Chapter 44

5.6K 103 14
                                    

Hi! So one year na pala akong hindi nag-uupdate. Huhuhaha. I won't make any promises this time as to when I'll be updating again pero sana matapos ko na 'to. Ang tagal na pala nito. Hahaha.

Thank you sa mga nagbabasa pa rin!

xxRaice

***

I woke up really early the next morning. Nagluto na ako ng breakfast and I woke everyone up when I was done setting up the table. Lahat ng boys halatang inaantok pa dahil sa nangyaring inuman pero hindi na lang sila nagreklamo. Umupo na lang agad sila at inabutan ko na sila ng kape.

"Thank you, Kat. I would love to cook for you and your mom again but my head is aching. Sorry." Dad said as he took a sip from his coffee.

"Ay nako, dad. Ang dami niyo pa kasi yatang ininom kagabi e. You're not getting any younger, you know." Sagot ko sa kanya na siyang nagpatawa kay mommy. Sinamaan naman agad siya ng tingin ni daddy.

"What? Di ba ikaw ang may sabi sa mga anak mo na palaging magsabi ng totoo? What's with that face now?" Mommy said at napanganga na lang si daddy doon. Hindi na siya nakabawi kaya it was our turn to laugh.

"Both of you, stop laughing or else no allowance for one month." Pagbabanta sa amin ni Daddy. Titigil na sana kami ni kuya dahil ang laki rin ng mawawala sa amin sa one month na allowance na 'yon pero buti na lang at hindi na naman nagpatalo si Mommy kay Daddy.

"Don't worry kids, akong bahala sa allowance niyo." Nagkatinginan kami ni kuya, weighing down kung sino ang mas susundin namin when I suddenly thought of an idea.

"AJ, ikaw na muna ang bahalang bumuhay sa amin ni kuya ha?" Sabi ko kay AJ. Napatigil saglit si kuya but after a few seconds, nakisakay na rin siya sa idea ko. Inakbayan niya agad si AJ saka siya humirit sa kanya.

"AJ, alam mo namang botong boto ako sa'yo para sa kakambal ko di ba? Pakainin mo lang kami for one month ni Kat, wala na tayong magiging problema."

"Wala akong problema kay Lauryn. Ikaw ang problema ko. Parang nagpakain na rin ako ng sampung tao kapag sinama pa kita sa ililibre ko." Sagot ni AJ kay kuya which made us all laugh. Mommy and Daddy also forgot about the issue a while ago. I guess, safe na ulit yung allowance naming kambal.

"Kumain na nga lang kayong tatlo. Make the most out of the resort today. We're leaving after lunch." Napapailing na sabi ni Daddy sa amin.

"Agad? I thought we're going to stay here until tomorrow?" I asked. Masisira kasi lahat ng plano ko para makapag-bonding kami nina kuya at AJ kung aalis na rin naman pala agad kami. Saglit na lang pala kami dito sa resort samantalang yung plano ko, baka mag-last ng buong araw. How am I supposed to squeeze in everything in three freakin' hours?

"Well, your Mom has a check-up tomorrow." Dad answered and I had to instantly stop myself from frowning. Valid naman pala kasi yung reason ni Dad pero I can't help but feel sad dahil bitin talaga yung bakasyon namin ngayon.

"Maybe you can let them stay here until tomorrow? AJ brought his car naman. I'm sure they can manage." Mommy suggested but Daddy looked hesitant. For all I know, natatakot lang naman siya na baka mangyari na naman yung nangyari sa akin kahapon. Kung wala sila, we might get into more trouble dahil walang nagbabantay sa aming tatlo.

"But-"

"Dwight, they've been living under the same roof for months already. Wala namang nagiging problema di ba?" Mommy pushed further pero parang ayaw pa rin talagang magpatinag ni Daddy.

"Dwight, sige na naman. Please?" Mommy said with matching pa-cute na. Omg. Wala na. Game over na 'to. Finish na! If there is one weakness that I know about Daddy, it's about Mommy's pa-cute tactics. Basta kasi nagpa-cute na si Mommy, Daddy doesn't have any choice but to give in to whatever she likes. Minsan lang siyang gawin ni Mommy pero 100% ang success rate.

Moving Into My Brother's HouseWhere stories live. Discover now