SSNHB - 31

32 5 2
                                    

Tumingin ako sa orasan ng makitang halos isa't kalahating oras nang wala si Ken. Hindi ko alam kung saan siya pumunta and I have a bad feeling about it. When I look at Ken's eyes before he leaves, I saw uncertainties beneath them. It seems like somethings bothering him, and it bothers me too!

"Saan kaya pumunta yon si Ken?" Takang tanong ni Dustin at tumingin din sa oras.

"Aba malay. Kahit nga si Atty. hindi alam eh." Sagot naman ni Jake at tumingin sa gawi ko. Ngumiti lang ako sa kanila ng tipid.

Napalingon kaming lahat ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Naging alerto agad silang apat at napaupo lang ulit ng makitang si Ken ang pumasok doon.

"Saan ka galing dre?" Tanong ni Paulo nang makapasok si Ken.

"Iniwan mo pa cellphone mo! Loko ka, paano kung may nangyaring masama sayo sa daan?" Panenermon ni Liam dito.

Tahimik lang akong nakikinig at nagmamasid sa kanila. Dahil nga halos 30 minutes na kanina nung lumbas si Ken ay nag-alala na agad sila Paulo kaya naman tinawagan nila ito, para lang malaman na iniwan pal anito ang cellphone niya na hindi namin napansin na nasa ibabaw lang ng bedside table ko.

Umupo ito sa tabi ni Liam na siyang kinakunot ng aking noo. I mean hindi naman sa pagiging clingy but I expect him to go near me and kissed my forehead, pero sa tabi siya ni Liam umupo. He heaves a sigh before he looked at me. I can't see any emotions in his eyes that it feared me.

What's happening?

"Huy Ken!" Untag ni Dustin rito ng hindi ito kumibo. Umiwas ito ng tingin sa akin at isinandal ang kaniyang likod sa sandalan ng sofa.

Nagkatinginan kaming lima dahil sa inaakto ni Ken. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong pero tila hindi ko mahanap ang boses ko. Matapos ang ilang minutong pananahimik nito ay tumayo ito at lumapit sa puwesto ko.

Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya. Umupo siya sa upuang nasa tabi lang ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang din sa may couch at tila nakikiramdam.

"I'm sorry." Saad nito. Hindi ko alam pero kinabahan ako para sa susunod niya pang sasabihin.

"Bakit ka nag sosorry?" Dahan-dahang tanong ko sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at tumungo. Ilang malalim na hininga muna ang inilabas niya bago siya tumingin sa akin.

"I met Ellena earlier." Saad niya. Narinig ko ang gulat ng mga kaibigan niya pero hindi ko na nagawang lumingon sa kanila dahil hindi ko alam kung anong reaksyon ba ang dapat kong ipakita.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako, mag seselos, or will just let it go. Kasi, bakit nga naman ako magseselos? Bakit ako magagalit? Ano naman ngayon kung nakipagkita siya kay Ellena? I'm not even his girlfriend.

"Bakit ka nakipag kita kay Ellena? Hindi ka ba aware Ken na siya ang abogado ng pumatay sayo?" Tanong ni Paulo at bakas sa boses nito ang inis at frustration.

"Ken naman, hindi mo ba naisip na maaari 'tong maka-apekto sa kaso mo?" Tanong rin ni Jake.

"Ken! Ang alam ng lahat patay ka na! Anong gagawin natin kapag ipinaalam 'to ni Ellena sa iba?" Natataranta ring tanong ni Dustin. Si Liam ay tahimik lang at halatang nagpipigil rin na mapagsalitaan si Ken.

"Sana sa amin mo na lang inutos kung ano yung gusto mong sabihin kay Ellena. Hindi yung itinaya mo pa yung kaligtasan mo at yung lagay ng kaso mo." Dagdag pa ni Paulo at pagod na pinasadahan ng tingin si Ken na tahimik lang at nakayuko habang mahigpit pa ring hawak ang kamay ko.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now