SSNHB - 10

61 4 0
                                    


"Hon, umiiyak ka na naman ba?" Tanong ni Danilo sa asawa ng makitang hawak-hawak na naman nito ang larawan ng anak nilang si Ken.

Lumingon sa gawi niya si Myla, ang ina ni Ken. Malungkot itong ngumiti sa asawa at pinunasan ang mga luha sa mata. Tumabi sa kaniya si Danilo at tumingin din sa mga larawan ng anak nilang si Ken na nakalagay sa may altar nila.

"Hindi ko lang mapigilan, hon. Miss na miss ko na ang anak natin. Isang buwan na ang nakalipas pero di ko pa rin matanggap. Ni hindi ko man lang sya nayakap. Huling halik na pala niya sa akin yon. Ang dami kong pagsisisi. Sana pala hindi ko na lang siya pinayagan umalis nung araw na 'yon, edi sana kasama pa rin natin sya." Malungkot na wika ni Myla.

"Hon, hindi mo kasalanan iyon. Lahat tayo nabigla, kahit ako hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa rin matanggap, isang buwan na ang nakaraan pero hindi pa rin ako sanay na wala sya sa hapag-kainan at kinukulit ang mga kapatid niya. O di kaya yung mag-aaya na mag gitara." Sabi rin ni Danilo. Mapait silang napangiting mag-asawa. Ilang minuto pa silang tahimik lang na pinagmamasdan ang mga litrato ni Ken sa harapan nila.

"Natatandaan mo ba yung usapan nila Mika at Dianne kagabi habang kumakain tayo?" Maya-maya pa ay tanong ni Myla sa asawa.

"Alin doon? Yung tungkol sa reincarnate ba 'yon? Yung muling mabubuhay pero ibang katauhan na?" Tanong ni Danilo sa asawa at pilit inaalala yung iba pang sinabi ng dalawa pa nilang anak.

"Oo. Possible ba talaga yon? Mabubuhay ba kaya talaga si Ken ulit?" Tanong muli ni Myla. Hindi niya maiwasang umasa na sana nga ay mabuhay muli ang anak nila at makasama itong muli.

"Siguro? Hindi naman natin masasabi ang mga bagay-bagay dito sa mundo. Puno ito ng misteryo. Kahit yung araw o oras ng kamatayan natin ay hindi rin natin masasabi kung kailan o saan." Sagot ni Danilo sa asawa.

"Sabagay. Pero sana, kung totoo man yang reincarnation na yan, sana bumalik satin si Ken. Kahit ilang araw lang. Makasama lang ulit natin sya." Hiling ni Myla saka sumandal sa balikat ng asawa. Niyakap naman ni Danilo ang asawa at piping nag dasal para sa kaluluwa ng anak at para na rin sa kaso nito.

~

"Denise, naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong ko kay Denise habang naglalakad-lakad kami dito sa labas.

Sinamahan ko kasi sya na dalawin ang mama niya at ang kapatid niya. Pagkatapos ay sinamahan niya rin akong dalawin sila mama at papa.

"Oo naman. Bakit mo na tanong? Naba-bother ka ba sa naging usapan ng mama at papa mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo eh." Sagot ko sa kaniya.

"Naniniwala ako na mabubuhay ulit tayo, pero kung paano mangyayari 'yon, ayun yung hindi ko alam. Kasi kita mo, hanggang ngayon pagala-gala tayo dito sa lupa."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Miss na miss ko na sila mama at papa pati na rin yung dalawa kong kapatid na si Mika at Dianne. Gusto ko na sila mayakap ulit.

"Denise, una ka na pa lang bumalik. Pupuntahan ko lang ulit sila mama, baka doon na din ako magpalipas ng gabi." Sabi ko kay Denise ng malapit na kami sa tinutuluyan naming mga kaluluwa na hindi pa rin nakaka-alis dito sa lupa.

"Okay, sige. Salamat ulit sa pag sama sakin ngayon Ken." Nakangiting sabi niya. I just nod at her and waved goodbye.

Ilang araw na ba ang lumipas? Hindi ko na mabilang. Pero ang alam ko ay nagkaroon ng problema sa kaso ko. Ayun ang huling balita na narinig ko kila mama at papa pati na din doon sa attorney na nakuha nila. Speaking of her, hindi ko na din siya nakikita. Sobrang busy niya ba talaga? Wala na akong balita simula nung araw na nakita kong may sumusunod sa kanya. Sana ligtas lang siya.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now