Chapter 11

22K 527 37
                                    

Hi! Hello! Ni hao! Annyeong! I am back! With an update! Woooho! (Ayaw ko naman sa exclamation point di ba?) Anyhow, disclaimer lang po. Filler lang 'tong update na 'to. Halos walang nangyari dito. Hahahaha. Pero pinaghirapan ko yung article kuno so please bear with me. Hahahaha. Bawi ako sa next update. Thaaaanks!

===============================

“So, what should we do now?” Seryoso kong tanong kay AJ. Alam ko naman na kasi na magulo ‘tong pinasok naming dalawa. Ibang klaseng magalit si kuya e. Kahit mukha siyang wirdo at nakahithit ng sampung kahon ng katol, OA kung OA yun sa pagiging protective sa akin. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero duh? Wala na ba akong karapatan na gumawa ng sarili kong judgment sa buhay?

“Hindi ko rin alam.” Sagot niya sa akin kaya binatukan ko siya nang malakas.

“Aray ko naman! Bakit mo ba ako binatukan?”

“At talagang tinatanong mo pa sa akin ‘yan ha? Gusto mo bang mabatukan ulit?” Inis kong sagot sa kanya at naglakad na ako palabas ng kwarto niya.

Sige Lauryn. Diyan ka naman magaling e. Sa walk out. Sabi ng utak ko pero ano nga ba ang dapat gawin kung yung taong nagtapat ng feelings niya sa’yo ay hindi rin alam kung anong dapat gawin sa overprotective na kuya mo?

Sabi sa isang article na nabasa ko, may 5 steps daw para matauhan ang taong umamin na may gusto sa’yo pero hindi naman alam ang gagawin para ipaglaban ang pagtitinginan niyo.

1. Saktan siya – physically.

 

Pwede mo siyang paluin, batukan, sampalin, sakalin, bunutan ng buhok sa ilong o sa kilay. Basta you name it. Minsan kasi, ang mga tao ay medyo manhid. at self-centered. Hindi nila alam ang nangyayari sa paligid nila unless nasasaktan na mismo sila. Kaya kung feeling mo ay wala pa sa utak niya ang pakikipagtuos sa over sa OA mong kapatid, aba. Gisingin mo na siya at imulat mo na sa kanya ang katotohanan na masasaktan talaga siya kapag wala siyang ginawa.

Nagawa ko naman na ‘to. Ang lakas na ng pagkakabatok ko sa kanya. I was hoping na kapag nakalampag na yung ulo niya, gagana na yung utak niya kaso hindi e. Wala ring nangyari. Nganga pa rin. Dapat ba mas nilakasan ko yung pagkakabatok ko sa kanya para natauhan siya?

2. Mag-walk out – half expecting na susundan ka niya.

 

Katulad ng nasabi sa unang step, minsan ay manhid ang mga tao. As the saying goes, you’ll never realize someone’s worth until he or she is gone. Minsan, kailangan niyang ma-realize na hindi ka palaging nandiyan para hintayin siya. Tao ka lang din naman at hindi ka martir para mag-wait forever. Kaya go forth and make walk out. That way, baka sakaling matauhan siya at maisip niya rin na kawalan ka niya.

 

Pero may disclaimer nga naman ang step na ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susundan ka talaga ng taong may gusto sa’yo. Oo, nandoon na tayo sa gusto ka niya pero gaano na nga ba talaga katindi ang feelings niya para sundan ka niya? Kaya kapag ginawa mo ang step na ‘to, huwag ka masyadong umasa na susunod agad siya sa’yo. Baka kasi sa dulo, ikaw pa rin ang luhaan.

Nagawa ko na rin ‘to. Pero takte. Tama nga yung disclaimer! Nakabalik na ako sa kwarto ko at lahat, hindi man lang niya ako sinundan! Kahit man lang sumigaw ng “Wait lang Lauryn!” wala. Yung totoo. May mapapala ba ako sa kanya o wala? Totoo ba talaga yung feelings niya o hindi? Dapat ba binalibag ko na yung pinto ng kwarto niya para nag-sink in sa kanya na nag-walk out ako?

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now