SSNHB - 32

35 4 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makalabas si Mia sa hospital at manatili rito sa rest house na pagmamay-ari ni Dave upang magpagaling. Halos araw-araw ding dumadalaw si Dave dito upang balitaan si Mia tungkol sa kaso, at walang araw na hindi ko narinig ang pangalan ni Ellena at ng sekretarya ni Mia.

Hindi ko akalain na magagawa ni Ellena ang pumanig at gumawa ng masama. Naalala ko noon, lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang maging abogado para makatulong sa mga naaapi. Hindi niya masikmura na may mga taong gumagawa ng krimen, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon – siya ang nagtatanggol sa mga ito.

Lumabas ako ng kwarto na aking tinutuluyan. Alas otso na ng umaga kaya alam kong gising na si Mia. Dumiretso ako sa dining area at nakita kong naghahanda na ang mga kasambahay ng aming agahan. Naroon na rin siya kasama ang doctor at nurse na nag-aasikaso sa kaniya at may seryosong pinag-uusapan.

Dumapo ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng isang malaking ngiti. Napalingon din ang doctor at nurse sa gawi ko kaya naman ay lumapit na ako sa kanila.

"Good morning!" Masayang bati sa akin ni Mia. Lumapit naman ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.

"Good morning." Bulong ko sa kaniya at saka lumingon sa mga kasama namin. "Magandang umaga doc, and nurse Anj." Bati ko sa mga ito. Binati rin nila ako pabalik at pinaupo na dahil nakahanda na ang mga pagkain.

Mahigpit sa oras ang doctor ni Mia kaya naman nang matapos kaming kumain ay agad silang dumiretso sa isang kwarto kung saan doon ginaganap ang physical therapy ni Mia. Sa halos isang linggo na pagche-check sa kaliwang paa ni Mia, ay ngayong araw pa lang niya susubukang ilakad ito.

"This might hurt a lot; kaya don't force your legs Atty." Pagpapaalala ng doctor kay Mia na ngayon ay nakaupo sa wheelchair at mataman na nakikinig rito.

"Just take a baby step. What's important now is that masanay mo ulit ang iyong paa at maiunat ang mga muscles mo. Your new tissues and muscle cells are still quite sensitive lalo na at hindi pa masyadong naghihilom ang tahi mo. So, I advise na dahan-dahanin mo lang ang paglakad dahil baka bumuka ang tahi mo." Dagdag pa nito.

Mia just nodded and waited for the doctor and nurse to set up the railings where Mia will get her support. Nang maiayos ito ay tinulungan ko ang nurse sa pag-akay kay Mia paalis sa wheelchair. Nang makarating kami sa may railing ay tumayo doon si Mia at inilagay ang buong lakas at pwersa niya sa kaniyang kanang paa. Ang nurse naman ay pumunta sa may gilid niya upang alalayan ang kaliwa niyang paa sa paghakbang.

"You can support Atty. Mia on her back, sir." Aniya ng nurse ng akmang aalis na ako sa likod ni Mia. Lumingon naman sa akin si Mia at ngumiti.

"Sasaluhin mo ba ako pag nahulog ako?" Tanong nito at tumawa. Napailing naman ako sa tanong niya.

"Matagal ko ng inaantay na mahulog ka sa akin." Sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang tawa ng nurse at doctor na nakarinig sa sinabi ko.

"Luh, parang tanga 'to." Saad ni Mia at mahinang hinampas ang kamay ko na naka-alalay sa kaniyang braso.

Halos tatlumpong minuto rin ang itinagal ni Mia sa paglalakad-lakad nang pahigain siya ng doctor sa kama upang hilutin muli ang kaniyang kaliwang paa. Panay ang igik nito dahil sa kirot pero tintiis niya ang lahat. Hindi ko siya kailanman nakitang umiyak dahil sa sakit.

Nang matapos ang morning therapy niya ay pinahatid ko muna siya sa nurse sa kwarto niya upang makaligo na siya. Ang nurse ngayon ang nagpapaligo at nag-aasikaso kay Mia dahil may pinuntahang seminar ulit ang pinsan niya.

Naligo na rin ako at pagkatapos ay bumaba sa kusina para sana mag presinta na tumulong sa paghahanda ng makakain namin. Nang makababa ay agad kong narinig ang ingay na nanggagaling sa kusina. Sinundan ko iyon at bumungad sa akin ang apat kong kaibigan.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon