SSNHB - 33

37 4 0
                                    

The travel Jake and I have been long and tiring. It took us almost 2 hours to be here in Manila, where the cremation house was located. Sobrang traffic kaya sobrang tagal ng naging biyahe namin Jake.

Nang makalabas ng sasakyan ay inilibot ni Jake ang paningin niya sa palibot ng cremation house.

"Ang tagal na rin pala ng huling balik namin dito." Saad niya at lumingon sakin. "Pero alam ko naman na sooner or later, babalik pa rin kami dito." Pagpapatuloy niya pa at may malungkot na ngiti sa labi.

I went near him and tap his shoulder. "Matagal-tagal pa naman dre. Atsaka, I'll make sure na hindi na kayo malungkot kapag pupunta kayo rito." Saad ko sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad sa malawak at mahabang hallway ng cremation house.

"Bakit anong gagawin mo?" Tanong nito sa akin.

"We will make more memories. Susulitin natin bawat natitirang araw na nandito ako." Sagot ko sa kaniya.

"Memories..." ulit niya rito. "Parang ang sarap manatili na lang sa memorya, kasi doon kasama ka namin." Saad niya. Napahinto ako sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa ni Jake.

"Kasi alam namin Ken na kapag bumalik kami rito, wala ka na talaga dito sa mundo. Hindi mo na kami maririnig katulad ng dati. Hindi mo na kami makikita, hindi mo na kami masusubaybayan." Pagpapatuloy niya.

Sa aming magkakaibigan, si Jake ang bihira magsalita pero kapag nakausap mo siya ay marami kang mapupulot na aral. Malalim na tao si Jake, pero mababaw lang ang kaligayahan niya. Bukod kay Paulo isa din siya sa pinaka seryosong taong nakilala ko. Maloko siya oo, pero mas lamang pa rin ang pagiging rasyonal niyang tao. Kaya siguro sisiw lang sa kaniya ang limang taon niya sa kolehiyo dahil pursigido siyang maabot ang pangarap niya.

"Tara na, saan mo ba kikitain yung mga bago mong kaibigan?" Pagyakad niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

He's trying to change the aura between us. At dahil ayaw ko namang maging mabigat ang pakiramdam namin parehas ay naglakad na ulit ako papunta sa pwesto nila Tom at Denise.

Malapit na kami sa pwesto ng makita kong nagkukumpulan ang iba pang kaluluwa sa gitna ng cremation house. Napahinto ako sa paglalakad at pinanood ang nangyayari. Naramdaman ko rin ang paghinto ni Jake sa tabi ko.

"Bakit Ken?" Tanong nito sa akin. Napalingon naman sa amin ang mga kaluluwa dahil sa narinig nila ang boses ni Jake na tinawag ang pangalan ko.

"Ken!" Sabay na sigaw nila Tom, Denise at Maureen. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Tom, Denise, Mau!" Bati ko rin pabalik sa kanila.

Naramdaman ko ang pag-usod ni Jake sa tabi ko. Binalingan ko siya ng tingin at napasunod doon ang tingin ng tatlong nasa harapan ko.

"Nandito na sila?" Bulong nito sa akin.

"Oo, actually nasa harapan natin sila ngayon." Sagot ko sa kaniya.

"Takte, ang weird naman nito. Ito yung literal na may nakikita kang hindi ko nakikita." Bulong sa akin ni Jake.

Sabay kaming natawa nila Tom at Denise dahil sa sinabi ni Jake.

"Ang gwapo naman niyang kasama mo Ken." Saad ni Denise at maganda ang ngiti kay Jake. "Siya yung isa sa mga kaibigan mo na laging dumadalaw sa'yo dati diba?" Tanong nito at bumaling sa akin.

"Oo si Jake 'to. Yung psychologist kong kaibigan." Sagot ko kay Denise.

"Tangina, kung di ko lang alam na namatay ka Ken iisipin ko talaga nababaliw ka na." Narinig kong bulong ni Jake.

"Gago." Sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya at pinalibot ang buong paningin sa paligid ng cremation house.

"Bakit nga pala kayo nagtitipon-tipon?" Tanong ko sa kanila. Nginitian ko ang ilang kaluluwa na lumilingon sa gawi namin. Marahil ay nagtataka sila bakit ako nandito at bakit kasama ko si Jake.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now