Chapter 40

9.3K 217 38
                                    

HAPPY CHINESE NEW YEAR! IMBIS NA TIKOY, HERE'S AN UPDATE FOR YOU. HAHAHA.

PS. NAIYAK AKO SA IBANG PARTS DITO. HUHU.

=========================

Soooo, paano ko ba dapat i-describe yung sitwasyon naming tatlo nina Kuya at AJ sa loob ng sasakyan?

Tahimik? Nope. 

Awkward? Hindi rin. 

Aaaaah. Tama. Nakakasuka. Nakakasuka yung bromance nina AJ at Kuya to the point na gusto ko ng lumabas ng sasakyan at magcommute na lang pauwi ng bahay. Minsan nga feeling ko, dapat yata sa likod na lang talaga ako ng sasakyan sumakay e.

Ito ba yung sinabi nilang nagpag-usapan na nila?

"AJ, gusto mo ba ng tubig? Ipagbubukas na kita ng bote." Tanong ni kuya out of the blue. Napatingin ako sa kanya, waiting for him to offer me a bottle as well pero walang nangyaring ganoon. Pagkabukas niya sa bote ng tubig ni AJ, bumalik na siya sa pagkain niya ng chips.

"Kuya, pahingi ako ng tubig."

"Mamaya. Kumakain pa ako e." Sagot sa akin ni kuya sabay subo ulit nung chips. AJ eventually offered his water to me pero pinigilan siya ni kuya saying na sa kanya raw yun and all. Hindi ko naman daw ikamamatay ang kaunting uhaw.

Naulit din 'yon ng ilang beses all throughout the ride. Kung ano ano yung inooffer ni kuya kay AJ pero pag ako ang nanghihingi, wala. Nganga. Kapag nagrereklamo naman ako, sinasabi sa akin ni kuya na kawawa naman daw kasi si AJ dahil siya yung nag-drive para sa amin.

"Naaawa ka pala, e di ikaw na lang ang mag-drive. Dami pang sinasabi e." Bulong ko sa sarili ko. I'm not sure kung narinig ba nila yun pero hindi ko na sila pinansin after that. Dahil na rin sa inis, tinulugan ko na lang silang dalawa. Nagising na lang ako nung tinatapik na ni AJ yung braso ko. Tinignan ko yung paligid ko and that was when I realized na nag-stop over na pala kami.

"Come on. Kumain na muna tayo." AJ said with a smile. Tumango na lang ako sa kanya then I removed my seatbelt and went out of the car. Hindi ko na sila hinintay pa nila ni kuya. Dumiretso na lang ako sa tindahan nung matabang bubuyog na sumasayaw. Umorder na rin ako ng spaghetti with chicken saka large fries at chocolate sundae. Pig out kung pig out na. Wala na akong pake sa kanila.

Pagkakuha ko ng order ko, umupo ako sa table na pang-dalawahan lang. Hinarang ko lahat ng pagkain ko sa lamesa para wala ng makiki-share sa table ko. Nagsimula na rin akong kumain at hindi ko na inisip kung nasaan na ba yung dalawa.

Napatigil na lang ako bigla sa pagkain nung may humablot sa chocolate sundae ko.

"Pakshet naman! Akin 'yan e!" Hindi ko napigilan yung sarili ko na sumigaw. Napatingin tuloy yung mga tao sa akin. Kahit na sobrang nahihiya ako sa nangyari, pinilit kong kalmahin yung sarili ko. Ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko at kahit na hindi na bumalik yung chocolate sundae ko, na inubos na talaga ni kuya, inubos ko lahat ng inorder ko.

Tinignan ko silang dalawa saglit at nakakainis na chill na chill pa silang dalawa. Si kuya, nagprisinta pa na siya ang magmimix nung spaghetti sauce sa inorder ni AJ. At that moment, feeling ko umakyat lahat ng kinain ko kanina. Gustong gusto ko na talagang masuka!

Dahil sa sobrang pandidiri ko sa kanilang dalawa, lumabas na ako sa tindahan nung matabang bubuyog at dumiretso ako sa coffee shop. Bumili na lang ako ng kape at umupo ako sa may sidewalk malapit sa kung saan nag-park si AJ.

"Sorry na. Ito na ulit yung chocolate sundae mo o." Sabi ni kuya sabay abot ng isang chocolate sundae na wala pang kabawas-bawas.

"Nagkakape na ako. Sa'yo na 'yan." Malamig kong sagot sa kanya. Hindi ko man lang din siya tinignan. Eventually, hindi na rin kinaya ni kuya yung silent treatment ko sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit.

Moving Into My Brother's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon