Chapter 39

9.2K 225 26
                                    

Filler lang. Huhu. Ayaw gumana ng utak ko. Ang sakit din kasi ng ulo ko but I tried. Huhu.

==========================

Seconds have passed pero nakatingin lang si AJ sa akin. Hindi siya nagsasalita o gumagawa ng kahit na anong facial expression. His face was blank and I didn't know how to feel. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o magtampo o kung ano man. I mean, I just said that I love him as well tapos biglang ganito?

"O siya. Good night na talaga." I told him then I tried to push him out of my room but he wouldn't budge. Nakatayo pa rin siya malapit sa pintuan ng kwarto ko.

"Uy. Galaw galaw din baka ma-stroke." Pambibiro ko sa kanya but to no avail. Hindi man lang siya ngumiti o tumawa. Jusme. Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya?

After several attempts of trying to get a word or even any kind of movement or reaction from him, sumuko na rin ako. Naubusan na ako ng ideas at wala na rin ako sa mood mangulit. I felt so drained out mula sa flight kaya I decided to sleep na lang.

"Ay, bahala ka na nga diyan. Close the door when you leave. I'm sleeping na." Sabi ko sa kanya then when I turned around to walk towards my bed, bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya.

"Oh my god." I exclaimed then he hugged me tight. At that moment, I swear sobrang bilis ng tibok ng puso ko. It was the mixture of getting kilig with him hugging me so tight and the nervousness that I'm feeling because kuya might catch us like this.

"AJ..." I whispered then he shushed me off.

"Let's just stay like for a while." He told me then I kept my mouth shut. After a couple of seconds, humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sa akin then he kissed me on the forehead.

"Good night, Lauryn. Don't dream of me too much, okay?" He said then he closed the door of my room. Oh god. Bakit ba masyado siyang feelingero?!

xxx

A week has passed simula ng sagutin ko si AJ. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sanay sa idea na kami na. Minsan, I still treat him as kuya's bestfriend which kind of equates to being my enemy slash kaagaw sa atensyon ng kapatid ko. Inaaway ko pa rin siya for the littlest things at napapagalitan ako ni kuya dahil doon. He said baka iwan ako bigla ni AJ dahil sa pagiging childish ko. Pero ewan ko ba. Ang hirap talagang mag-adjust mula sa pagiging childhood enemies papunta sa pagiging couple. I guess old habits never die.

"Kat, yung boyfriend mo nandito na!" Sigaw ni kuya. It was a Saturday and we planned to visit mom and dad. Nasa kwarto pa ako at nagaayos ng mga dadalhin kong gamit so instead of going out of my room, I shouted back "Sa'yo na muna!" to kuya.

Dahil sa pagsigaw ko na 'yon, biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, nandoon na agad si kuya at si AJ.

"What do you need?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tinignan lang nila akong mabuti tapos bigla akong tinignan nang maigi ni kuya.

"Hey, what's that look for?" I asked kuya pero hindi niya ako sinagot. Mas lalo niya lang akong tinignan. Medyo nakakaewan na yung ginagawa niya kaya tinulak ko siya na siya palayo.

"Wala ka namang sakit. Bakit ganyan ka kung umasta bigla?"

"Kuya, hindi ko ma-gets kung ano yung pinagsasasabi mo. Lumabas na nga muna kayo ng kwarto ko para matapos ko na 'tong ginagawa ko." I told them tapos bumalik na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Narinig ko na lang na sinara ni kuya yung pinto pagkalabas nila ni AJ.

Liam's POV

"Tara na nga. Tayo na lang ang mag-date." Panloloko ko kay AJ paglabas namin ng kwarto ni Kat. Pambihira naman kasi 'tong kakambal ko. Hindi man lang nakaramdam. Kaya nga inagahang pumunta ni AJ dito sa bahay para makasama siya pero anong ginawa niya? Pinagtulakan pa kaming dalawa palabas ng kwarto niya.

"Dude, kakambal mo yung girlfriend ko, hindi ikaw." Seryoso niyang sagot niya sa akin. Binatukan ko tuloy ang loko.

"Aray ko naman!"

"Hindi ka na maloko. Pumasok ka na nga lang ulit doon sa kwarto ni Kat. Tulungan mo na para makaalis na tayo." AJ did as told. Pinuntahan na niya si Kat and in a few minutes, lumabas na sila ng kwarto at dala na ni AJ yung mga gamit ni Kat.

"Finally! Let's go?" Pagyaya ko sa kanila tapos dumiretso na kaming tatlo sa sasakyan ni AJ. Honestly, I feel like I'm going to be the third wheel this time around but whatever. Itutulog ko na lang 'to.

Kat's POV

AJ was holding my hand while we were walking towards his car. I kind of expected to be assigned at the back seat, again, but was surprised when he opened the front door for me. I stood there, stared at the open door and didn't know what to do.

"Is something wrong?" AJ asked then I shook my head in response.

"Wala. Akala ko lang kasi..."

"Akala mo ano? Na sa likod kita pauupuin? Nag-usap na kami Liam regarding this so no need to worry." Wait, what? Bakit pinag-usapan pa nila ni kuya yung tungkol dito? Jusme. Ang diyahe lang. Baka sabihin ni kuya inaagawan ko pa siya ng bestfriend nito.

"Wag nang maarte Kat. Sasakay ka ba o itutulak na kita?" Biglang hirit ni kuya nung nakita niya akong nakatayo lang sa tapat ng pintuan ng sasakyan ni AJ. Reluctantly, sumakay na ako tapos sumakay  na rin sina kuya at AJ.

This is going to be a long a ride. I can feel it.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now