SSNHB - Special Chapter

37 3 0
                                    

A/N: Hellooo! Surprise! I know it's long overdue na, and I'm so sorry huhu. Sobrang naging busy talaga after ko isulat 'to, nag start na ako sa pag sulat ulit ng epistolaries and I became busy with my Teaching Internship at ngayon lang talaga ulit ako naging free. Tagal nakatambak nito sa files ko HAHAHA pero sabi nga ng SB19 "nag simula na pero wala na 'kong balak na tapusin, 'di ibig sabihin 'pag 'di tinapos, ako'y hihinto na rin" kaya itoooo na! I know how to keep a promise so here's the special chapter I promised you last year. Thank you so much for supporting and reading this story!

Happy reading everyone! 💖💖

⁙⁙⁙

"Congratulations, Atty. Ramirez!"

"Maraming salamat po." Nakangiting saad ko sa mga nagbibigay bati sa akin habang papalabas ako ng court room. I just win another case – and this case was my last case before I took my leave.

"Atty. Ramirez, ano ang nararamdaman mo ngayong naipanalo mo ulit itong mabigat na kasong ito?" napahinto ako sa paglalakad dahil napapalibutan naman ako ngayon ng media.

Napahawak ako ng mahigpit sa tiyan ko para hindi ito masagi o matamaan habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.

"Atty. Ramirez, ito na ba talaga ang huling kasong tinanggap mo? Hihinto ka na ba sa pagiging abogado?" tanong muli ng mga ito sa akin.

Tuluyan na akong huminto sa paglalakad at nagpasya na sagutin na lang ang kanilang mga katanungan. Ngumiti ako sa kanila at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Ang nararamdaman ko ngayong naipanalo ko ang kaso na ito ay masaya. Dahil muling nakamit ang hustisya ng mga taong naagrabyado." Sagot ko sa unang katanungan na ibinato sa akin. Sa totoo lang ay hindi naman kabigatan ang kasong ito, natagalan lang ang pag proseso dahil marami pa ring witness ang ayaw magsalita dahil sa takot na baka mapahamak sila. Pero kalaunan ay nagkaroon din sila ng lakas ng loob at pinaglaban ang katarungan at hustisya na hinahangad nila.

"At yes po, ito na po ang huling kaso ko ngayon. Hindi po ako hihinto sa pagiging abogado, I will just take a maternity leave dahil kailangan ko namang asikasuhin at unahin ang sarili at kapakanan ng magiging anak ko. Pero patuloy akong magseserbisyo at tutulong na makamit ang hustisya at katarungan sa pagbalik ko." Nakangiting saad ko muli bago nagpaalam at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

"Atty. Mia, hop in." napangiti ako sa boses na sumigaw ng makalabas ako ng Supreme Court. Nasa tapat nito ang pulang Audi at nakasilip mula sa bintana ng driver's seat si Liam, habang si Pau naman ay inalalayan akong bumaba ng hagdan at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Salamat." Nakangiting aniya ko kay Paulo ng makaupo na ako sa back seat at masuot ang seatbelt. Kasama ko dito si Dustin at Jake, habang si Pau naman ay nasa passenger seat.

"Excited ka na mag pahinga Atty.?" Tanong ni Dustin sa akin habang nasa biyahe na kami.

Sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kaniya na tila ba isa akong batang excited na sa paparating na bakasyon.

"Grabe 'no, anim na buwan na pala agad ang lumipas." Hindi makapaniwalang saad ni Jake. Sabay-sabay naman kaming napatango sa sinabi niya.

Oo nga, anim na buwan na ang lumipas. Anim na buwan na mula nang tuluyan na kaming iwan ni Ken. Well, actually parang hindi niya naman kami iniwan talaga. He's not here in the land of living anymore, pero nararamdaman pa rin namin siya sa paligid namin.

Para bang walang araw sa mga lumipas na buwan na hindi namin inisip na patay na siya. Pakiramdam namin ay nasa ibang bansa lang siya. Wala ring araw na hindi ko siya iniisip. He's always in my mind and heart 24/7.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now