Chapter 13

19.8K 487 22
                                    

Short update. Pero puro #hugot. Bear with me. Charot. Hahaha. Next update will be posted in a few days. Hihi. Happy reading! :)

=============================

AJ's POV

Sa totoo lang, wala akong ideya sa kung saan ko ba dapat sinulan ang paghahanap kay Lauryn. Hindi rin naman kasi kami masyadong nag-uusap noon. Pakiramdam ko tuloy parang hindi ko pa siya ganoong kilala. Hindi ko alam kung saan siya madalas pumunta, anong paborito niyang pagkain, anong gusto niyang pelikula o libro. Ang alam ko lang ay kakambal siya ni Liam at may gusto ako sa kanya.

Umikot ako.sa buong subdivision half-expecting na bigla siyang susulpot dito. Nakailang ikot na rin ako pero hindi ko pa rin siya makita. That's when I decided to check the campus. Tutal doon naman sila nagkita ni Liam e. Baka sakaling doon lang din siya nag-ikot.

Duniretso na ako sa campus with one thing on my mind: Bakit ba nilayasan ni Lauryn siLiam?

Pagdating ko sa FA, ipinark ko lang yung sasakyan ko tapos naglakad na lang ako. Kahit na mas mabilis mag-ikot ng may sasakyan, mas marami pa rin naman akong maiikutan kung maglalakad ako. Pinasok ko halos lahat ng building na malapit sa FA. Tinignan ko na ang lahat ng mga open spaces kung saan siya pwedeng pumunta. Pero kapag minamalas ka nga naman, nakita ko pa siya na may kayakap na iba.

Langya. Ang sakit pala ng ganito.

Kat's POV

"Enzo, wait lang ah? May hahabulin lang ako." Paalam ko kay Enzo. Nakita ko kasing naglalakad na palayo si AJ mula sa kinatatayuan niya kanina.

"Ha? Sino?" Tanong ni Enzo sa akin.

"Yung nagnakaw ng puso ko. Sige, una na ako ah?" Lutang na sagot ko sabay karipas ng takbo. Kahit na tumatakbo ako palayo mula kay Enzo, rinig na rinig ko pa rin yung pagtawa niya. Bahala na kung pagtitripan niya ako pagkatapos nito. Hindi ko rin kasi talaga alam kung bakit yun ang isinagot ko sa kanya. Yun na lang ang unang lumabas aa bibig ko.

"AJ! AJ wait lang!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Kaso sa bawat hakbang na ginagawa ko para makalapit sa kanta, parang palayo pa rin siya nang palayo. Aaminin ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa aming dalawa ngayon. Pero mas masakit pala kapag nakikita mo na ang paglayo niya sa sarili mong mga mata.

"AJ ano ba! Hindi ka ba talaga titigil?!" Sigaw ko ulit sa kanya, hoping na madadaan siya sa pagtatas ko ng boses. Pero kapag minamalas ka nga naman, hindi pa rin niya ako pinansin.

Sige. Huli na 'to. Sabi ko sa sarili ko. Kapag hindi pa rin ako pinansin ni AJ, bahala na siya sa buhay niya.

"Kapag hindi ka tumigil, hindi na kita papansin kahit kailan!" Sigaw ko ulit. Tinignan ko kung may epekto yung sinabi ko sa kanya. I was hoping na babagal man lang yung paglalakad niya kahit na kaunti pero wala e. Dire-diretso pa rin siya sa paglalakad niya. That's when I decided to stop hoping for the impossible. Sabi nga ni mommy, "In life, you have to choose the things that are worth fighting for. If  you think you are fighting a worthless battle, then it would be better to stop than get yourself hurt in the end."

Huminto na ako sa paghabol sa isang tao na ayaw namang magpahabol. Siguro nga dapat huwag na rin akong umasa na magiging okay kami. Mas okay na hangga't maaga pa ay mailigtas ko na ang sarili ko mula sa sakit. Kung ayaw niya, e di wag. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa kanya? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo e.

