot kay kuya kanina. Pangatlo, bigla bigla siyang tumatawa ng mag-isa. Yung totoo. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

“Hoy AJ. Anong tinatawa tawa mo diyan ha?” Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya itinanong ko na sa kanya. Bago siya sumagot sa tanong ko, pinigilan niya muna yung sarili niya na tumawa ulit. Langya. Parang tanga lang talaga siya.

“Kayong dalawa kasi e.” Matipid niyang sagot sa akin tapos tumawa na naman siya. Naningkit lalo yung singkit kong mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano yung pinagsasasabi niya. Ang labo lang.

Ang hirap pa namang makipag-usap sa isang tao lalo na kung hindi kayo magkaintindihan. Usually kasi yun yung nagiging reason kung bakit lalong nagkakagulo yung mga tao e. Akala nung nagsalita nasabi na niya nang maayos yung gusto niyang iparating yun pala iba ang pagkakaintindi nung nakarinig. imbis na magkaayos at magkaliwanagan, lalo lang lumalaki yung issue. Katulad ngayon, hindi namin maintindihan ni kuya yung pinagsasasabi ni AJ. Halata naman sa itsura ni kuya na hindi siya natutuwa sa nangyayari e. Kulang na lang, ituloy na niya yung pagsapak kay AJ.

“Explain further in not less than ten sentences!” Utos ko kay AJ tapos lalo lang siyang tumawa. Napa-iling na lang ako dahil sa ginagawa niya tapos umupo na kaming dalawa ni kuya sa sala. Nakakapagod makipag-usap sa isang taong parang ayaw namang makipag-usap e. Nasasayang lang yung effort mo kaka-reach out tapos ayun pala may nakaharang na pader sa inyong dalawa kaya hindi umaabot sa kanya yung mga ginagawa at sinasabi mo.

“Kuya, bakit mo ba naging kaibigan ‘to?” Bulong ko kay kuya.

“Hindi ko na nga rin alam e.” Sagot niya sa akin tapos lalo akong napa-iling. Alam ko minsan sabog ‘tong si kuya pero never naman siyang tumawa ng mag-isa. Kahit papaano naman mas matinong kausap si kuya.

“Kuya, may panahon ka pa. Hanap hanap din ng bagong kaibigan. Baka mahawa ka pa sa kabaliwan ng isang ‘yan.” Sabi ko kay kuya sabay tapik sa balikat niya.

“Narinig ko yung pinagsasasabi niyo! Umayos kayong dalawa kung hindi-”

 

“Kung hindi ano? FYI, pwede ka naming paalisin ni kuya dito dahil bahay pa rin ‘to ni kuya.” Pagpuputol ko sa sinasabi ni AJ kaya natameme na lang siya. Umupo siya sa may kaliwa ko kaya napagigitnian na nila ako ni kuya.

“Sabi ko nga mananahimik na ako.” Mabilis na sagot ni AJ tapos natahimik kaming tatlo. Ganoon lang kami ng ilang minuto kaso biglang binasag ni kuya yung katahimikan namin.

“AJ, sumagot ka nang maayos. Lalaki sa lalaki. Ano yung pinagsasasabi mo tungkol sa kapatid ko kanina ha?” Tanong ni kuya tapos dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sala. Lumipat ako sa isa pang upuan para silang dalawa na lang talaga ang makapag-usap. Baka mamaya kasi magsuntukan sila tapos nasa gitna ako. Kawawa naman ako kung ako yung makakasalo ng lahat ng suntok nila di ba?

Moving Into My Brother's HouseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt