SSNHB - 16

44 5 12
                                    

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Atty. Mia ay binalot kami ng katahimikan. Ilang buntong hininga ang narinig ko na pinakawalan ni Mia sa tabi ko. Napalingon ako sa gawi niya ng bigka na lang niyang binagsak ang ulo niya sa manibela.

"Atty. okay ka lang?" Marahang tanong ko sa kaniya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Napatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla na lang siyang sumigaw. Maya-maya pa ay narinig ko syang humihikbi.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ilang minuto ko pa sya tinitigan bago ko napagdesisyunan na hawakan ang kamay niya para i-comfort sya.

Hindi ko alam bakit ko sinubukang hawakan ang kamay niya. Siguro dahil hindi pa rin maalis sakin yung init ng mga palad niya na naramdaman ko kanina. At saka gusto ko ring malaman kung totoo bang nangyari yon o parehong gawa-gawa lang ng aming imahinasyon.

Nang mahawakan ko na ang kaniyang mga kamay ay naramdaman ko ang pagtigil niya sa pag-iyak. Nanlaki ang dalawa kong mata ng muli ko na namang maramdaman ang init ng mga palad niya. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Atty. at nang makita ko na ang kaniyang mukha ay bakas rin ang gulat sa mga namumugto niyang mata.

"B-bakit hanggang ngayon nararamdaman pa rin kita?" Naguguluhan niyang tanong habang nakatitig sa kamay naming dalawa.

"Hindi ko din alam." Sagot ko sa kaniya at patuloy na dinadama ang init sa mga kamay niya.

Dahan-dahan niyang inangat ang isa niyang kamay at humarap sa pwesto ko. Pinagmasdan ko lang sya at nag-aantay sa mga susunod niyang gagawin. Maya-maya pa ay napansin ko na lang ang sarili ko na napapikit dahil ramdam ko rin ang init ng mga palad niya na humahaplos sa aking mukha.

"B-bakit ganito? Bakit ang init mo? Hindi ba patay ka na?" Narinig kong sabi niya kaya naman ay muli kong minulat ang aking mga mata. Tinitigan ko ang mukha niyang punong-puno ng kaguluhan. Napatingin ako sa kamay niya na unti-unting bumababa ang haplos mula saking mukha papunta sa leeg, at pababa sa aking dibdib.

"Bakit may heartbeat ka?" Naguguluhan niyang tanong. Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman ay nilagay ko rin ang kamay ko sa dibdib ko.

Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng maramdamang tumitikbok ulit ang puso ko. Nabuhay na ba ako ulit? Anong nangyayari? Totoo ba 'to?

Naramdaman ko muli ang paglapat ng kamay ni Mia sa dibdib ko at ang pagatpat niya ng daliri niya sa ilong ko para pakiramdaman kung may lumalabas ba na hangin sa ilong ko.

"Paano ka nabuhay?" Tanong niya at umayos ng upo. Nakatingin na lang sya ngayon sa harap.

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan dahil miski ako ay iyon din ang tanong. Paano ako nabuhay? Kailan pa? Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina kung saan nahawakan ko ang busina ng isang sasakyan kaya nakaligtas si Mia sa mga hayop na yon.

"Kanina..." napalingon si Atty. Mia sakin. "Anong kanina?" Naguguluhang tanong niya.

"Kanina, nung nahawakan ko yung busina ng isang sasakyan para madistract ko yung dalawang lalaki na humarang sayo sa parking lot sa law firm nyo." Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Nandoon ka?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Oo. Actually, nandoon din ako nung nag-usap kayo nila mama at papa tungkol sa kaso ko."

"Pasensya ka na kung natagalan ang pag-usad sa kaso mo." Hinging paumahin niya sakin.

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman, kailangan mo talagang mag doble ingat kasi malakas ang laban ng Mark Herrera na 'yon at dalawang kaso pa ang kinakaharap niya." Sabi ko sa kaniya at ngumiti ng tipid.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now