SSNHB - 29

34 3 7
                                    

Ate Marie and Liam got back after 45 minutes. We enjoyed eating our halo-halo while ate is eating her chow fan. We just talk randomly; I was beyond shock that Dave joined us. Himala at hindi ito nagmamadaling umalis ngayon.

"You don't have an urgent matter today Dave?" I heard Ate Marj asked. Lumingon naman si Dave sa kaniya bago nilunok ang kinakain niya.

"Wala naman Ate, aside sa susunduin ko si Guia mamaya after her work." Sagot nito.

"Taray lover boy." Tukso naman ni Kuya Ivan. Nagtawanan naman kami dahil doon.

Napalingon ako kay Ken when he wiped the side of my lips. Napangiti ako dahil sa ginawa niyang iyon.

"Luh? Bakit may pagpunas?" Takang tanong ni Ate Marie.

"Eh kasi may something." Sabat naman ni Liam. Agad naman siyang siniko ni Jake.

"Daldal mo talaga Liam." Natatawang saad ni Dustin ng makita ang masamang tingin ni Ken sa kanila.

"Hoy, totoo ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Marj at tumingin sa akin. I heard Dave and the rest laugh.

"Shuta ka! Kaya pala iba ang feels ko kanina pa." Dugtong pa ni Ate.

"Kanina lang? Ako matagal na." Sabi naman ni Ate Marie at iba ang tingin na ginawad sakin.

"Pero Ken, di ba sabi mo after a month you'll die again?" Tanong ni Ate Marj. Tumango naman si Ken dito.

"So, meaning you'll leave your family, your friends, and even Mia, again?" Dahan-dahan na tanong muli nito. Ken nods again.

"Nililigawan mo ba si Mia?" Tanong ni Kuya Ivan.

"Oo tol." Maikling sagot ni Ken.

"May problema ka Kuya?" Tanong ko rito. Umiling naman siya saka tumawa pagkalaon.

"Tangina, iba pala trip nito ni Haamiah. Gusto pala yung may second life kaya tagal magkajowa." Dahil sa sinabi niya ay humagalpak din ng tawa ang mga kasama namin. Even Ken can't help it, so he also burst a heartfelt laugh.

"Luh? Saya ka?" Pambabara ko dito.

"Oo, ibang klase talaga kayong magpipinsan." Sabi nito at tinignan kami isa-isa nila Ate Marj at Ate Marie.

"Oo nga eh, can't believe na pinakasalan kita." Pambabara ni Ate Marj sa kaniya. Now it's my turn to laugh out loud.

"Oops, apply alcohol in the burnt area." Natatawang saad ko. Masamang tingin naman ang ginawad sakin ni Kuya Ivan.

"Mas hindi naman kapani-paniwala na si Marie na ang daming lalaki dati, pero ngayon hirap na hirap na magkajowa." Muling banat ni Kuya Ivan pero hindi na sinagot si Ate Marj at si Ate Marie na lang ang pinuntirya. Takot mapatulog sa sala eh.

"Gago ka! Maka-madaming lalaki ka naman parang sinasabi mo Kuya na nangongolekta ako." Singhal ni Ate dito.

"Oh, bakit hindi ba?" Nakakalokong tanong din ni Dave. "Naalala ko pa nga nung highschool, kahit mas matanda ka samin ni Mia, pupunta ka sa classroom namin para lang utusan ako na magpanggap na boyfriend mo kasi tinatakasan mo yung isa mong manliligaw." Pagpapaalala nito kay Ate Marie.

"Bakit parang kasalanan ko pa na habulin ako? Kasalanan ko ba na maganda ako at nagkakandarapa sila na manligaw sakin." Madramang saad ni Ate habang ginagaya si Bobbie ng Four Sisters and a Wedding.

"Ay wow, iba ka talaga!" Pang-aalaska pa ni Dave.

"Nako Liam, mahaba-haba pala ang pila." Malakas na sabi ni Paulo at nakakalokong ngumisi kay Liam na kumakain lang.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now