SSNHB - 11

51 4 0
                                    

Pagkapasok namin sa supermarket ay agad na kumuha ng push cart si Cj habang nasa likod niya kami ni Ate Marie. Habang namimili ay hindi pa rin mawala yung weird na pakiramdam. Pakiramdam ko talaga ay may nakamasid sakin.

"Ate, may bibilhin pala akong skin care essentials ko, una na lang kayo sa cashier." Paalam ko kay Ate Marie ng maalala ko na wala na pala akong stock ng mga gamit doon sa condo ko sa Quezon.

"Sige, sunod ka na lang ha. Bilisan mo lang, para di ka na mahuli at mahaba ang pila." Sabi ni Ate at hinatak na ang kapatid niya papunta sa cashier para mag bayad. Tumango lang ako at pinagmasdan muna sila na nagtatalo. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumunta na rin ako sa beauty products section at nilagay sa basket yung mga kakailanganin ko.

Napahinto ako sa pagdampot ng cleanser ng may mapansin akong anino sa may gilid ng sasakyan ko. Kita kasi dito sa kinatatayuan ko yung labas at kung saan naka parking ang sasakyan ko. Hindi ko makita ang mukha niya pero alam kong tao siya. 

Ilang minuto ko pang tinignan ang anino pero wala naman itong ginagawang kahina-hinala. Maya-maya pa ay nakikita ko na sila Ate Marie at Cj na naglalakad papunta sa sasakyan ko habang nakasunod ang isang empleyado dito sa supermarket para tulungan silang buhatin at ilagay sa likod ng sasakyan ko ang mga pinamili namin.

Agad ko rin namang kinuha yung cleanser at iba ko pang kailangan, matapos ko kunin ang mga kailangan ko ay tumingin muli ako sa labas para malaman kung nandoon pa rin ba yung anino at kung nakita rin ba nila Ate Marie iyon. Pero wala na ito pag lingon ko at nakita kong tapos ng ilagay yung mga pinamili namin. Agad na akong pumunta sa may cashier upang bayaran ang mga pinamili ko.

~

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito at kanina pa sya minamanmanan. Siguro kung buhay pa ako ay matatakot nako sa ginagawa ko, para akong stalker sa ginagawa kong 'to pero wala akong choice. Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyayari at kung bakit parang wala ng naging pag-usad sa kaso ko. Pero hindi lang din ito yung dahilan kung bakit ko siya sinusundan. Gusto ko din siya makilala pa. Hindi ko alam, pero simula nung makita ko siya noong araw din mismo ng aksidente ko ay hindi na siya nawala sa isipan ko. Gusto kong malaman kung bakit ganito.

Ilang minuto na akong nakatayo dito sa may gilid ng sasakyan niya ng makita kong lumingon siya sa gawi ko. Napansin ko rin ang pagkunot ng noo niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakikita niya ba ako? Hindi ako makagalaw dahil sa titig niya, tila ba parang inaantay niya na may gawin ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya tumitig pa sakin. Nakita ko rin na paparating na yung dalawa niyang kasama kanina. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, pero nakita ko na lang ang sarili ko na tumagos sa loob ng sasakyan at nakaupo na sa likod. Ilang minuto pa ang tumagal bago ko nakita na naglalakad na rin siya papunta dito sa sasakyan niya. Nang makalapit siya ay nag-usap muna sila sa labas ng mga kasama niya. Hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero base sa mukha nila ay para silang nagtataka at natatakot at the same time.

~

"Seryoso ba kayo na wala kayong napansin na anino dito kanina habang nilalagay niyo yung pinamili sa likod ng sasakyan ko?" Tanong ko kila Ate Marie at Cj pagkalabas ko sa supermarket.

"Huh? Anong anino? Wala naman, tsaka dito sa likod ang anino naming kanina habang naglalagay nitong pinamili sa sasakyan at hindi sa harap namin." Paliwanag naman ni Ate Marie.

"Pero kanina kasi nakita ko may anino na nakatayo dito sa gilid ng sasakyan ko" Turo ko sa may tabi ng passenger seat ng sasakyan ko.