Imbis na habulin pa si AJ, lumiko na lang ako sa isang kanto at pumasok sa cafe sa building doon. Okay. Let's suck it up, shall we?

xxx

"Ma, how do you stop yourself from liking someone?" Tamong ko kay mommy the moment she picked up her phone. Ilang minuto na rin akong nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa lecheng feelings na 'to. Ang tagal ko ring inisip kung sino ba ang pwede kong kausapin tungkol dito. Ang ending, si mommy ang kinabagsakan ko. Not that I'm complaining. Alam ko namang reliable source siya e.

"Gusto ko mang sabihin na madali lang 'yan, hindi ko magagawa. Naranasan ko na 'yan sa daddy mo e. Ang pagkakagusto naman sa tao ay hindi katulad ng Facebook post na pwede mong i-unlike kapag ayaw mo na doon bigla. It takes a lot of time and effort. Katulad 'yan ng pagkakagusto mo sa tao e. Hindi mo naman magugustuhan na lang basta ang isang tao pagkakita mo sa kanya di ba? Kahit saan mo tignan, mag-iinvest ka pa rin talaga ng oras, effort at feelings para doon. Teka. Bakit mo pala naitanong?" For a few seconds, natulala lang ako dahil sa naging sagot ni mommy. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganoon ang magiging sagot niya. Yes, alam ko ang pinagdaanan nila ni daddy. They have crossed mountains and seas just to be together pero parang ang hirap pa ring i-digest nung sinabi ni mommy e.

"Ganoon po ba talaga kahirap yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Do you like someone na princess?" I was about to tell her na yes, I like someone that you like for me pero pinigilan ko yung sarili ko. Instead, I gave her an answer that I want to hear for myself.

"No ma. I'm unliking someone. Tell me. Where do I start?"

xxx

"Siguro ka na ba talaga dito? Pwede pang mag-back out." Nics asked me for the nth time now. Sa totoo lang, nawala na ako sa bilang. Paulit ulit naman na kasi masyado yung tanong niya e. Nakakarindi na. Kung hindi ko lang siya kaibigan, baka kanina ko pa siya nasapak e.

"Oo. Ang kulit mo naman e!" Naiiritang sagot ko sa kanya. Hindi ko na malaman kung tama ba ang desisyon kong kausapin siya tungkol dito. Pero isa kasi siya sa mga kakaunting tao na nakakaalam ng nangyayari sa amin ni AJ e.

"Sayang naman Kat e! Ang lakas kaya ng chemistry niyo. Tapos di ba sabi mo he makes you smile? May times pa nga na naspeechless ka o kaya kinikilig ka nang bongga e!"

"Che. Ang OA mo. Wala kayang ganon." Pangongontra ko sa kanya.

"Huwag mo ngang ideny! Na-screenshot ko kaya yung convo natin sa FB! Bakit nga kasi bigla mo na lang siyang iuunlike?" Tanong niya sa akin.

"Lecheng screenshot 'yan. Pero Nics, minsan kasi hindi sapat yung napapangiti at napapakilig ka ng isang tao. I need an assurance e. Ni hindi nga siya makagawa ng way para mas mapalapit sa akin e. Parating pa lang yung kapatid ko, umaatras na siya. Ano na namang patutunguhan namin sa ganoon? Urong sulong lang. Nagmumukhang hindi ako worth it e." My reasons could go on and on. Mahaba ang nasa listahan ko ng mga rason kung bakit kailangan ko ng itigil ang pagkakagusto ko kay AJ.  Numero uno pang rason ay yung pagiging bestfriends nila ni kuya. Pesteng bro code naman kasi e. Sino ba ang nagimbento nun? Pahirap ng buhay e.

"Hmm. Sabagay. Minsan nga kahit nasa relationship ka na, you will just find yourself asking kung bakit nasa relationship ka pa na 'yon. Yung tipong even if you don't feel the same, you stay in a relationship because you felt safe with it. It was your happy bubble before but it turned into your safe bubble and you're freakin' scared to burst that bubble kasi alam mong magbabago ang labat kapag ginawa mo yun. Langya. Ang hirap ng ganito. Mabuhay ang mga sawi!" Sagot ni Nics sabay lamon sa pasta na inorder namin kanina. Langya. Maling tao pa yata ang nilapitan ko.

Moving Into My Brother's Houseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें