SSNHB - 38

61 3 0
                                    

"Grabe ang lupit ni Atty. Mia and ni Dave ano? Isang magaling na lawyer at mahusay at nakakatakot na  prosecutor." Manghang saad ni Liam ng kumalma na kami sa narinig na desisyon ng judge laban kay Mark Herrera.

Sa wakas sa loob ng halos limang buwan ay nakamit na namin ni Grace ang hustisyang ipinangako ni Mia. Pagkatapos ng napakahabang proseso at pananakot ay nagwagi pa rin ang kabutihan at habambuhay ng masasadlak sa kadiliman ang mag-amang Herrera.

"Matagal ko ng naririnig ang pangalan ni Atty. Mia kila mommy. Sobrang matunog ang pangalan nito dahil sobrang galing daw talaga nito. Hindi ko naman inasahan na ganoon siya nakakakilabot habang ginigisa ka ng tanong sa korte." Hindi rin makapaniwalang saad ni Dustin.

"Grabe kaya siguro nakakatakot din ang aura ni Dave kasi ganoon din siya katinik sa korte. Tignan mo grabe yung mga nilabas niyang ebidensya to the point na hindi na naipagtanggol ni Ellena yung mag-ama." Pagpapatuloy ni Liam. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang labis na pagkamangha.

"Grabe kaya siguro mailap din si Atty. sa mga kasama niya sa law firm ay dahil ayaw niyang madawit sa kung ano mang kabulukan. Look at Ellena, she was bribed and at the same time threatened by Ramon Herrera. Ano kayang mangyayari sa kaniya?" Tanong ni Dustin at bumaling sa akin.

Tahimik lang na nakikinig sa amin sila Khloe at Katrina. Bumaling ulit ako kay Dustin na tila ba nag-aantay ng sagot mula sa akin.

"Hindi ko alam. Teka, tahimik muna ulit. Si Ramon Herrera na ang hahatulan." Sagot ko sa kaniya at pinatahimik siya. Umakto naman ito na zinipper ang kaniyang labi at tumahimik na.

Patuloy kami sa pakikinig sa sinasabi ng judge tungkol sa mga batas na nilabag ni Ramon Herrera at ang kaukulang parusa na nararapat para rito. Nagkatinginan kaming lima ng marinig namin kung magkano ang babayaran ni Ramon Herrera dahil sa kaso niyang human trafficking.

Unlike his son, Ramon Herrera will be imprisoned for almost 43 years. But at his age now, it seems like he will be imprisoned for the rest of his life just like his son. Tinotoo nga ni Mia ang binitawan nitong salita na hindi na muli mararanasan ng mag-ama ang buhay na tinamasa ngunit inabuso ng mga ito.

"Grabe! Ganoon kalupit si Atty. Mia at Kuya Dave?" Hindi makapaniwalang saad ni Khloe at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at malawak na ngumiti.

Namatay ang tawag matapos sabihin ng judge ang hatol kay Ramon Herrera pero narinig pa namin ang malakas na sigaw ni Paulo at Jake dahil sa labis din na tuwa.

"Kuya gusto ko na rin maging lawyer o di kaya prosecutor. Tapos kila Atty. Mia at Kuya Dave ako magpapatulong." Nakangiting saad ni Katrina sa akin.

Ginulo ko ang buhok niya at saka niyakap silang dalawa ni Khloe. "Kung saan mo nakikita ang sarili mo na magiging masaya Kat, doon ka. Suportado kita. Lagi mong tatandaan yan." Saad ko sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. Humigpit naman ang yakap nito sa akin bago umusal ng pasasalamat.

"Kuya..." Tawag ni Khloe sa atensyon ko at tumingala sa akin.

"Hmm..." Ang naging tugon ko sa kaniya at humarap rito. Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa akin at malungkot na tumingin sa aking mga mata.

"Kuya, aalis ka na ulit di ba? Mamamatay ka na ulit? Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" Naluluhang tanong nito sa akin.

Oo nga pala. May dalawang araw na lang ako rito sa lupa. Natapos na ang kaso ko. Naipanalo na ito ni Mia, at natulungan ko na rin sila Tom at Denise. Tapos na ang misyon ko dito. Wala na akong dahilan upang magtagal pa dito. Dahil gaya ng nauna kong buhay, itong pangalawang pagkakataong ibinigay sa akin ay hiram lang din.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now