"Tapos nung dumating kayo biglang nawala siya. Imposible naman na makatakbo yun agad." Naguguluhan pa rin na paliwanag ko sa kanila.

"Gagi ka Mia! May nakikita ka ba talagang hindi namin nakikita? Kanina ka pa ganyan simula ng pagdating natin dito." Natatawa na tanong ni Cj sakin.

"Seryoso kasi ako, may anino talaga dito kanina. Parang may taong nagmamasid sakin." Muling saad ko sa kanila.

"Tara na, umuwi na lang tayo! Anong oras na rin, kanina pa din nag tetext sila Ate Marj satin. Hinahanap na tayo." Pag-aya ni Ate samin na umuwi na.

Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang likod ng sasakyan at pumasok doon.

"Hoy, ano walang tatabi sakin dito? Magmumukha pa akong driver niyong dalawa!" Pagmamaktol ni Cj ng parehas kaming umupo ni Ate sa may likod.

"Doon ka na sa tabi ni Cj be. Ayoko katabi yang panget na yan." Sabi ni Ate sabay lagay ng airpods niya para hindi na marinig ang pag sagot ni Cj.

"Mas panget ka ulol!" Rinig ko pang sagot ni Cj bago ko binuksan ang pinto at lumabas. Pagkasara ko ng sasakyan ay napatitig ako sa loob.

Bakit dalawa ang anino ko? Teka, hindi isa lang anino ko at nagrereflect siya sa salamin ng sasakyan ko, pero itong isang anino ay nakaupo sa tabi ni Ate Marie.

"Te! Ano na? Sakay na, natulala ka na naman dyan." Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Cj. Binuksan niya pala ang bintana sa passenger seat. Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming tatlo.

~

Halos 30 minutes na kaming nasa biyahe at ang tahimik. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko na sumakay dito sa sasakyan na 'to at sumama sa kanila. Lalabas na ba ako? Kaya ko namang tumagos dito. Nagtatalo pa rin kami ng isip ko ng bigla siyang lumingon sa gawi namin ng kasama niya,

Natigilan siya ng mapatingin siya sa direksyon ko. Teka, sa direksyon ko? Ibig sabihin ba nito ay nakikita niya ako? Muli na namang kumabog ng mabilis ang puso ko. Nang makabawi siya sa gulat ay bumalik ang tingin niya sa harap.

"Okay ka lang be?" Narinig kong tanong ng kasama niya. Napalingon ako sa kaniya, inaalam kung nakikita niya rin ba ako.

"O-oo te, Hihingi lang sana ako ng tubig." Narinig kong sagot niya, pero hindi na siya muling lumingon sa gawi namin.

"Ito oh." Pag-abot ng katabi ko sa kaniya, at dahil kukunin niya ito ay muli siyang humarap sa gawi namin.

Nabitawan niya ang tubig na inabot sa kaniya dahil muli kaming nagkatinginan.

"Mia ano ba? Okay ka lang ba? Ano bang tinitignan mo diyan?" Nagtatakang tanong ng katabi ko. Hindi ko alam kung kapatid niya ba ito. Nang hindi sumagot si Mia ay sinundan nito ang tinitignan nito. Kinabahan ako, makikita niya rin ba ako? Pero parang hindi dahil tumingin pa ito sa likod ng sasakyan upang alamin kung may sumusunod ba sa amin kaya nakatulala na lang si Mia.

"Yang, ano okay ka lang ba?" Tanong na rin ng kasama nilang lalaki.

"Oo, sorry teh." Sagot niya at muling tinuon sa harap ang atensyon niya.

Hanggang sa makarating kami sa isang bahay ay hindi na siya muling lumingon sa gawi ko. Lumabas na silang tatlo at tinawag ng kasama nilang lalaki yung ibang tao na kasama nila sa bahay. Habang pinapanood ko silang kunin lahat ng pinamili nila at pumasok sa loob ng bahay ay muli na naman akong napaisip...

What now? Ano na sunod kong gagawin?

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now